Marian Rivera ignores Sam Pinto’s statement about her; gets a "gag order" not to answer issue with Heart Evangelista

PEP was able to interview Marian Rivera on the set of Amaya in Pagsanjan, Laguna yesterday. We tried to get her reaction on the latest issues about her, but the Primetime Queen of GMA-7 opted not to dwell on these.


Dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Amaya sa kanilang location sa Pagsanjan, Laguna kahapon, July 8.

Kasama namin ang PEPsters na winners ng PEP promo na ang premyo ay ang makabisita sa taping ng pinagbibidahang epicserye ni Marian Rivera.

Kasalukuyang nagri-rehearse si Marian ng eksenang kukunan sa kanya nang dumating kami sa location.

Pagkatapos ng ilang scenes ay pinagbigyan na agad ang PEPsters na makipag-picture taking with her, at kasunod na rin nito ang maikling panayam ng PEP kay Marian.

Kapansin-pansin ang parang sugat sa mukha ni Marian kaya tinanong namin siya agad kung saan niya ito nakuha.

"Dito sa set. May kumagat na isang insekto. Tapos medyo nagkaano [namantal] na.

"Medyo kasi maarte yung skin ko. Medyo nag-rash.

"Pero okay na ’yan compared no’ng isang araw," sabi ng Primetime Queen ng GMA-7.

May maayos namang waiting at resting area si Marian sa set. Pero pag take na talaga, like everybody else, kailangan niyang suungin ang maputik na daan at mga insektong gumagapang at lumilipad-lipad sa set.

Nahihirapan ba siya sa Amaya?

"Siguro no’ng una bilang naging isang uripon (alipin) ako dito—binubugbog, nahubadan... Alam mo yun? Yung may mga eksenang gano’n? Tapos, putik...

"Pero ayos lang ’yan. Mild land ’yan.

"Halos naman lahat napagdaanan ko din naman lahat, so sanay na.

"’Tsaka lahat naman napuputikan, walang kaso sa akin ’yan."

MOVIE WITH AGA. Lumabas sa PEP Alerts ang balitang gagawa raw ng pelikula si Marian kasama si Aga Muhlach. Co-production daw ito ng Regal Films at GMA Films, at posibleng masimulan ang shooting sa September.

Pero ayon kay Marian, "Siguro ayaw ko munang magsalita tungkol diyan kasi, unang-una, hindi pa nailalatag sa akin ’yan.

"Nasabi kung nasabi. Pero hangga’t hindi ka kinakausap, wala ka sa presscon, wala kang script, e, hindi pa sigurado ’yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung sakaling matuloy?

"Siyempre thankful ako kasi Aga Muhlach ’yan.

"’Tsaka di pa kami nagmi-meet ever. ’Tsaka di ko pa siya nakikita, ever," sabi ng aktres.


MARIAN VS. DINGDONG. Come Metro Manila Film Festival sa December, magkakatapat ang movie nila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Si Marian ay kasama sa Panday 2 ni Senator Bong Revilla, habang si Dingdong ay katambal ni Kris Aquino sa pelikulang Segunda Mano.

Ano ang reaksiyon dito ni Marian?

"Movies lang namin ang magkatapat. Actually, hindi nga kami magkakumpitensiya, e.

"Tulungan din kaming dalawa. Ako din papanoorin ko siya. Siya din papanoorin niya ako, so walang kumpitensiya," saad niya.

SAM PINTO. Sinubukan din ng PEP na tanungin si Marian tungkol sa mga maiinit na isyu na kinasasangkutan niya ngayon

Una na rito ang pahayag ni Sam Pinto na pangdededma raw ni Marian sa kanya muli nang ma-link siya sa pangalan ni Dingdong. (CLICK HERE to read related story.)

Pero minabuti ni Marian na huwag nang patulan pa ang isyu.

Kaso, sa FHM 100 Sexiest, voted sa number one slot si Sam Pinto. Habang si Marian ay pumangalawa lang sa dalagang dinededma niya raw.

Ano ang reaksiyon dito ni Marian?

"Ako, nag-number one ako nung 2008. Ako, kahit number two ako ngayon, nag-number one naman ako at nakakapasok sa list kahit hindi ako nagku-cover sa FHM, di ba?" sabi niya.

Sabat naman ng maka-Marian na PEPster na kasama namin, "Meaning, kahit hindi siya mag-todo hubad ay pasok pa rin si Marian sa FHM 100 Sexiest. At natural lahat sa katawan niya. Walang niretoke!"

HEART EVANGELISTA. Siyempre, hindi namin puwedeng palagpasin ang pagkakataon na hindi maitanong si Marian tungkol sa away nila ng co-star niya sa Temptation Island na si Heart Evangelista.

Ang latest na kaganapan dito ay ang pagtanggi ni Heart na sinigawan ng kanyang ina na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian sa airport, at ni hindi man lang daw tiningnan ng ina ni Heart si Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Na-hack din daw ang Twitter account ni Heart kung saan may nag-post at tinawag diumano si Marian na "bobita." (CLICK HERE to read related story.)

Basa man namin sa mga mata ni Marian na gustung-gusto man niyang magbigay ng reaksiyon, pero pinigilan na kamin ng isang staff ng GMA-7 na i-tackle pa ito sa interview.

Humahaba lang daw kasi ang usapin between Marian and Heart. Para na rin daw sa ikatatahimik ng dalawang aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN