Korina Sanchez dismisses separation rumor with DOTC Secretary Mar Roxas

"Sabi ko nga, talagang itong mga tsismosang inggiterang ito, sabi kong ganyan, lalo na noong hindi kami lumalabas, hiwalay na raw kami. Noong makita naman kami, nagpapanggap naman daw kami. Sabi ko, grabe na ito, hindi na tsismis ito, kampanya na ito ng paninira! Alam na alam mo, e," says Korina Sanchez about rumor that she and husband Mar Roxas have separated.


Halatang nagulat si Korina Sanchez sa pambungad na tanong agad sa kanya ng The Buzz tungkol sa intriga sa marriage life nila ni DOTC Secretary Mar Roxas.

"Oh no, hanggang ngayon?" natatawang reaksiyon niya sa set ng TV Patrol.

"Sabi ko nga, talagang itong mga tsismosang inggiterang ito, sabi kong ganyan, lalo na noong hindi kami lumalabas, hiwalay na raw kami.

"Noong makita naman kami, nagpapanggap naman daw kami.

"Sabi ko, grabe na ito, hindi na tsismis ito, kampanya na ito ng paninira! Alam na alam mo, e."

Nandiyang kesyo napapabayaan na raw ni Korina ang asawa dahil sa pagiging sobrang busy nitong muli sa kanyang career.

Sabi naman ni Korina, "Hindi totoo yun. Nag-aalagaan kami nang mabuting-mabuti.

"Hoy, ang guwapo ni Mar ngayon, ha! Care of," sabay turo sa kanyang sarili.

Dagdag pa niya, "Nagyo-yoga kami pareho. We diet together. We talk about a lot of things together.

"E, kasi, nagbakasyon siya nang matagal before going back to government. So, nag-process kami together."

Diumano’y may mga babae pa raw na involved?

"Natatawa nga ako kay Mar. Sabi ko, ’Hoy, pinag-uusapan ka rito na hiwalay na raw tayo! Umuwi ka na nga galing New York. Akala nila hiwalay na talaga tayo.’

"Sabi niya, ’Talaga?’

"’Oo, may third party raw.’

"Sabi niya, ’Talaga? Sino yung lalaki?" natatawang kuwento ng news anchor.

"’Anong ako? Ikaw ang natsitsismis na may babae!’

"’Naku,’ sabi niyang ganoon, ’huwag mo nang isipin ’yan.’

"And the names that come out are ridiculous! Pero siguro itong mga babaeng ito dahil magaganda rin, marami rin inggit sa kanila, sinisiraan din sila, di ba?"

So, hindi talaga totoong hiwalay na sila?

"Ay, hindi talaga!" mabilis na tugon ni Korina.

"Mahihirapan sila na paghiwalayin kami.

"Alam mo, sabi niya sa akin noong isang araw, ’Honey, ang malas mo.’

"Sabi ko, ’Bakit?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Kasi, I will never leave you.’ Sabi niya sa akin, ’You’re really stuck with me.’

"Sabi naman niya sa akin, ’Minsan, depende sa mood. Malas-malas ko talaga.

"Sabi ko, ’Bakit?’

"’Sobra kitang mahal.’

"O, di ba?"

Ayon pa kay Korina, "Ako pa naman, ramdam ko pa lang sa buto ko, goodbye. Yes!

"But he never, ever given me any reason to be jealous of anybody.

"Pilit kaming pinaghihiwalay siguro kasi nakikita nila na masyado kaming masaya."

HAVING A BABY. Samantala, patuloy pa rin daw sina Korina at Mar sa paghahanda sa pagkakaroon ng sariling anak.

"In the making," sambit ni Korina.

"Basta, pinag-usapan na namin nang seryoso na simulan na namin ang proseso.

"I am taking care of my body. I am talking to my OB-gynecologist again.

"Nakikilig ako, parang wala siyang [Mar] resistant sa idea. Alam mo yung gaoon, di ba, lalaki siya na mapapaisip pa?

"Siya, go agad siya.

"I am excited but, you know, I don’t want to be too excited kasi I’m sure, medyo mahihirapan na ako.

"But I believe God believes in me and I’ve been such a good girl...

"So I’m sure, ’yan ang regalo Niya sa akin sa lahat ng sakripisyo ko sa buhay ko na bibigyan niya ko ng isang anak."

At isang mensahe nga ang iniwan ni Korina para sa kanyang asawa.

"Honey, I’m very proud of you. I’m very honored to be your wife. And I will love you forever."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN