Jericho Rosales once considered going freelance, but chose to stay with ABS-CBN

"Honestly, sumagi sa isip ko dati na umalis na lang muna sa ABS-CBN, not because I hate ABS-CBN. I love ABS-CBN! I owe ABS-CBN my career... But I just want to discover myself," says Jericho Rosales.


Nilinaw ng aktor na si Jericho Rosales ang napabalitang gusto niya nang kumawala sa ABS-CBN at lumipat sa ibang network.

Sa presscon ng hinu-host niyang bagong programa sa Kapamilya network, ang I Dare You, noong July 7, ay inamin niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na sumagi sa isip niyang maging "freelancer" muna pagkatapos umere ng primetime series niyang Green Rose.

Ani Echo, "Honestly, pangarap kong makatrabaho ang mga artista sa buong mundo, makalibot kung saan man may artista dito sa Pilipinas.

"Wala pong question yung pag-aalaga sa akin ng ABS-CBN. I love ABS-CBN.

"I came from Channel 7, hindi ko malilimutan yun," sabi pa ng aktor na produkto ng "Mr. Pogi" search ng GMA-7 noontime show na Eat Bulaga!.

"And I wish na makatrabaho ko rin ang mga artista sa Channel 4, Channel 9, Channel 13... kung saan man may artista sa iba’t ibang network.

"I wish, kung ako lang yung isa sa artista na kung puwede ko lang basagin na natin yung kumpetisyon na yun sa iba’t ibang network, gawin na natin."

Pero diin niya, "Although, I’m happy with ABS-CBN, it will break my heart kung mawala ako sa ABS-CBN."

Ipinaliwanag naman ni Jericho kung bakit naisip niyang magbakasakali sa ibang networks.

"Honestly, sumagi sa isip ko dati na umalis na lang muna sa ABS-CBN, not because I hate ABS-CBN.

"I love ABS-CBN! I owe ABS-CBN my career... But I just want to discover myself. "

Patuloy ng aktor, "What I love about my relationship sa mga bosses ko dito sa ABS-CBN, kay Tita Charo [Santos-Concio] and with Tita Cory [Vidanes], that we are open.

"I can say whatever I want and they will explain to me everything.

"So, sinabi ko po sa kanila na gusto kong maging freelance.

"Baka sabihin n’yo anong karapatan ko bilang artista para humiling ng ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko sinabi yun kasi I want to earn more money, or gusto kong magpataas ng presyo, or gusto ko na magkaroon ng contract with ABS-CBN na five films within a year, guaranteed 35 million for that contract, or blah blah blah.

"Hindi ko po tatanggapin yun... I go for quality. I go to the station na magbibigay sa akin ng quality projects at alam nila yun."

Kuwento pa niya, "Sabi ko na after my contract with ABS-CBN, I personally said to them na mag-freelance muna ako.

"But they said pag-isipan ko daw muna. Sabi pa nila na, ’We need you here. We have something for you.’

"Sino naman ako para i-resist yung offer?

"Shake hands uli kami. And that’s it."

At ang naging produkto nga ng pag-uusap nilang iyon ay ang reality program na I Dare You.

Samantala, magkakaroon naman ng pagkakataong makatrabaho ni Jericho ang ibang taga-networks sa pelikulang Yesterday, Today, Tommorow na entry sa 2011 Metro Manila Film Festival.

Makakasama ni Echo rito ang kapwa niya Kapamilya na si Jake Cuenca; ang mga Kapuso na sina Dennis Trillo, Carla Abellana, at Lovi Poe; at ang Kapatid na si Ritz Azul.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN