Cristine Reyes denies boyfriend Rayver Cruz is in Reputasyon because of her

"Hindi, a! Actually, di naman nila ako tinanong. Nalaman ko na lang na si Rayver na. Natuwa naman ako na ganun ang desisyon nila," says Cristine regarding boyfriend Rayver Cruz taking over Derek Ramsay’s role.


Kitang-kita ang sweetness nina Rayver Cruz at Cristine Reyes sa presscon ng kanilang bagong afternoon soap na Reputasyon, na ginanap sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound kaninang tanghali, July 12.

"Pakiramdam ko, hindi ako nagtatrabaho kasi masaya kami sa set," bungad ni Rayver.

"Masayang-masaya ako na kasama ko si Cristine dito sa teleseryeng ito matapos naming magkatrabaho sa Kristine.

"Bihira lang naman kasi yung pagkakataon na makasama mo sa isang project yung mahal mo sa buhay.

"At ang project na ito ay isa sa maipagmamalaki naming teleserye. Exciting ang magiging latag ng mga kuwento."

Dagdag pa ni Rayver, "Very comfortable kaming magkatrabaho ni Cristine kasi hindi na kami naiilang sa isa’t isa. Pero may mga eksena pa rin na may ilang pa rin kahit kaunti.

"Magka-partner kami dito. Kasama namin si Jason Abalos. Bale tatlo kami. Parang love triangle.

"Pero masaya ako for this project. Kasi nga, pag pupunta ako ng taping, excited ako kasi nandun si Cristine."

Balitang second choice si Rayver bilang isa sa leading men ni Cristine sa teleseryeng iro. Original for the said role si Derek Ramsey.

Pero ani Rayver, "Wala namang kaso sa akin yun. Happy pa rin ako kahit third choice, fourth choice, fifth choice pa ako.

"Basta nabigyan ako ng ganitong klaseng proyekto, tatanggapin ko nang buong puso.

Nagkaroon din kami ng chance na makausap si Cristine after Rayver.

Aniya sa kanyang role, "Ibang Cristine Reyes po ang makikita n’yo rito.

"Itataya ko po ang reputasyon ko sa teleseryeng ito bilang si Agnes. Isang babae na may mga simpleng pangarap.

"Pero sisirain ang aking buhay at ang aking reputasyon dahil sa isang malagim na insidente.

"Maganda po talaga yung kuwento nitong bagong teleserye namin.

"Pinag-isipan po nang mabuti at pinaghandaan ng buong production team."

How’s it working with her real-life boyfriend?

"Masaya, walang ilangan factor," sagot ng young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di mo na kailangang i-push yung romantic side namin dito.

"Kasi, eto na ’to, e. Totoo kayo na, e, di ba? So, mas okay."

Si Cristine daw ang nag-request na si Rayver na lang ang kuning partner niya?

"Hindi, a!" tanggi niya.

"Actually, hindi naman nila ako tinanong.

"Nalaman ko na lang na si Rayver na. Natuwa naman ako na ganun ang desisyon nila."

Sakaling mag-away sila ni Rayver, malamang maapektuhan ang kanilang trabaho. Paano ito?

"Kasi yung karakter ko rito bilang si Agnes ay galit ako sa kanya. So, mas makakatulong yun kung magkaaway kami.

"Saka bihira lang kaming mag-away, e. Saka pag nag-aaway kami, maliliit na bagay lang yun at naaayos din naman agad namin," sabi ni Cristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN