Piolo Pascual confident about KC Concepcion’s feelings for him; bonds with son Iñigo through road trip in the North

"Hindi na mawawala yun... But if you’re saying na tapos na, mas maganda yung ganun kasi at least, you feel vindicated. At the same time, nakakasawa na rin. I don’t want to be negative, parang there came a point na hindi na ako nagbabasa ng kahit na ano kasi nakakasakit," says Piolo Pascual about intrigues on his relationship with KC Concepcion.


Dahil parehong big stars sina Piolo Pascual at KC Concepcion, hindi maiaalis na pukulin sila ng mga intriga mula nang aminin ng aktor ang panliligaw niya sa TV host-actress, hanggang sa aminin na nila ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ang pinakahuling issue nga sa dalawa ay ang balitang pagkakamabutihan daw ni KC at ng kapareha nito sa pelikulang Forever And A Day na si Sam Milby, na ayon naman sa iba ay bahagi lang ng promotion para sa pelikula.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Piolo last Sunday, July 3, sa ASAP Rocks, sinabi ng aktor na tanggap niya na bahagi ng kanilang relasyon ni KC ang mga intriga.

"Hindi na mawawala yun, hindi mawawala yung ganun," sabi ni Piolo.

"But if you’re saying na tapos na, mas maganda yung ganun kasi at least, you feel vindicated. At the same time, nakakasawa na rin.

"I don’t want to be negative, parang there came a point na hindi na ako nagbabasa ng kahit na ano kasi nakakasakit.

"Ngayon, matagal-tagal na rin, nagsawa na rin siguro ang mga nagdududa at salamat naman."

Ipinagtanggol din ni Piolo sina KC at Sam sa paratang na bahagi lang ng publicity slant ang balitang may special something na nabuo sa dalawa habang ginagawa nila ang pelikula, at nagamit daw siya dito.

"That’s not true," sambit niya.

"Pareho naman silang may kakayahan sa box-office, pareho silang magaling na artista.

"Hindi na nila kailangan ng isang katulad ko para tumulong sa kanila.

"I believe a movie from Star Cinema doesn’t need anybody outside the film para makapag-promote lang.

"They deserve the success of the movie that they’re getting, so wala akong kinalaman dun."

Dagdag pa niya, "Kampante ako sa pagmamahal ni KC, wala kaming problema.

"Si Samuel [Sam’s real name] has always been a brother to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Even before I got along with Kristina, best friends na ang dalawang ’yan."

KC IN HOLLYWOOD? May balita na maari raw ma-penetrate ni KC ang Hollywood dahil may opportunity raw na sinubukan ang TV host-actress, at pati na si Sam, nang huli silang nagtungo sa U.S.

Kasunod nito ang intriga na maaari raw iwan ni KC si Piolo kung sakaling i-pursue nga ng dalaga ang balak nito.

Nang hingan namin ng reaksiyon si Piolo tungkol dito ay supportive naman ang aktor sa pangarap ng girlfirend, kahit pa nga posibleng maging long-distance ang kanilang relasyon.

Ayon sa matinee idol, "I’m excited for her and Sam because bagong teritoryo yun if ever makuha sila, ibang pride ang maibibigay nila sa bansa natin.

"Naniniwala naman ako kay Kristina... Pang-international ’yan and even Sam.

"Pag nangyari yun, I’ll be one of the happiest people. Alam kong maganda ang kalalabasan.

"Siguro, I’ll cross the bridge when we get there. Wala pa naman kaming problema about that, pero sanay naman tayo pag ganun."

FATHER & SON. Nasa bansa ngayon ang anak ni Piolo na si Iñigo, na isinasama minsan ng aktor sa ASAP. Masayang nagkuwento sa amin ang aktor ng tungkol sa bonding nilang mag-ama.

"Okay, masaya. We were able to go around.

"I was off a couple of days, nagpunta kami ng North. Nag-drive kami, road trip, nakapunta kami ng Banaue, punta kami ng Sagada, Baguio...

"And it was fun time with him kasi drive lang, alam mo yung cowboy lang... Eight hours drive sa Banaue.

"I was really happy because I got to show him the other side of the Philippines na wala sa America, kaya I’m happy I got time to spend time with him.

"Nag-caving kami sa Sagada for four hours, it was really educational and sobrang bonding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I’m really excited kasi he’s here for a couple of more weeks so hopefully makapag-training kami.

"Nag-train din ako ng bike saka run, so sana makasama siya. Kasi, di ba, ang sarap nung kasama mo ang anak mo na tumatakbo at nagba-bike din?

"Hanggang August pa siya dito," banggit pa niya.

Nagkita na ba sina Iñigo at KC recently?

"A, before, but not lately," sagot ni Piolo.

UPCOMING PROJECTS. Kinumusta rin ng PEP kay Piolo ang mga nakalinya niyang projects sa ABS-CBN.

"Nagsu-shoot kami ni Angelica [Panganiban], masaya naman.

"Kasi ako, ang lagi kong sinasabi, comfort zone ko yung nagte-taping at shooting.

"Yun ang pinagkakaabalahan ko, other than that ASAP, so medyo light yung load ko.

"Siyempre, hindi tayo puwedeng mabakante ng isang taon na walang teleserye.

"So, come August, pag okay na yung concept, pag nagawa na lahat ng pre-prod, magsisimula na siya.

"Last year pa nabanggit sa akin yun, inaayos na. So hopefully by August, makapag-taping na ako.

"Something new, something different, and I’m excited about the whole thing because medyo may pagka... hindi naman scandalous, pero may pagka-interesting yung story," kuwento ni Piolo tungkol sa kanyang susunod na teleserye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN