Joross Gamboa takes a break from doing gay roles; prefers to tackle comedy and drama à la Robert Downey Jr.

"Ang dami ko na rin kasing ginampanang gay roles na umabot na ako sa puntong ayaw ko munang tumanggap ng ganoong role," says Joross Gambia who feels he’s being typecast.


Mas pinagtutuunan ngayon ng pansin ni Joross Gamboa ang kanyang kinabukasan, kaysa sa pangkasalukuyan. Kaya kahit busy siya sa showbiz career niya ay pinagtitiyagaan ng aktor na makatapos ng kolehiyo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joross last Sunday, July 10, bago siya isalang sa Paparazzi ng TV5.

Ayon sa young actor, marami siyang plano sa buhay. Kabilang na rito ang mag-venture sa likod ng camera kapag nakapagtapos na ng kursong Mass Communication sa Southville International School sa Parañaque.

"So, bale ito ang fallback ko, kasi ngayon fourth year na ako.

"Nagsisimula na rin akong mag-semi writer na. And gusto ko rin na mag-directing. Tapos, kung gusto ko ng pera-pera, magpo-produce rin ako.

"Pero ready naman akong magsimula siyempre sa ibaba. Willing ako kahit yung magsimula ako sa set. Yung mag-ano, mag-reading.

"Kasama naman ’yan, e," saad ni Joross.

HIYAS. Ngayong patapos na ang Babaeng Hampaslupa sa TV, ginagawa naman niya ngayon ang upcoming soap ng ABS-CBN na Hiyas. Tampok dito sina Megan Young at Zanjoe Marudo.

Kumusta ang taping nila so far?

"Mabuti at eksakto lang. Kumbaga, blessing na lang na nag-stop sila [Hiyas] ng Manila taping.

"So, inuna muna nila yung taping sa probinsiya. And habang nagte-taping sila sa probinsiya, nakapag-taping naman ako sa Babaeng Hampaslupa.

"Kapatid ni Megan ang role ko rito. So, kabaligtaran naman sa papel ko sa Babaeng Hampaslupa na bad boy.

"So, kung ang role ko rito [Babaeng Hamppaslupa] ay milyonaryong drug lord na masamang tao, doon naman sa Hiyas ay mahirap lang ako na komedyante-komedyante ang dating," wika niya.

ALL NETWORKS. Nagsimula si Joross sa ABS-CBN kung saan naging finalist siya sa reality artista search na Star Circle Quest. Pagkatapos nito ay lumipat siya sa GMA-7 at napunta sa TV5. Pero ngayon ay balik ulit siya sa ABS-CBN.

Alin sa tatlong TV networks ang pinakagusto mo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, 2 plus 5 is equals 7 din, e!" nakatawang saad niya.

"Sa PTV4 na lang!" biro niya ulit.

"Pero sa akin, kahit saan naman po, basta doon sa trabaho.

"Kasi, actually lahat naman ay okay mag-alaga... Hindi ito showbiz na sagot, ha.

"Halos karamihan kasi ng mga nakakatrabaho ko, yung mga taga-Seven, taga-Two rin. Tapos mga taga-Five, halu-halo, e.

"So, kumbaga, lahat naman tayo kung saan may trabaho, e, doon na lang.

"Yun na lang ang ano [basehan], na parang nawawala na rin yung competition.

"Sabi ko nga sa manager ko [Noel Ferrer], gusto ko sanang magkaroon ng regular na sitcom. Kasi, paborito ko talaga ang sitcom ever since pa, e.

"Hindi ko pa talaga na-experience na maging regular sa sitcom. Magdrama na lang daw ako, e kaysa magpatawa!" pahalakhak na sabi niya.

"Pero seriously, mas gusto ko talaga ang comedy. Masaya kasi at parang mas gamay ko yun, e.

"So, hopefully ay mabigyan din ako ng break bilang komedyante naman, para maiba.

"Parang tulad ng role ko rito sa Babaeng Hampaslupa, naiiba."

Ano ba ang mas gusto niya, nakakontrata, o freelancer?

"May advantages at disadvantages, e. Kasi kapag freelance, nakakaikot ka.

"Pero kapag nakakontrata ka, at least ay nabi-buildup ka naman ng TV network. At mayroon silang plan for you.

"Iyon ang kaibahan, e," esplika niya.

Nababagalan ba siya sa takbo ng career niya mula nang umalis siya sa ABS- CBN?

"Hindi naman po, kasi wala pa naman akong sakit at alam ko na matagal pa ang buhay ko.

"So, matagal pa ang tatakbuhin ng career ko!" natatawang pagbibiro niya.

Pero aniya, "Sa akin, ang naiisip ko, pana-panahon din iyan, e. Kaya ang pananaw ko sa showbiz, madaling sumikat, pero mahirap magtagal, e.

"So, mas gusto ko yung magtagal and steady lang naman ako, dahil nga sinasabay ko yung pag-aaral ko, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kahit hindi na yung bida, basta ang mahalaga ay nabibigyan mo ng justice yung karakter na ginagampanan mo."

NO GAY ROLES. Nasabi rin ni Joross na medyo nagpahinga siya sa indie films, lalo’t parang nata-typecast daw kasi siya sa gay roles.

"Ang dami ko na rin kasing ginampanang gay roles na umabot na ako sa puntong ayaw ko munang tumanggap ng ganoong role.

"Kasi feeling ko, parang nata-typecast ako.

"So, gusto ko sana ay ma-try ko naman yung iba. Tulad nitong Babaeng Hampaslupa nga na first time akong magkontrabida.

"So, para naman may bago na naman sa akin.

"Pero, kung may darating na gay roles na kakaiba at talagang challenging... [okay lang].

"Kasi ilang taon na ang nakaraan, may ginawa ako sa MMK [Maalaala Mo Kaya] na talagang girl ako.

"So, binawasan yung kilay ko, na-shave lahat ng hair ko. Na-nominate naman ako doon, pero si Piolo [Pascual] ang nanalo.

"So, kung tipong may ganoon na movie, game naman ako. Basta maganda yung script at istorya. Naiiba at challenging talaga, game ako doon.

"Kasi nga po, ang sabi nila, ang mga tumatanggap daw ng gay roles ngayon ay yung mga tunay na lalaki.

"Ako naman, hindi ako takot na matsismis na gay, or ano, e.

"Nakatulong din siguro yung reputasyon ko no’ng nag-i-start ako na medyo playboy ako, na ganyan, e!" tawa niya ulit.

So, mas marami ang ’’mabibiktimang’’ mga babae, ganoon ba yun?

"Ganoon nga ba?" natatawang tanong-sagot na lang ni Joross.

Naghihintay ba siya ng pinakamalaking break niya sa showbiz?

"Sa akin po, kung darating ay darating ’yan. Basta ang importante ay attached pa rin ako sa showbiz.

"Pero kung darating yung biggest break ko, gusto ko ay tipong Robert Downey Jr.

"Puwedeng mag-comedy at kaya rin niyang mag-serious. Siya ’yung tipong peg ko ngayon, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN