Gardo Versoza’s partner Ivy Vicencio reveals past girlfriends of the actor still bother them

"Mga beauty queens ba sila? Maging happy na lang sana sila [for us]. E, siyempre, hindi mo rin mapi-please lahat," Ivy Vicencio refers to Gardo Versoza’s exes.


Gardo Versoza turned 42 years old last July 8, and he had girlfriend Ivy Vicencio for a date. On the eve of his birthday, nag-dinner ang dalawa sa Shangri-La Hotel in EDSA.

Naka-check in sila sa hotel for an overnight stay dahil sa mismong birthday ni Gardo kinabukasan ay may taping ang aktor sa Pagsanjan, Laguna para sa Amaya ng GMA-7.

Tanghali ng Biyernes, July 8, nakatakdang magtungo sa location ang dalawa, pero dahil maulan ay hindi sila agad nakapunta ng location.

Gardo and Ivy reached the Amaya set early evening na.

Ayon kay Ivy, when she texted PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Pagdating namin, sinalubong siya [Gardo] ng buong cast, staff, and crew ng Amaya.

"May inihanda silang Japanese food, steaks, and cake para kay Gardo. Ang saya nga, e!"

Monday morning, July 11, nasa Facebook wall post naman ni Ivy ang ganitong pahayag: "I think it’s really over... thank you for everything."

Wala nang iba pang detalye. So we contacted Ivy to ask if her FB post has something to do with her and her actor-boyfriend.

"Ay, hindi. Iba yun, hindi tungkol sa amin," sabi ni Ivy, na bahagyang natawa upon realizing her somewhat confusing statement.

Ivy was referring to another personal "domestic" issue, which she isn’t ready yet to publicly reveal.

As to her and Gardo, everything is alright.

Si Ivy rin nga ang tumatayong manager-handler ng aktor kaya siya ang nakakaalam ng mga bagay na may kinalaman sa kasalukuyang takbo ng propesyon ni Gardo.

"Masaya yung birthday niya sa set," pagkukuwento uli ni Ivy over the phone.

"Alam na rin ni Gardo na may tipong surprise sa kanya. Pero nagulat din kami dahil pagbaba pa lang namin, nando’n na silang lahat.

"Kumanta na ng ’happy birthday to you, happy birthday to you...’

"Lahat sila halos sa cast... Yung mga direktor at writers, mga staff ng production, bigla silang sumalubong at nagkantahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INTIMATE. Kaiba sa mga nakaraang taon, na may kaukulang preparasyon si Gardo sa pagsalubong ng kanyang mismong kaarawan, this year ay walang naisakatuparan kahit may plano dahil sa ipit na schedule ng aktor.

"Every year talaga ako [ang nagpi-prepare], pero parang feeling ko, last na ’to," sabi naman ni Ivy nang makausap namin bago ang mismong kaarawan ni Gardo sa Shangri-La Hotel.

"Nagbibiruan kasi kami. Bago ito, nakaplano na lahat. Siya, parang kontra siya nang kontra!"

Patuloy ni Ivy, "Sabi ko, ’Inaayos ko na lahat, ginugulo mo. Last na ’to, pagod na akong mag-surprise sa ’yo. Ayoko na!’"

Ipinaliwanag naman ni Gardo ang dahilan.

Ayon sa aktor, "Nasimulan dun sa pack-up. Kung maaga na-packup, makakauwi pa kami, mapapakain pa nang maayos yung mga dogs.

"E, kanina, ipit-ipit na [ang schedule]. Dumaan pa kami sa mommy ni Kuya Ed [Instrella], so ang dami nang kinain na oras."

Ang mommy ng dating manager ni Gardo na si Ed Intrella ay naka-confine sa ICU ng Medical Center, Manila.

Patuloy ni Gardo, "Gusto naming mairaos na rin dahil baka nga magtuluy-tuloy yung schedule. Tapos, hindi na siya [Ivy] makapalag.

"Kasi kailangan ding tapusin lahat ng mga schedule. Kaso, ang laki na ng naiusog [sa oras].

"Party talaga ang plano. Pero dahil dikit nga yung mga schedule, sabi ko, hindi kakayanin."

Dagdag ni Ivy, "Hindi ko na itinuloy. Nag-request na lang ako ng late call, pumayag naman sila."

"Marami pa namang pagkakataon," pagsang-ayon naman ni Gardo.

GARDO AT 42. Gardo Versoza doesn’t hide his age.

Karaniwan nang sinasabi, "Life begins at 40." And now that he’s 42 years old, he finds fulfillment in life sa pagtuntong sa kanyang edad at estadong propesyunal.

"Oo, two years old’na ako!" biro niya.

"Fulfilling, lalo na ngayon. O kagaya niyan, ang ganda ng role na ibinigay nila sa akin," added Gardo, referring to his villain character as Rajah Mangubat in Amaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masarap siyang laruin. Sana ganyan palagi. Masarap gawin yung kontrabida. Mas enjoy."

As to his emotional state, sabi naman niya, "Kahit papa’no, nami-miss ko si Mommy. Pero kumbaga, napupunan na."

Gardo’s mom, the late Mrs. Purisima Luchangco Torres, died last year. Ito ang unang taon na nag-birthday si Gardo na hindi na kapiling ang kanyang mommy.

Has he totally moved on mula nang pumanaw ang kanyang mahal na ina?

"Oo, naka-move on na. Kaya lang, parang every now and then, sumasagi palagi sa isip ko.

"Like, every time na may gagawin akong medyo mabigat na scene, iniaalay ko yun sa kanya.

"Dati rin, kami yung [nagsi-celebrate]. Lalabas kami, kakain. Mas yung kung ano yung gusto niya, e.

"Yung request niya, yun ang sinusunod namin pag birthday ko.

"Tapos, siguro, a few years back, yun yung tinatampo niya. Kasi, siya lagi ang gumagawa ng surprise.

"E, siyempre, kung party, party na mga inom-inom, ganyan. Parang feeling namin, hindi na siyempre akma sa kanya na pupuyatin mo, di ba?"

MARRIAGE PLANS. Ngayong ulilang lubos na siya, does Gardo now have plans of settling down and raise his own family?

Si Ivy ang sumagot sa tanong. "Ay, naku! Di ba, kung ano naman, talagang ako na yung nagri-react? Change topic na."

Nakangiti lang si Gardo as Ivy said those statements.

Otherwise, sweet sa isa’t isa ang nananatiling unmarried couple. Ivy calls Gardo "shugs" (short for sugar) dahil kapwa sila mahilig sa matatamis na pagkain.

Ikinaka-high blood ba ni Ivy ang tungkol sa tipong "complicated" relationship nila ni Gardo?

"Depende, kasi minsan parang feeling perfect lang yung ibang tao," sambit ni Ivy.

"Mga beauty queens ba sila? Maging happy na lang sana sila [for us]. E, siyempre, hindi mo rin mapi-please lahat."

May tila pang-iintriga rin kay Ivy mula sa past relationships ni Gardo na hindi na lang niya gustong tukuyin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magaling pala akong kontrabida," nabanggit din lately ni Ivy sa kanyang Facebook post.

"Para sa mga affected, hhhmmm, itutuluy-tuloy ko na para sa inyo! Maiba naman!"

On this, we asked Ivy kung may pressures na gusto silang paghiwalayin ng aktor.

"Oo, pero nabawasan na," sagot niya.

BRIGHT PROSPECTS. At best, pinagbubuti ni Ivy ang pamamahala sa propesyon ni Gardo. From the looks of it, ano mang problemang personal ay hindi nakakasagabal sa magandang tinutungo ng acting career ni Gardo ayon sa naiplano.

"Awa ng Diyos," masayang sambit ni Gardo.

Asked about his career plans, Gardo leaves it up to Ivy. "Si Manager na ’yan," he said.

Ivy, on her part, is just as excited.

"Parang magiging maganda talaga ang takbo, pero ’wag muna ngayon," she begged off when asked about details of Gardo’s next projects, dahil isa’t kalahating buwan pa lamang sa ere ang Amaya.

"One month pa lang pala? Parang three months na ang dating!" namamanghang pagtukoy pa ni Gardo.

BIRTHDAY WISH. In fact, ang wish ni Gardo sa kanyang nakaraang birthday ay para sa kanyang propesyon bilang aktor.

"Sana masundan pa ng mala-Rajah Mangubat [role] ang susunod namin na teleserye," aniya.

Sa kanyang personal na buhay, o sa estado ng ugnayan, mas si Ivy ang nagsasalita.

Katwiran ni Gardo, "Alam naman niya lahat, e. Kahit nga siya yung kausap mo, para mo na akong kausap."

Ayon naman kay Ivy, "Pero maganda yung sinabi niya, ha. Sabi ko kasi, wala akong personal na gift..."

Tila nahihiya ang girlfriend-manager ni Gardo, "Huwag na, ayoko. Okay na ’yan."

Truth is, naipahiwatig ni Gardo kay Ivy ang importance ng kanyang presence sa buhay nito. That she has made Gardo’s life complete, sort of, sa nakaraang limang taon.

"Yeah, right. Mismo!" nakangiting pagsang-ayon ni Gardo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN