Ryan Agoncillo happy and proud of ex-Talentadong Pinoy contestant and Pilipinas Got Talent champion Marcelito Pomoy

"I’m proud of him. Congratulations sa kanya. You know, you can only be happy for someone who’s won a contest. Whether it’s your contest or what is perceived to be your competitor, okay, okay. I’m happy for him," says Ryan Agoncillo about Pilipinas Got Talent Season 2 winner Marcelito Pomoy.


Aminado ang Talentadong Pinoy host at bagong celebrity endorser ng Shell FuelSave Unleaded and Diesel na si Ryan Agoncillo na pagdating sa "drifting," mas madaling natuto ang misis niyang si Judy Ann Santos, kaysa sa kanya.

Ang drifting ay isang istilo ng pagmamaneho sa car racing or motorsport, kunsaan eksaherado—pero kontroladong—pinaliliko ng driver ang kotseng minamaneho. Nagdi-drift ang isang kotse kung mas malawak ang idinulas ng hulihang gulong kaysa sa unahan habang lumiliko, at kung nakatutok ang mga unahang gulong sa baligtad na direksyon ng nililikuan (halimbawa: nakatutok sa kaliwa ang mga front wheels, habang lumiliko ng kanan ang sasakyan, and vice-versa).

Sabi pa ni Ryan sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang kaharap na mga miyembro ng media, pagkatapos ng actual presscon ng Shell kaninang tanghalian, July 11, sa Makati Shangri-La, Makati City: "Ako, siguro mga...three months, bago ko natutunan [ang drifting]. Asawa ko, mga three hours.

"Mas madaling turuan, minsan, ha, ang mga babae. Gagawin lang nila yung mga tinuturo. Yung mga lalaki, kung anu-ano ang susubukan, e," katwiran pa ni Ryan.

SUPERWOMAN JUDAY. Kung tawagin nga ni Ryan ang asawang aktres —"superwoman."

Bukod kasi sa madaling matuto ay ibang klase raw ang galing sa time management ni Juday. Nagagawa raw nito ang mga duties sa mga anak (Yohan at Lucho), sa kanya, at pagharap sa career nito.

"Minsan, naaawa na ako sa kanya. Like kanina, she woke up at 5 in the morning to make the breakfast of Yohan. Tapos nag-nap lang siya ulit, gumising naman siya to make my breakfast. Tapos tulog na ulit. Tapos may meeting na siya ngayon," kuwento ni Ryan sa activities ni Juday mula umaga hanggang pananghalian.

"Ibang klase, e. Ibang hirap din yung ginagawa niya. But she’s doing it well. What she does is she spaces out her work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halimbawa, Monday, shoot. Tuesday, with the kids and family. Wednesday, shoot ulit. And then, one last shoot uli siguro Thursday, and then the rest of the weekend, off na siya."

Sobra-sobra raw ang paghanga at tiwala niya sa abilidad ni Juday na hindi na nga raw siya kailangan nito para tumulong.

"Actually, wala naman siyang kailangang masyadong tulong dahil kayang-kaya naman niya, e. Ano lang, sumbungan lang niya ako pagka ninenerbiyos, o kaya halimbawang medyo na-delay ang shooting dahil umuulan nang malakas.

"Sumbungan lang ako. Taga-encourage."

CHANGING NETWORKS AGAIN? Dahil nagiging busy na uli si Juday sa ABS-CBN (sinisimulan na nito ang bagong show na iho-host, ang Junior Master Chef), may usap-usapang lilipat daw uli si Ryan sa Kapamilya Network.

"Kalilipat ko lang, lilipat ako ulit?" biro ni Ryan sa nagtanong.

"Hindi, wala. Sa ngayon, I maintain an open relationship with all networks.

"Although I am signed up with TV5, I am a Kapatid, but I have open communications with ABS, and of course, I am with Eat Bulaga!, which is on GMA.

"So, the lines are very open, dahil naging mother stations ko rin pareho. And alam din naman yun ng TV5."

TALENTADOS CROSSING OVER TO OTHER SHOWS. At kagaya ni Ryan, naging open din sa pagtawid ang ibang mga nagsisali na sa talent show ni Ryan na Talentadong Pinoy sa Pilipinas Got Talent naman nina Luis Manzano at Billy Crawford.

Tulad na lang nina "Hoola-Hoop Master" Angel Calalas, Madrigal Siblings, at ang Pilipinas Got Talent Season 2 winner na si Marcelito Pomoy.

"Wala, e. Mga talented talaga ang mga Pilipino. And I’m very happy na they’re finding avenues to show their talents now.

"Otherwise, since alternative na bini-view natin yung talent nila, makikita lang natin sila malamang sa mga fiesta o sa mga special programs.

"Kaya nga sabi namin, when Talentadong Pinoy aired, and two years yata, Pinas Got Talent started and Showtime got started, you can only be happy for the talents.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Totoo kailangan nilang kumita, kailangan nilang ipakita ang kanilang galing. And sa nakikita ko naman, halimbawang nag-perform na sila sa amin, sa Talentadong Pinoy, whether they win or lose, more often than not, iibahin lang nila ng konti ang act nila at pupunta sila sa ibang show, e, mahahasa sila.

"Sana ma-develop pa, at sana mas maraming mas matapang pa to step forward."

PROUD OF POMOY. Ano naman ang masasabi niya sa dating natalo sa kanilang si Marcelito na siyang itinanghal namang kampeon ng Pilipinas Got Talent season two?

"I’m proud of him. Congratulations sa kanya.

"You know, you can only be happy for someone who’s won a contest. Whether it’s your contest or what is perceived to be your competitor, okay, okay. I’m happy for him.

"I’m happy that he won. Sana makatulong sa pamilya niya yung napanalunan niya. At yung kanyang further career pa, after winning.

"All the best."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN