OMB Chairman Ronnie Ricketts not bothered by death threats; vows to eradicate piracy in the country


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa action star at Optical Media Board (OMB) chairman Ronnie Ricketts ay ikinuwento niya ang isinagawa nilang raid noong nakaraang linggo sa Quiapo, kung saan talamak ang pagbebenta ng pirated DVDs.

"Kami ni Mayor [Alfredo] Lim, nag-usap," simula ni Ronnie.

"Humingi ako ng tulong sa kanya... parang legacy natin na malinis natin ang Quiapo. Kasi, parang ’yan ang capital ng piracy, e.

"So, we discussed it. We even talked to our Muslim leaders, our Muslim brothers.

"For a month, binigyan namin sila ng time frame to get rid of their pirated goods.

"Continous ang dialogue namin. Gano’n ako, e, hindi yung aksyon agad.

"Sabi namin, kung ano ba ang alternative na puwedeng ibenta. Like canned goods, things from the South. Yung mga product doon.

"And also we try to give them livelihood programs, scholarship. Hindi namin sila basta-bastang pinabayaan. Hindi nila namin sila iniwan dahil siguradong mahihirapan sila.

"Ang maganda, no’ng pumunta kami sa lugar nila, they surrendered their pirated goods to show that they’re one with us.

"Ang sarap ng feeling! Talagang nagpapasalamat kami kay Mayor Lim.

"Hindi lang Quiapo, the whole of Manila inikot namin kasama ang Station 1 and 2.

"Inikot namin lahat ng malls with the help of PNP [Philippine National Police]."

Hindi raw overnight tinatrabaho ni Ronnie ang paglilinis ng malls mula sa pirated DVDs. Binabalik-balikan niya ito para pakiusapan ang mga taong concerned.

Ang susunod daw niyang bibisitahin at kakausapin ay ang Makati Cinema Square. Kakausapin daw niya si Makati Mayor Junjun Binay para tulungan siya sa advocacy na ito ng OMB.

DEATH THREATS. Kasama sa pagtanggap ni Ronnie ng trabaho niya bilang OMB chairman ang paglalagay sa panganib ng kanyang buhay.

Pero ayon sa kanya, hindi naman siya nati-threaten sa mga natatanggap na death threats at normal namang tumatakbo ang kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, "Marami namang tumutulong sa atin at marami namang umaalay sa atin, kahit paano secured naman tayo at happy naman tayo.

"Si Mariz [his wife], hindi maiwasang hindi mag-alala. Pero every now and then, text lang ako nang text sa kanya kung nasaan na ako, kung saan ako pupunta.

"We have this bonding na kailangang malaman niya kung nasaan ako, like kung nasa operation ako, or kahit sa mga out of town. Yung operation din kasi namin out of town din.

"Sinasabi ko naman sa kanya, na nandoon ako sa location at sinasabi ko naman sa kanya yung situation ko doon."

Isa sa mga death threats na natanggap ni Ronnie ay noong walong buwan pa lang niya sa puwesto.

Salaysay niya, sinasabi sa texts na nabayaran na raw ng P150,000 ang kanyang ulo. May mga tumulong at umalalay naman sa kanya para ma-trace kung saan nanggaling ang ganitong pananakot.

"Ang importante kasi ipinapakita mo sa ating mga kapatid na concerned ka rin sa kanila," sabi ng OMB chairman.

"You just don’t do operations or do these things. You just have to explain why do we have to do these things.

"Saka alam ko naman kung sino ang mga sasagasaan ko. Saka in general, gaya nila, alam naman nilang trabaho lang ito.

"Siguro kung sila yung nasa posisyon ko, ganun din naman ang gagawin nila."

NO TO POLITICS. May mga nagsasabing stepping stone lang daw ni Ronnie ang pagiging OMB head para sa mas malaking posisyon sa gobyerno sa darating na eleksyon. Ano ang masasabi niya rito?

"A, to be honest? Sana noon pa. Noon pa ako pinapatakbo, e," sagot niya.

"Service lang talaga ito, e. Ngayon pa lang nga may kumakausap sa akin.

"Gano’n pala ang style diyan. Dapat one year, poporma ka na pala.

"Pero nangako ako kay Mariz na hindi ako papasok sa pulitika.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko buhay ang politics. Eto lang ako.

"Kilala naman ninyo ako. Hindi nga ako sosyal na tao, e!

"After nga nito, I wanna spend time with my kids. Kasi I leave the house so early and I come home what time? Late na.

"I wanna spend time with my kids. They’re growing up, e. Kasi gusto ko magkaroon ng mas mahabang bonding time with them.

"Hanggang 2013 pa trabaho ko dito sa OMB. So, medyo matagal-tagal pa."

Matagal-tagal na ring nakalipat si Ronnie sa kanilang dream house ni Mariz.

Nagpapasalamat siya dahil bago siya naupo sa posiyon ay naipatayo na niya ang kanyang bahay. Ibig sabihin, walang puwedeng mang-intriga kung saan galing ang kanyang bahay.

SACRIFICING SHOWBIZ CAREER & FAMILY TIME. Pati ang showbiz career ni Ronnie ay nasakripisyo dahil sa trabaho niya.

"Ang tinanggihan kong TV show was yung Mula Sa Puso sa ABS-CBN 2. Ako yung partner ni Dawn Zulueta. Action sana yung role. Yung schedule kasi ng taping thrice a week...

"May offer pa ako sa GMA 7, meron din sa TV5. Yung kay JC de Vera na una niyang action project sa TV5.

"Yun, schedule ang problema, thrice a week ang taping. Papatayin no’n ang trabaho ko sa OMB.

"Momentum na yung trabaho namin sa OMB. Ibig sabihin, ngayon pa lang namin nakuha yung diskarte.

"Every day akong nakikita ng mga staff ko sa office, tapos bigla akong mawawala? How will they feel? E, di parang inabandona ko naman yung opisina ko?

"This is hard work. They see me every day there. Puwede ninyo akong puntahan doon. Nandoon ako every day sa office," saad niya.

Inamin ni Ronnie na nanghinayang din siya sa pagkakaudlot ng pagbabalik niya sa showbiz.

"Parang timing rin kasi, e. No’ng time wala kang work, walang masyadong offer. Ngayon namang nag-o-OMB ka, bagsakan naman ng work!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero may mga ads naman ako... Natutuwa naman ako sa mga endorsements ko."

Pag bumabawi naman daw si Ronnie sa kanyang pamilya ay buhos naman.

"Super! Talagang umaga pa lang... hindi lang pag weekends.

"Kunwari pag nakauwi ako ng 5 p.m. from the office, hahabulin ko sila, ’Kain tayo sa labas.’ Kuwentuhan lang kami.

"Isa pa, ang ginagawa ko after dinner, bibili kami ng nice movie sa Astro Vision or sa Odyssey, hahanap kami ng disc at uupo lang kami sa TV room lang namin.

"Ayun, enjoy na kami doon, tawanan lang kami nang tawanan. Yun ang bonding na namin.

"Minsan lalabas lang kami. Magdi-dinner, mamamasyal."

Dagdag niya, "Would you believe, every summer I go to the States? Pero this year hindi ako nakaalis because of work.

"Sabi nga nila masyado raw akong dedicated. Hindi ako nagbabakasyon. Ask my staff, itanong ninyo sa office.

"Pero gano’n talaga, e. Kilala naman ninyo ako pag may tinanggap akong trabaho, focus talaga ako doon."

Plano ni Ronnie na gumawa ng pelikula bago matapos ang taong ito. Aayusin lang muna niya ang schedule niya sa OMB bago niya ito simulan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN