John "Sweet" Lapus celebrates birthday with private screening of Temptation Island

Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg">

Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg">

"Despite negative issues na nagdaan, it’s nice to know na that you have your friends by your side. Through thick and thin, sa saya at lungkot, may bagyo man o wala, alam mong nandiyan sila sa tabi mo at masaya sila para sa mga nangyayari sa iyo. Having true friends is more than receiving material gifts. Ang mga kaibigan kasi walang presyo. In short, priceless!" says "birthday girl" John "Sweet" Lapus.


Masasabi ni John "Sweet" Lapus na napaka-memorable ng kanyang 37th birthday, na ipinagdiriwang niya ngayong araw, July 7.

Magkakasunod kasi ang nangyari sa bisperas ng kanyang kaarawan na nagsilbing isang malaking regalo sa kanya mula sa kanyang mga malalapit na kaibigan sa industriya at maging sa kanyang pamilya.

PRIVATE SCREENING. Ilang oras bago sumapit ang kanyang birthday, nagkaroon ng isang private screening ng pelikulang kinabibilangan ni Sweet, ang Temptation Island, sa Platinum Cinema ng Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Inorganisa ito ng ilang mga kaibigan ni Sweet bilang special gift sa kanya.

Natuwa naman si Sweet dahil first time niyang maregaluhan ng isang private screening, kunsaan mga kaibigan at family members niya lahat ang nasa loob ng sinehan.

"Ang sosyal, di ba? Support lang ako sa mga bidang babae ng Temptation Island, pero ako pa ang nagkaroon ng private screening!" natatawang sabi ni Sweet sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Sinabihan lang ako ng kaibigan ko na ito ang regalo nila sa akin. Nag-ambag-ambag sila para mangyari ito.

"Siyempre, sobra akong touched sa ginawa nilang ito para sa akin.

"Sobra akong natutuwa kasi dumating ang mga inaasahan kong mga friends in and out of showbiz.

"Siyempre, pati na ang ilang mga dati kong nakatrabaho sa ABS-CBN at mga kamag-anak ko.

"Ang saya-saya ng gabing ito, kasi puwede kayong mag-okrayan at mag-ingay sa loob ng screening room na walang sisita sa inyo, di ba?

"Kaya napaka-memorable nitong regalong ito para sa akin."

Ilan sa mga namataan ng PEP sa private screening ay sina Eugene Domingo, Direk Chris Martinez, Tom Rodriguez, Direk Bb. Joyce Bernal, Direk Dante "Ga" Garcia, Harlene Bautista, Romnick Sarmenta, Deo Endrinal, Direk Eric Salud, Andrew de Real of The Library, Mosang, Philip Lazaro, at Roselle Monteverde-Teo.

Hinahanap din namin ang mga bida ng Temptation Island na sina Marian Rivera, Heart Evangelista, Lovi Poe, Solenn Heusaff, at Rufa Mae Quinto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ayon kay Sweet, inimbitahan niya ang kanyang co-stars, pero lahat daw ay may kanya-kanyang mga trabaho noong gabing iyon.

Aniya, "Tinawagan ko naman silang lahat. Kaso halos lahat sila ay nasa taping or shooting.

"Like si Marian at si Mikael Daez, nasa taping ng Amaya sa Laguna.

"Si Lovi naman, nasa shooting ng Aswang with Dingdong Dantes.

"Si Rufa Mae naman ay may raket out-of-town.

"Si Solenn, may prior commitment naman.

"Si Dennis Trillo naman ay nasa shooting ng My Neighbor’s Wife.

"Siyempre, si Heart nasa Brazil pa, at si Aljur Abrenica nasa U.S.

"Pero lahat naman sila ay bumati sa akin ng Happy Birthday. May nag-text at may tumawag.

"Sana nga raw ay makarating sila kaso alam ko na hectic ang mga schedule nilang lahat kaya okey lang.

"Ang importante ay naalala nila ako sa araw na iyon," nakangiting sabi ni Sweet.

SPECIAL GUEST. Pagkatapos ng private screening ay tumuloy ang buong tropa ni Sweet sa White House Bar sa E. Lopez, Sr. Drive in Quezon City para sa pagsalubong sa kanyang birthday.

None other than the Queen of All Media na si Kris Aquino ang naging special guest ni Sweet noong gabing iyon.

Sabi ni Sweet, "Nangako kasi si Kris na darating siya. Alam ko na napaka-busy ng schedule niya, pero she made sure na darating siya sa pagsapit ng birthday ko.

"Isa kasi si Kris sa close friends ko sa industriyang ito at feeling ko, hindi makukumpleto ang gabing ito kung hindi siya makakarating. It made the night even more meaningful.

"Kita n’yo naman, kahit na biglang umulan ng malakas, nagsidatingan pa rin ang ibang mga bisita ko na hindi nakarating sa private screening.

"I feel blessed dahil sa mga sunud-sunod na mga biyaya ni Lord sa akin. Nangunguna doon ang kalusugan ng aking buong pamilya at ang matagal ko nang pangarap na bahay para sa aming lahat ay nandiyan na at tinitirhan na namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aside sa mga naging shows ko, tulad ng Showbiz Central every Sunday, na patuloy na sumusuporta at pinapatulan ang mga adhikain ko sa buhay, nandiyan ang mga parangal na naibigay sa akin sa taong ito.

"Tapos, ang mga pelikula na naka-lineup na gagawin ko for Viva Films, Regal Entertainment, at may mga indie films pa akong natapos at gagawin pa.

"Despite negative issues na nagdaan, it’s nice to know na that you have your friends by your side.

"Through thick and thin, sa saya at lungkot, may bagyo man o wala, alam mong nandiyan sila sa tabi mo at masaya sila para sa mga nangyayari sa iyo.

"Having true friends is more than receiving material gifts. Ang mga kaibigan kasi walang presyo.

"In short, priceless!" pahayag ni Sweet.

BOX-OFFICE SUCCESS. Ibinalita rin ni Sweet sa PEP na maganda ang naging resulta sa box-office ng first day showing ng Temptation Island kahapon din, July 6.

Maraming na-receive na text messages si Sweet mula sa iba’t ibang mga nakapanood na ng pelikula nila. Enjoy naman daw silang lahat at umani pa sila ng positive reviews. (CLICK HERE to read PEP’s review.)

Graded B ng Cinema Evaluation Board ang Temptation Island.

"Good news ito para sa aming lahat dahil naging maganda ang kapalit ng mga naging hirap namin sa pag-shoot ng Temptation Island sa Ilocos Norte.

"Lahat ng init, sand storm, bagyo, gutom, uhaw, at kung anu-anong intriga na sumabog ay nakatulong sa pagbuo at matapos ng maganda ang pelikula namin.

"Masaya ang aming producers na GMA Films at Regal Entertainment sa inaaning tagumpay ng Temptation Island.

"It’s worth the wait at hindi kayo dapat mahuli sa pinag-uusapan ngayon ng mga tao," sabi pa ni Sweet.

Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg">


Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg"> Temptation Island" data-url="https://www.pep.ph/news/30107/john-sweet-lapus-celebrates-birthday-with-private-screening-of-temptation-island" data-desc="Kris Aquino was Sweet’s special guest." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/a36944690.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN