Veteran actor Bembol Roco plays father to a "fish" in a Cinemalaya entry

"Hindi ako masyadong masalita doon, puro tingin lang. Pero naglalaban yung character sa kalooban niya kung paano tatanggapin ang sitwasyon na yun," says Bembol Roco about his role on Isda (The Fable of the Fish).


Sobrang abala these days ang veteran actor na si Bembol Roco. Trabahong TV, pelikula, at teatro ang sabay-sabay niyang ginagawa.

"Ay naku, para akong turumpo the past months or so!" natatawa niyang sambit sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Mayroon pa nga akong naisingit dati na [pelikula]... yung kina Sam Milby at KC [Concepcion]," pagtukoy pa ng premyadong aktor sa Star Cinema movie na Forever And A Day.

"Nagkasabay ’yon... hilung-hilo ako!"

Regular si Bembol sa teleseryeng Sisid ng GMA-7, pero ang buong linggo niya ay hindi lamang sa pagte-taping naiuukol. Pati sa rehearsals ng mga dula at aktuwal na palabas, at paggawa ng pelikula sa indie at mainstream.

Katatapos lang niyang gumanap sa Virgin Labfest entry na Balunbalunan, Bingibingihan, sa CCP. Then, punta naman siya sa UP para sa bubuksang produksiyon ng Dulaang UP (DUP), ang Titus Andronicus, a Shakespearean play.

"Naka-schedule ’yon by September... I haven’t done any Shakespeare [play] kaya excited ako.

"Well, it’s pure dedication," sabi rin ni Bembol kung bakit masyado siyang committed sa kanyang sining bilang aktor.

More than ever, inspirado lalo si Bembol sa kanyang ginagawa kahit wala siyang matukoy na bagong inspirasyon.

"Correct... Oo naman, it never stops."

"TATAY" NG ISDA. Sa Cinemalaya Filmfest (Director’s Showcase) entry na Isda (Fable of the Fish) ni direktor Adolf Alix Jr., papel ng asawa ni Cherry Pie Picache ang ginagampanan ni Bembol.

Siya ang asawa ng babaeng nagsilang ng isda, kaya si Bembol Roco ang "tatay ng isda" sa kuwento.

"Interesting yung story na ’yon," saad a ng aktor.

"Hindi ako masyadong masalita doon, puro tingin lang. Pero naglalaban yung character sa kalooban niya kung paano tatanggapin ang sitwasyon na yun."

Ano ang naging peg ni Bembol sa pagganap sa nasabing papel?

"Hmmm, medyo..." matama muna siyang nag-isip ng isasagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa isip din daw niya, wala pa siyang anumang karanasan o nakilalang tao na ganun ang naging karanasan.

"Korek! ’Tsaka, hindi ba, wala ito sa comfort zone ko?" saad ng aktor.

"It’s totally different, so I have to create my own.

"Kung nangyari ’yon sa akin, na nanganak ng isda ang misis ko, ano nga ba’ng magiging reaksiyon ko?"

Iisa lang ang tiniyak din ni Bembol—matindi at mahirap ang kanyang role sa Isda.

"That’s why it’s interesting... mukhang lalaban naman. I’m sure it’s going to be interesting," masayang wika pa niya.

How was it working with Isda female lead, Cherry Pie Picache?

"Maganda ang rapport, ang ganda ng kumbinasyon [namin]," sambit ni Bembol.

"Sa indie film, yeah, this is the first time. But we’ve worked together a lot on TV."

FROM LINO BROCKA TO ADOLF ALIX JR. Maraming beses nang nagkatrabaho sina Bembol at Direk Adolf Alix, Jr., ayon din sa multi-awarded veteran actor.

"Several times already. Yung may butanding [Donsol], then Batanes. Sanay na ako [sa kanya]," sabi ng aktor.

Si Bembol ay nadiskubre ng yumaong National Artist na si Lino Brocka noong 1974.

Una siyang gumanap sa "Mga Hugis Ng Pag-asa" episode ng Tatlo, Dalawa, Isa (1974) na pinagbidahan ng namayapa na ring aktor na si Jay Ilagan, also a Brocka protegé.

The following year, inilunsad ni Lino si Bembol—as Rafael Roco Jr.—sa launching starrer nito, ang klasikong Maynila: Sa Mga Kuko Ng Liwanag (1975) ng Cinema Artists Phils., with Mike de Leon as producer and cinematographer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN