Faith Cuneta can relate with her Tita Sharon Cuneta’s weight problem

Faith Cuneta on losing weight: "Siguro lumalabas na yung pagiging Cuneta ko dahil na rin sa age ko. Hirap na talagang magpapayat."


Sa ikalawang pagkakataon, muling kumanta si Faith Cuneta para sa theme song ng isang teleserye sa TV5. Ito ay para sa The Sisters na pagbibidahan ni Nadine Samonte.

Ni-revive ni Faith ang awiting "Hiram" na pinasikat ni Zsa Zsa Padilla noong ’90s. Sa revival, ang pamosong musical conductor-arranger na si Gerard Salonga ang nag-areglo ng kanta sa saliw ng full orchestra.

Ang theme song ng Babaeng Hampaslupa ang unang kinanta ni Faith para sa TV5.

At dahil nga sa magandang rendition ni Faith, sinasabing naging isang rason ito kung bakit nag-rate ang Babaeng Hampaslupa.

"Hindi nga ako makapaniwalang ako uli yung kakanta para sa bagong series nila.

"Kasi, marami naman silang puwedeng kuning ibang singers, pero ako uli. Kaya flattering para sa akin.

"Plus, yun nga, sinasabi nga no’ng iba na malaking kontribusyon raw yung theme ng Babaeng Hampaslupa kaya pinapanood ito ng marami," masayang paglalahad ni Faith sa presscon ng The Sisters kagabi, July 12, sa C3 Events Place.

Pamilyar na raw si Faith sa awiting "Hiram" kaya hindi siya nahirapang i-record ang kanta.

"Nahirapan lang ako sa sabayan yung music, kasi iba yung pagka-arrange at saka first time kong kumanta in full orchestra.

"Yun lang ang naging challenge sa akin. Pero yung emotions, okey naman," pahayag niya.

ZSA ZSA’S SONG. Inaasahan na ni Faith na maikukumpara ang kanyang version sa unang version ni Zsa Zsa.

"Siguro nga maku-compare, pero ako talaga, I love her version. Saka kung nagandahan sila sa version ni Ms. Zsa Zsa, e, maganda naman talaga.

"Okey lang sa akin kung sabihin nilang hindi maganda yung version ko. Pero I did my best," sabi ni Faith.

Hindi itinatanggi ni Faith na malaki ang pressure para sa kanya ang mag-revive ng isang kantang sumikat.

"Malaking pressure talaga. Kaya nga ipinagdasal ko na sana maging maganda yung resulta sa pagre-record ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sobrang ganda talaga yung song ni Ms. Zsa Zsa."


KOREANOVELA THEME SONG QUEEN. Dati nang umaawit ng theme songs para sa mga Koreanovela si Faith. Dahil dito, tinawag siyang "Koreanovela Theme Song Queen."

Balitang dapat sana ay kukunin pa si Faith ng Kapuso Network, pero dahil sa pag-awit niya para sa Babaeng Hampaslupa, nagtampo raw ang istasyon at hindi na siya kinuha uli.

"Wala akong nabalitaang ganyan. Wala na rin kaming communication," reaksiyon ng singer.

"Hindi rin naman na nila kinukuha yung song ko. Parang may right din naman akong mag-move on din, di ba?

"Saka hindi naman ako nakatali sa kanila. At matagal rin namang wala.

"At marami na rin silang teleserye na iba’t iba rin ang mga singers.

"So, baka hindi na talaga," saad ni Faith na nakagawa pala ng pitong theme songs para sa pitong Koreanovela na toprated lahat.

Umaasa si Faith na pagtitiwalaan siya ng TV5 para sa mas marami pang teleserye theme songs.

"Sana, kasi ako naman basta kumakanta lang ako, masaya na ako."

FROM SINGING TO ACTING? Marami ang nagtataka kung bakit may pagkakataon namang puwedeng mag-artista si Faith, pero parang ayaw niya?

"Parang wala po. Parang hindi pa. Siguro pag na-reach ko na yung pagiging next level ng pagiging singer ko, baka puwede na.

"At kung payat na payat na ako! Gusto ko kasing magkaroon ng sariling show, or maging part ako ng [variety show].

"Kasi never akong naging [part ng] variety show, e. As a singer, di ba, everytime nakikita ka, visible ka.

"Iba’t ibang klaseng songs ang kinakanta mo, variety. Yun ang sinasabi kong level na gusto kong abutin."

Ang pagsali sa mga singing competition lalo na sa abroad ay isang malaking "no-no" kay Faith.

"Ay, ayoko. Parang ayokong sumali na sa mga kontes. Kasi lahat ng mga sinalihan kong kontes dati, pinilit lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ayoko yung feeling na natalo, lalo’t ibinigay mo yung best mo. Hindi ko gusto yung feeling na lumaban ka tapos natalo ka.

"Nong bata pa ako, lumaban ako sa Tanghalan ng Kampeon. Tapos may sinalihan pa akong radio station, yung DZAM.

"Yung pangatlo, Metropop Star search. Pag hindi ako yung grand champion, nadi-depress ako. Nahihiya ako sa mga pumilit sa akin.

"Pero for myself, okey lang, basta ginawa ko yung best ko.

"Then sumali pa ako sa WCOPA [World Championship of Performing Arts] na lahat naman may award ako. Okey naman.

"Pero pag sobrang galing mo at tiyaga mo, puwede mong ma-reach yung kay Jed Madela.

"Kaya bilib rin ako kay Jed, e. Kasi ang haba talaga nung proseso.

"Lumaban ako nong 2007," pagbabalik tanaw niya sa sinasabing kontes.

Wala pang kontrata si Faith sa TV5, pero regular naman daw ang pakikipag-usap ng manager niyang si Jacob Fernandez sa executives ng istasyon.

Bagamat hindi pa kumpirmado pero kapag nagkaroon raw ng variety show, malamang ay sa Kapatid network.

LIKE MEGA. Kapansin-pansin ang may kalakihang pigura ngayon ni Faith.

"Ay, alam mo, pumayat na ako. I already lost 15 lbs. Sa lagay na ito pumayat na ako!" natatawang sabi niya.

"Siguro lumalabas na yung pagiging Cuneta ko dahil na rin sa age ko. Hirap na talagang magpapayat.

"Nararamdaman ko na yung nararamdaman ng tita ko [Sharon Cuneta] na super-effort tapos ang tagal mong pumayat.

"Kunwari nag-diet ka ng three months and treat mo yung sarili mo ng three days, bumalik ka sa gano’n. Parang isang buwan na ang nawala," kuwento niya.

Nananatiling maayos naman daw ang relasyon nila ng Megastar bilang magkamag-anak.

"Okey naman kami ni Tita. We text each other occasionally.

"Although, matagal siyang sumagot, alam naman ng lahat ’yan. Days kung minsan, pero ang importante sumasagot naman siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang panganay na anak ni Sharon na si KC Concepcion ang wala raw silang communication nito. Never pa raw itong sumagot sa kanyang mga text.

"Minsan tini-tweet ko siya, pero never pa siyang sumagot. Baka busy siya sa cell phone niya, or sa career," nangingiting sabi ni Faith.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN