Mark Gil to the father of Andi Eigenmann’s baby: "Such a hypocrite and pathetic animal!"

"The father will remain unknown. Di na mahalaga yun. Maraming tatayong ama sa apo ko, lalo na ako. I wouldn’t wish my grandchild to [be around] a wimpy father who is still breast-fed by his mother," says Mark Gil about the father of Andi Eigenmann’s baby.


Dalawang linggo na ang lumipas mula nang kumpirmahin ni Jaclyn Jose ang pagbubuntis ng kanyang anak na si Andi Eigenmann.

Sa panayam niya kay Mario Dumaual sa TV Patrol, noong June 29, inamin ni Jaclyn na mahirap para sa kanya na tanggapin ang pangyayari; gayunpaman, buo ang suporta niya sa anak. (CLICK HERE for related article.)

Pero matapos makumpirma ang pagbubuntis ni Andi, umugong naman ang mga espekulasyon kung sino ang ama ng dinadala ng young actress.

Dalawa ang madalas mabanggit na pangalan sa katauhan ng ama diumano ng anak ni Andi—sina Jake Ejercito at Albie Casiño.

Una nang itinanggi ni Jake—anak ni dating Pangulong Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez—na siya ang "first boyfriend" na tinutukoy ni Jaclyn na ama ng dinadala ng kanyang anak.

Sa parte naman ni Albie ay sinabi ng ina nito na si Rina Lee Casiño na hindi rin ang kanyang anak ang first boyfriend ni Andi. Pero wala raw naman problema kung si Albie nga ang ama ng dinadala ni Andi basta daanin lang sa "DNA test." (CLICK HERE to read related story.)

MARK GIL. Sa likod ng lahat ng pangyayaring ito, nanatiling tahimik ang ama ni Andi na si Mark Gil.

Pero sa inilabas na artikulo ni Dolly Ann Carvajal sa inquirer.net, kahapon, July 6, ay hindi na napigilan ni Mark na maglabas ng kanyang saloobin tungkol sa pinagdadaanan ng kanyang anak.

Sa kanyang panayam sa kolumnista, hindi niya maitago ang sama ng loob sa ama ng batang dinadala ni Andi.

"The father will remain unknown!" bulalas ng aktor.

"Di na mahalaga yun. Maraming tatayong ama sa apo ko, lalo na ako.

"I wouldn’t wish my grandchild to [be around] a wimpy father who is still breast-fed by his mother."

Naging malaman din ang pahayag ni Mark patungkol diumano’y ginawang pananakit ng nakabuntis sa kanyang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masakit sa kahit sinong babae na ginulpi at binuntis at tinalikuran," saad niya.

"Tapos papalabasin pa na si Andi ang maraming boyfriend.

"Sobra na yun. At may DNA test pa na hinihingi.

"Such a hypocrite and pathetic animal!"

NOT JAKE. Katulad ng paglilinaw ni Andi, sinabi rin ni Mark na hindi si Jake ang ama ng batang dinadala ng kanyang anak.

Katunayan nga raw, "knight in shining armor" si Jake ng kanyang anak.

Aniya, "Jake is a very refined kid, [and] we like him a lot.

"Kawawa naman at nadadamay siya sa issue.

"Knight in shining armor nga siya ni Andi.

"He has never left Andi’s side in spite of her situation. And I’m grateful for that."

Naniniwala rin si Mark na kahit mawala panandali si Andi, hindi ito makakaapekto sa career ng young actress.

Imbes nga na makasama, tingin pa niya ay "beautiful thing" ang nangyaring ito para kay Andi.

"It doesn’t end here for Andi.

"She still has a long way to go in her career.

"I am confident that she will always stand strong for who she is.

"It’s not all that bad a situation. As a matter of fact, it’s a beautiful thing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN