Cristine Reyes inspired to work on Reputasyon because of leading man and boyfriend Rayver Cruz

"Nung nabasa ko yung script, nasabi ko sa sarili ko na I’m sure magugustuhan ito ng mga manonood dahil from intense acting to kilig-kiligan. Alam mo yung tipo ng panlasa ng mga Pinoy, pasok ito sa panlasa natin at tiyak na magugustuhan nila ito," says Cristine Reyes about her latest teleserye on ABS-CBN, Reputasyon.


Masasabing tama ang naging desisyon ni Cristine Reyes na lumipat mula sa GMA-7 papuntang ABS-CBN. Ito ay kung ang pagbabasehan ang mga dekalidad at magagandang proyekto na ibinibigay sa kanya ng Kapamilya network.

Una siyang ni-launch as leading lady sa seryeng Eva Fonda, at sinundan pa ito ng adult drama na Kristine.

Ngayon naman ay tampok si Cristine sa bagong teleserye na pinamagatang Reputasyon, kung saan makakatambal niya si Jason Abalos at ang kanyang real-life boyfriend na si Rayver Cruz.

Sa pictorial ng Reputasyon last Sunday, July 3, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cristine.

Tinanong namin kung may pressure ba siyang nararamdaman na ang show na ito ang huhusga kung tanggap ba ng publiko ang tambalan nila ng actor-boyfriend o hanggang off-cam lang talaga sila.

"Well, nung nabasa ko yung script, nasabi ko sa sarili ko na I’m sure magugustuhan ito ng mga manonood dahil from intense acting to kilig-kiligan.

"Alam mo yung tipo ng panlasan ng mga Pinoy, pasok ito sa panlasa natin at tiyak na magugustuhan nila ito.

"Basta ako, masaya ako na kasama ko si Rayver sa Reputasyon. Hindi ako mabo-bore, yung inspirasyon mo nasa tabi mo lang."

Dagdag pa niya, "Sa Reputasyon lang kami halos nagkikita."

Ipinangako rin ni Cristine na bukod sa team-up nila ni Rayver, marami ring dapat abangan sa pinagbibidahan niyang serye.

"Marami silang aabangan. Unang-una, yung magagaling kong mga kasama dito sa show, lahat sila halos magagaling.

"Nandiyan si Laurice Guillen, Jaclyn Jose, Lito Pimentel... Tapos si Ms. Aiko [Melendez], nagbabalik siya sa teleserye. At siyempre, first time kaming magla-loveteam ni Rayver.

"Abangan ninyo yung mga exciting twists namin ni Ms. Aiko Melendez. Mayroon ding mga exciting scenes sila Ms. Jaclyn at Ms. Aiko."

MOVIE WITH ANNE & DEREK. Bukod sa Reputasyon, tinatapos din ni Cristine ang pelikulang pinagsasamahan nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay para sa Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kumusta ang pagtatrabaho nila so far?

"Okay naman," sambit ni Cristine. "Excited na ako sa pagsasama namin ni Anne.

"I’m sure aabangan ito ng marami. Pabonggahan kami ni Anne dito."

Hindi kaya magkaroon ng billing problem sa kanila ng kapwa niya ABS-CBN and Viva artist na si Anne?

"Billing? Ako, okay lang kahit after ng kung sino. Okay lang sa akin, hindi yun big deal.

"Mauuna silang talaga dahil sila naman ay institusyon... Joke!

"Ano ba ang tamang term dun? Mas marami na silang napatunayan kaysa sa akin."

"CRISTINE GARCIA." Last Sunday sa ASAP Rocks, naging trending topic sa Twitter ang pagpapakilala ni Zsa Zsa Padilla kay Cristine bilang "Cristine Garcia." Bagay na ikinagulat ni Cristine.

"Akala ko baka mayroon pang ibang Cristine Garcia na papasok, o inisip ko baka mayroon siyang [Zsa Zsa] friend na Cristine Garcia na kausap lang niya kaya nabanggit niya ako na ’Cristine Garcia.’

"Hindi ko matandaan kung ano ang sinabi ko, pero nagtaka talaga ako. Pero okay lang yun, I’m sure it’s an honest mistake.

"Yun sa naging trending topic siya sa Twitter, okay lang yun, ibig sabihin marami ang nanonood ng ASAP," saad niya.

RAYVER CRUZ. Sa July 20 ay ipagdiriwang ni Rayver ang kanyang 22nd birthday.

Last year, binigyan ni Cristine ng suprise birthday party ang young actor. This year, may pinaplano ba siya uling sopresa para sa boyfriend?

"Last year, friends lang kami nun, sinuprise ko siya kasi mabait siyang kaibigan.

"Ngayon, balak ko siyang i-suprise kasi dapat hindi ko sasabihin sa kanya.

"Yung tipong uuwi siya ng bahay, nandun lahat ng family and friends niya," sabi ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN