Which male star is hot for Kapuso drama princesses Kylie Padilla, Bianca King, and Jackie Rice?

Dramarama sa Hapon princesses Kylie Padilla, Bianca King, and Jackie Rice give their take on who of them truly deserves an acting award.


Guests sa segment na "Celebrity Secrets Interpreted (CSI)" ng Showbiz Central ang mga prinsesa ng Dramarama sa Hapon ng GMA-7 na sina Kylie Padilla (Blusang Itim), Bianca King (Sinner or Saint), at Jackie Rice (Sisid).

Sa naturang segment, with host John "Sweet" Lapus ay humarap sila sa mentalist at mind-reader na si Nomer Lasala.

Ang unang itinanong sa tatlong aktres ay kung sino ang para sa kanila ang "hottest Kapuso actor" ngayon.

Ang unang isinagot ni Kylie ay dalawa—sina Aljur Abrenica at Frank Magalona. A bit of a dead giveaway na raw ito, ayon kay Nomer, dahil leading man niya si Frank sa Blusang Itim.

Kaya hiningan pa siya ni Nomer ng isang pangalan na tumugma rin sa isinulat ni Nomer sa puting cartolina sa harap ni Kylie—"Derrick" o ang tween male star na si Derrick Monasterio.

Ang isinagot ni Bianca ay ang Amaya male star na si Sid Lucero, na siya ring nasa isip ni Jackie Rice.

Na tumugma dahil ang pangalan ni Sid ang isinulat ni Nomer sa puting cartolina sa harap nina Bianca at Jackie.

Ang next question sa tatlong aktres ay kung sino sa kanilang tatlo ang sa palagay nila ay deserving na manalo ng best actress award for television base sa kanilang performances sa kani-kanilang soap opera.

Ang isinulat ni Nomer sa cartolina ni Kylie ay "all of us" at sa ilalim nito ay ang pangalang "Kylie," na tumugma sa iniisip ng anak ni Robin Padilla.

May paliwanag si Kylie tungkol dito.

Aniya, "Naisip ko po kaming lahat, but not me, because I’m new pa. I have so much more to learn pa.

"Hindi pa ako kuntento sa acting ko, I think I need to improve pa."

Isinulat naman ni Nomer sa cartolina sa harap ni Jackie ang pangalang "Bianca," na hindi tumugma sa sinabi ni Jackie na, "Ako, kasi hindi ako nagsu-swim, pero inaral ko ang swimming para sa show. E, iyon naman talaga dapat ang artista, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi talaga ikaw yun. Aaralin mo yung role mo. Pinaghirapan ko.

"’Tsaka nakasama ko yung mga stingray na lumangoy kaya parang buwis-buhay na siya, yung ginagawa ko."

"I missed. I missed!" sabi ni Nomer sa sagot ni Jackie.

Pero nakabawi naman siya kay Bianca when he wrote, "Ako!" sa cartolina sa harap ni Bianca.

Tumugma ito sa sagot ni Bianca.

Aniya, "Ako, although siyempre gusto ko ring sabihin na everyone is deserving, pero in reality, sinisikap ko din na sana ako.

"Inaaral ko din na mabuti yung role ko. And iyon din naman ang goal ko bilang professional na aktres, is magkaroon ng award, so sana ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN