Isabelle Daza wants to remain a mystery to people; considers doing remake of mom Gloria Diaz’s classic movie

"If a role in a movie requires me to be daring, then we can all talk about it muna before executing it. Madadaan naman ang lahat sa compromise, e. I don’t need to jump into it right away. One at a time para mas sigurado tayo," says Isabelle Daza.


Hindi makapaniwala si Isabelle Daza na isa siya sa pinili ng Pambansang Kamao na si Manny "Pacman" Pacquiao upang maging isa sa co-hosts niya sa game show nito na Manny Many Prizes.

Nagkasama na kasi sa isang beer commercial sina Isabelle at Manny noong isang taon, at doon pa lang daw ay gusto na siyang kunin ni Pacman para sa isang show na iniisip niyang gawin para sa Kapuso network.

Wala raw problema kay Isabelle na muling makasama si Pacman sa isang project. Pero noong mga panahon na iyon ay nasa school pa si Isabelle at gusto niya munang maka-graduate bago siya tumanggap ng iba pang projects aside sa TV commercials.

"During that time, hindi pa ako ready," sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"I was still in school [De La Salle University taking up Early Childhood Education]. So I was okay doing commercials muna.

"But I was really flattered when Manny said that he wants me to be in a show with him.

"Then after I graduated, the offer from GMA-7 came and nandoon pa rin yung show na gusto ni Manny. That’s why natuloy din and who would say no naman to Manny Pacquaio, di ba?

"So after I signed an exclusive contract with GMA-7, kasama na itong game show ni Manny sa mga gagawin ko aside from hosting Party Pilipinas."

Sa press launch ng Manny Many Prizes last July 5 ay nagpa-raffle si Pacman ng higit sa P100,000 cash plus appliances at isang iPad 2 courtesy of C-Interactive Digital Entertainment.

Sa motorcade naman before the presscon ay nagpamigay rin ng cash at Manny Pacquiao shirts and caps si Pacman na ikinatuwa naman ng maraming fans nito.

Bukod kay Isabelle, kasama rin sa show sina Rhian Ramos, Gladys Guevarra, Onyok Velasco, at Paolo Contis.

Magsisimula na ang Manny Many Prizes sa July 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HOSTING AND ACTING. Happy and contented ang daughter ng former Miss Universe Gloria Diaz sa kanyang career ngayon. Inuuna raw niya ang maging mahusay na TV host at isusunod na niya ang pag-arte kung may magandang offer na darating.

"Right now, I’m okay with Party Pilipinas every Sunday. I get to improve on my hosting skills first.

"Tapos ito ngang sa Manny Many Prizes, we’re here to help Manny bring a smile to many Pinoys through his blessings.

"Sa acting naman, I also want to get into it. I’m attending workshops in acting and if I feel that I am ready, I would give acting a try eventually.

"Kasi, I saw my mom evolve in this industry. From being a beauty queen, she became an actress and won acting awards pa.

"Someday, I would like to end up like my mom. Yung maraming nangyari sa buhay and you are proud to have achieved a lot of things in life," sabi niya.

Nauuso ang remakes ng classic films at perfect daw kay Isabelle ang i-remake ang first movie ng kanyang mom na Ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

Hindi naman daw sinasara ni Isabelle ang possibility na magawa niya ang naturang movie na nagpasikat sa kanyang ina noong 1974.

"That film made a big name for my mom when she entered showbiz. It’s a special film for me because I was named after her character there which is Isabel.

"Kung okey ang magdidirek and I feel that I am ready, why not?

"I will not have second thoughts doing it because it’s one of the most controversial films made here in our country. It’s considered a classic so I would love to do it.

"May parts kasi ng movie that my mom rode a horse along the beach, di ba? I happen to be an equestrian kaya hindi na magiging mahirap sa akin to do those scenes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ready ba siya to go sexy tulad ng ginawa ng mommy niya noon sa ilang mga pelikula?

"Sexy is such a huge word. Maraming descriptions, e.

"But I still want to be a mystery sa maraming tao. I can show a little leg or my arms muna.

"Okey lang na may cleavage. But not the whole thing yet.

"If a role in a movie requires me to be daring, then we can all talk about it muna before executing it.

"Madadaan naman ang lahat sa compromise, e. I don’t need to jump into it right away.

"One at a time para mas sigurado tayo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN