Lovi Poe on keeping mum about Marian Rivera-Heart Evangelista rift: "If I react, what’s gonna happen after that? It’s just like opening Pandora’s box."

"No one’s gonna gain anything from this, especially the fans. No one’s gonna gain anything, especially both sides. So, yun. I’m doing this kasi parehas ko silang kaibigan at parehas ko silang mahal," says Lovi Poe about the ongoing rift between Marian Rivera and Heart Evangelista.


Si Lovi Poe lang among the female lead cast ng Temptation Island ang nakarating sa victory party para sa box-office success na pelikula nila kahapon, July 8, sa Imperial Palace Suites.

Ayon sa Regal Films at GMA Films, kumita ng P10 million ang Temptation Island sa first day of showing pa lang nito.

Para kay Lovi, marami raw siyang memories na mami-miss sa paggawa niya ng Temptation Island.

"Masaya kasi talaga ang movie," sabi ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"And the friendship na nabuo rito, I think yun. At kung paano kami nagtulungan sa disyerto.

"Yun talaga... it’s not just one single memory but everything."

Marami ang nag-e-expect na maghi-hit talaga sa takilya ang remake ng Temptation Island. Pero ayon kay Lovi, isa siya sa ayaw mag-set ng expectation sa kahit anuman.

"I don’t expect. We were just excited to do it at gusto namin na, siyempre, gusto namin na ganito ang mangyari.

"Pero ako ha, hindi ako makapaniwala. It’s a huge thing!" excited niyang sabi.

Base sa reviews, si Lovi ang nag-standout among the cast dahil sa kanyang pagganap bilang Serafina.

Ano ang reaksiyon niya dito?

"I’m very happy naman," sambit niya.

"Ang target ko lang naman is to give justice to the character. Masaya naman ako.

"I just tried to put a different attack to it. Sarili kong atake as Lovi Poe."

MARIAN-HEART RIFT. Kahit na nagsabi na si Lovi noong press conference ng Temptation Island na ayaw niya nang magsalita pa o magbigay ng anumang pahayag sa isyu ng co-stars niya sa pelikula na sina Marian Rivera at Heart Evangelista, hindi maiwasang madamay siya. (CLICK HERE to read related story.)

May ilang fans nga na inaaway na siya sa Twitter at iba pang social networking sites dahil sa pagtanggi niyang magbigay ng pahayag tungkol sa nalalaman niya sa totoong nangyari. Si Lovi kasi ang sinasabing "star witness" dahil siya ang nakasaksi ng mga pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag naman ni Lovi, "For me kasi, if I react, what’s gonna happen after that, right? It’s just like opening Pandora’s box.

"So, no one’s gonna gain anything from this, especially the fans. No one’s gonna gain anything, especially both sides. So, yun.

"I’m doing this kasi parehas ko silang kaibigan at parehas ko silang mahal.

"Mas mabuti ng ganoon. Hindi ikabubuti ng kahit na sino."

Hindi naman daw nagpapaapekto si Lovi kahit pa may ibang kumukuwestiyon sa friendship niya.

"No, not at all... Because I know for a fact na kaya ko ito ginagawa kasi parehas ko silang mahal, parehas ko silang kaibigan," ulit niya.

Tinanong din namin si Lovi on how she feels na tila mas lalong lumalaki ang isyu sa pagitan nina Marian at Heart instead na humupa ito.

"See? That’s also the thing that I am avoiding," sabi niya.

"Kaya hindi rin naman ako nagsasalita. I don’t want to make things worse. I don’t wanna aggravate the situation."

Willing ba siyang maging instrumento sa pagkakaayos ng dalawa?

"You know, kung magkakaayos, sana maayos talaga.

"Yun naman ang wish ng lahat, e. Mas masarap na magkaibigan," saad ni Lovi.

Dagdag niya, "At this point, I don’t know anymore. I don’t want to get into it.

"So many people were hurt already on the situation. So, huwag na."

JAKE CUENCA. Sa ibang usapan naman, mukhang happy at inspired ang young actress ngayon nang tanungin ng PEP tungkol sa kanyang lovelife.

"I’m just happy now," nakangiting sabi ni Lovi.

"I’m really happy with everything so, yun, nagre-reflect yun sa lahat ng ginagawa ko. Happy..."

Who makes her happy?

"Who? Secret!" natatawa niyang sabi.

"A lot of people, especially yung... Wow, ang galing ko rito! Especially yung mga sumuporta at nanood ng Temptation Island."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang co-star ni Lovi sa pelikulang My Neighbor’s Wife na si Jake Cuenca ang nali-link ngayon kay Lovi. Lalo pa nga’t noong premiere night ng Temptation Island ay isa si Jake sa nanood ng pelikula nila.

Kuwento ni Lovi, "Basta nagkayayaan kami. He wanted to watch Temptation Island. He was curious, so yun."

Hindi naman itinanggi ni Lovi that she personally invited Jake to their premiere night.

"Yeah... I don’t know, sabay-bawi!" natatawang sabi pa niya.

Si Jake ba ang inspirasyon niya ngayon?

"I am inspired sa maraming bagay," sabi ni Lovi.

"It’s not about the person. It’s about what’s happening in my life now.

"Kumbaga, I’ve gone through so much already. Now, parang I’m bouncing back to finally de-stress myself."

Nagkakaroon na ba sila ng chance na lumabas ni Jake?

"You know, I’m not fond of talking about my personal life anymore. So, yun, I’ve learned from it already.

"I guess it’s best that I’ll just keep it to myself. Kung anuman yung makita n’yo, yun na lang yun."

Kung sakaling nanliligaw o liligawan siya ni Jake, may chance kaya ang Kapamilya actor?

"I don’t know," nakangiti niyang sabi.

"Right now, I just want to enjoy. Have fun.

"Sarili ko muna ang iisipin ko. Wala na munang iba.

"It’s time for me to be selfish, sa sarili ko.

"I just want to be happy with my life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN