Elmo Magalona not giving in to the pressure of making loveteam with Julie Anne San Jose for real

"We’re just happy that we’re just doing this. Masaya lang kami sa ginagawa namin. Hindi ko naman iniisip na kailangan kong gawin ’to or mag-court. Siyempre, kung ganoon talaga ang mangyari, hindi naman ipipilit," says Elmo Magalona about his tandem with Julie Anne San Jose.


Bukod sa musical-variety show na Party Pilipinas, ang isa pang regular show ni Elmo Magalona sa GMA-7 ay ang weekly sitcom na Andres de Saya.

Ayon kay Elmo nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng Andres de Saya last week, enjoy siya sa show at sa mga kasamahan niya rito.

Dagdag niya, "At saka, nakikita ko ang feedback ng tao, na nakikita nila yung pagigiging comedy niya. Kasi, most of the kasali sa show, hindi naman talaga lahat, comedy ang forte.

"Ngayon, si Kuya Pekto, si Ate Chariz [Solomon], comedy talaga. Pero the rest, drama factor talaga, like si Ate Iza [Calzado], Tita Gloria [Romero], nasa drama talaga. Pero napapakita nila.

"Tapos kami ni Julie Anne [San Jose], music kami, di ba? Pero yun, napapakita na kaya yung comedy na napapakita sa mga viewers."

Karamihan ng mga kasama niya sa show ay first time niyang makatrabaho, except for Julie Anne and Jillian Ward.

Pero ani Elmo, "Madali namang nakapag-adjust. Lahat sila mababait, masarap katrabaho.

"Ito talaga ang gusto kong gawin, mag-entertain. Kahit noong maliit pa ako, gustung-gusto ko nang nakikita ang mga tao na nakangiti."

TEAM-UP WITH JULIE ANNE. Masaya rin daw si Elmo na marami ang nagkakagusto sa team-up nila ni Julie Anne.

"I’m just really glad na maganda pa rin ang tingin ng mga tao at mas gumaganda pa lalo.

"Ibig sabihin, parang nag-i-improve kami at nagli-learn kami sa kung ano ang comment ng tao at kung ano yung dapat naming gawin.

"At yun nga, may mga helps naman kaming nakukuha para mapaganda pa naming lalo."

Mas kumportable na siya ngayon sa loveteam nila?

"Yes, of course... parang nakasama ko nga siya sa Party P at nakasama ko rin siya dito [Andres de Saya].

"Yun talaga, pinaghihirapan namin kapag may ginagawa kami together, pinag-uusapan namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In real life, gaano sila ka-close ni Julie Anne?

"Siyempre, gusto ko rin yung company niya," sabi ni Elmo.

"Lahat naman sa Party Pilipinas, mabait, including her. I mean, kapag nakakasama ko sila, masaya naman ako."

Pero kung ang fans nila ang masusunod, gusto nila na maging totohanan na ang kanilang tandem. Wala ba siyang pressure na nararamdaman dahil dito?

"I’m not naman giving in to pressure na kailangan ko itong gawin," sagot ni Elmo.

"Alam mo yung, we’re just happy that we’re just doing this. Masaya lang kami sa ginagawa namin.

"Hindi ko naman iniisip na kailangan kong gawin ’to or mag-court. Siyempre, kung ganoon talaga ang mangyari, hindi naman ipipilit."

Threat ba para sa kanya kapag may ibang teen actors na tila nagpapakita ng paghanga kay Julie Anne, tulad halimbawa ni Joshua Dionisio?

"Admiration lang naman," nakangiti niyang sabi.

"Siyempre, mas pangit naman kung sabihin na walang nagkakagusto sa ’yo, di ba?

"Mas nakaka-flatter kung may magsabi talaga sa ’yo na gusto ka niya or may something sa inyo na napapahanga ka."

WYNWYN MARQUEZ. Itinanggi naman ni Elmo nang may magtanong kung totoong sila na ni Wynwyn Marquez, ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na kasamahan din niya sa Party Pilipinas.

"Hindi po," nakangiting tugon ng binatang anak ng yumaong si Francis Magalona.

"Saka wala naman po akong idi-deny kasi wala naman pong talaga."

SOLO ALBUM. Marami na rin ang naghihintay for Elmo’s first solo album. Pero ayon sa kanya, pinagpaplanuhan pa rin daw nila ito.

"I hope before the year ends, malabas ko na rin," sabi niya.

Marami na ba siyang nagawang kanta for his album?

"Isa pa lang po, but I’m still writing pa rin the songs.

"Everything’s gonna be original. Wala munang mga cover-cover.

"May time pa naman. Siyempre, yung first album, okay na ipakita ko muna ang mga thoughts ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kapatid niyang si Frank Magalona naman daw ang posibleng gumawa ng music o mag-arrange.

"Actually, we’re working on it together. Tinatanong niya sa akin kung okay ba itong tunog na ito or beat, yung ganoon," sabi niya.

Speaking of Frank, pumasok na rin ito sa showbiz. Wala bang kumpetisyon sa pagitan nilang dalawa ngayon?

"Alam n’yo po, hindi ko naman nakikita na kumpetisyon ’to kasi, ’yun nga, we’re brothers. I know that we’re in this together.

"So, hindi ko talaga makikitang kumpetisyon siya at nagtutulungan kami palagi," saad ni Elmo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN