Alwyn Uytingco plans to go on vacation with girlfriend Jennica Garcia

"Oo naman, bakit hindi kung walang ginagawa si Madam [tawag niya kay Jean]. Mas maganda ngang kasama si Madam para mas masaya," says Alwyn Uytingco if Jennica Garcia’s mom Jean can join in their vacation.


Magwawakas na sa ere bukas, July 15, ang dramaseryeng Babaeng Hampaslupa ng TV5.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alwyn Uytingco na isa sa mga cast ng teleserye, sinabi niyang wala pa siyang bagong show na gagawin sa TV5 kung saan siya nakakontrata ng three years.

"Isa na lang ang show ko, yung Iskul Bukol. Wala pa akong bagong show na papalit sa Babaeng Hampaslupa," pahayag ni Alwyn.


Hindi mapagdesisyunan ni Alwyn kung titigil muna siya sa paglabas sa mga drama project or kung mag-concentrate muna siya sa comedy.


"Siguro nga, baka. Pero, hindi ko pa alam.

"Ako naman, dumidepende lang naman sa mga offers sa akin. Kung gusto nila sa comedy ako, okey lang," saad niya.


Contract artist siya ng TV5, pero base raw sa pagkakaintindi niya, wala namang ipinangako ang istasyon kung gaano karaming shows ang gagawin niya sa bawat taon.


"Wala silang ipinangako kung ilan. Pero sinabi lang nilang every year may show.

"Pero hindi naman nila sinabi kung ilan, o kung gaano karami. Or kung anong mga klaseng projects ang ibibigay nila sa akin.

"Okey lang naman."


VACATION TIME. Habang wala pang bagong show si Alwyn at ang taping lang niya ay para sa Iskul Bukol, naiisip niyang magbakasyon.


"Actually, yun ang naiisip kong gawin, bakasyon! Surf, gano’n! Yun nga lang, nag-uulan, e.


"Pero, may mga lugar naman na puwedeng puntahan kahit umuulan. Sana, Baler, gano’n. Sa may Aurora.


"Pag may magandang weather, gusto kong pumunta doon. Gusto ko talagang mag-surf!" excited niyang sabi.


WITH JENNICA. Hindi pa makumpirma ni Alwyn, pero posibleng isama niya sa kanyang bakasyon ang kanyang girlfriend na si Jennica Garcia.

Mukhang maluwag din kasi ang schedule ni Jennica dahil wala rin itong regular show ngayon sa Kapuso Network.


"Ang alam ko, nag-guest siya sa Captain Barbell. Wala pa siyang regular show ngayon, pero dinig ko may gagawin siya.


"Hindi ko pa lang alam kung kailan at anong project yun. Pero for sure naman, bibigyan siya ng GMA-7," saad ni Alwyn.


Kumpara raw noong nakaraang taon at nitong mga nakaraang buwan, mas nagkaroon na raw ng panahon para sa isa’t isa sina Alwyn at Jennica.


Kuwento ni Alwyn, halos isang buong linggo ay wala raw siyang pahinga dahil sa magkakasunod na tapings ng Babaeng Hampaslupa at Iskul Bukol. Sinabayan pa ito ng musical-variety show na nagtapos na sa ereng Fantastik.


Pero kahit daw pagod si Alwyn galing sa trabaho, dumadaan siya sa bahay nina Jennica. Doon daw siya pansamantalang nagpapahinga bago umuwi sa kanilang bahay.


Ayaw raw kasi niyang magkaroon ng patlang, o gap ang maayos na daloy ng communication nila ng kasintahan, kaya gumagawa siya ng paraang puntahan ito.


Naiisip nga niyang isama ang kasintahan sa pinaplanong out-of-town vacation. Puwede rin daw niyang imbitahan ang ina ni Jennica na si Jean Garcia na sumama sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, bakit hindi kung walang ginagawa si Madam [tawag niya kay Jean]?


"Mas maganda ngang kasama si Madam para mas masaya. Ang alam kong ginagawa niya ngayon yung danserye sa GMA 7," sabi pa niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN