Jason Abalos willing to go sexy; dreams of staying for good in showbiz

Jason Abalos renewed his contract with the undergarments brand which he has been endorsing for three years now. (Inset, L-R) Kate Pepito Dolino, Jason Abalos, Ria Garcia, and Richard de Castro.


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press kay Jason Abalos sa contract signing niya para sa Cotton Club Underwear kahapon, July 11, sinabi ng Kapamilya actor na hindi na siya conscious na mag-pose nang topless, o medyo sexy.

Kasama kasi sa kontrata niya na maaaring mag-pose siya ng topless para sa mga itatayong billboard ng nasabing brand ng underwear.

"Hindi naman!" natatawang sabi ni Jason sa 14th floor ng ELJ Bldg.

"Sanay naman kasi ako sa Nueva Ecija na nakahubad pag naglalaro, di ba... nagba-basketball?

"Okay lang yung ganun, so sanay na. Kumbaga, wala namang masama."

GOING SEXY. Since endorser siya ng undergarments, may posibilidad na makilala si Jason bilang isang sexy actor.

Pero para daw sa kanya, hindi naman daw mahalaga kung sexy man o hindi ang tingin sa kanya ng mga tao.

"Wow, talaga?" pabirong simula niya.

"Ewan ko, ha, kumbaga sa akin, hindi siya issue, e.

"Hindi siya big deal para sa akin kung sexy ka man o hindi.

"Kumbaga, confident ako sa kung anong meron akong katawan, e."

May mga ilang palabas na rin naman kasi kung saan gumanap ng sexy role si Jason. Kabilang na rito ang Eva Fonda (2008) at ang Alyna (2010).

Gaano nga ba ka-sexy, o daring ang kaya niyang gawin?

"Depende ’yan, e, depende sa hinihingi ng istorya," sagot ng Reputasyon leading man.

"Kasi ako naman, pagdating sa trabaho, wala naman akong hinihindian din, nakadepende din sa istoryang ibibigay sa amin.

"Of course, sa trabaho, pag trabaho naman, wala din naman bawal, e.

"Depende na lang sa ano, kung saan nila ipapalabas, ganun."

Giit pa niya, kahit naman daw anong genre ng palabas ang ibigay sa kanya ay tatanggapin niya. Ito raw ang nakikita niyang paraan para magtagal sa showbiz industry.

"Well, ako, thankful ako na may trabaho na ibinibigay sa akin kahit paiba-iba yung mga genre na ibinibigay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ako ngayon, e, yung nandiyan ka lang, na hindi ka naman nawawala.

"Nakakatakot kasi yung biglang pupunta ka dun, tapos bigla kang lulubog.

"Kumbaga, ang ano ko talaga, gusto kong tumagal sa showbiz, gusto kong tumagal.

"Gusto ko maging tipong Eddie Garcia—dito tumagal, dito tumanda, gusto kong tumagal."

REPUTASYON. Sa ngayon, nagsimula na ang airing ng bago niyang show sa ABS-CBN, ang afternoon soap na Reputasyon, kung saan kasama niya sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.

Kumusta naman katrabaho ang real-life lovers na sina Cristine at Rayver?

"Si Cristine kasi, pagkalipat na pagkalipat niya ng ABS-CBN, ako yung una niyang nakasama, e. Si Rayver naman, kaibigan ko din.

"Ayun, masaya lang, masaya lang kami sa set. Si Rayver naman madalas ko din nakakasama."

Nagkatambal na sina Jason at Cristine noon sa Eva Fonda.

Ano ang makikitang bago sa kanila ni Cristine ngayong magkatrabaho silang muli?

"Dito kasi sa ano, sobrang iba, e," sabi niya.

"Iba sa mga ginawa ko na seryoso, dito ako dapat yung magpa-light ng mga eksena, e.

"Kumbaga, ako yung medyo kuwela dito, e, sa Reputasyon.

"So, iba talaga, iba sa mga ginawa ko dati.

"Isa pa dun, iba din ’tong Reputasyon, kasi kapag sinabing Cristine Reyes, sexy.

"Ito hindi, e, ang ilalaban niya dito acting talaga, e.

"Sobrang galing ni Cristine!"

LOOK-ALIKE. Nang magsimula pa lang si Jason, kapansin-pansin na ang pagkakahawig niya kay Rayver.

Kaya naman hindi maiwasan na magkamali ang mga tao sa pagkilala sa kanila. Pero wala naman daw itong kaso kay Jason.

"Kahit naman kami, e," sabi ng young actor.

Kuwento pa niya, "Halimbawa, ako pupunta ako sa ibang lugar, may makikita akong picture na papapirma sa akin, sabi ko, ’Di naman ako ’to, e!’

"Tapos second look, ’Teka, ako nga pala ’yan, di ba?’

"So, ayun, ako siguro natutuwa ako na magkasama kami ngayon, para malaman talaga ng tao yung [pagkakaiba namin]. Kasi iisang show na kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malalaman na nila sino si Jason, sino si Rayver talaga.

"Pero wala naman issue dun," giit ni Jason.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN