William Martinez recovers after suffering from stroke last year

William’s daughter, Patrizha said that her father is now back to his work, and is livelier after he spent some time with his friends in Bangkok, Thailand.


Matapos ma-stroke si Wiulliam Martinez noong Nobyembre ng nakaraang taon, ibinalita ni Patrizha Martinez na nasa mabuti nang kalagayan ngayon ang kanyang ama.

Matatandaang noong isang taon, lubos ang pag-aalala ng asawa ni William na si Yayo Aguila, sa kabila ng kanilang paghihiwalay, tungkol sa kondisyon ng kanyang asawa. (CLICK HERE for related article)

Ayon sa panayam ng ABS–CBN News kay Patrizha, masaya siya dahil bumalik na ang dating sigla ng kanyang ama.

"I’m glad that he’s better. We all moved past that na," wika niya.

"He’s better now. I’m glad that he’s better."

Kuwento pa niya, malaki na raw ang nagbago sa lifestyle ng aktor. Itinigil na raw nito ang pag-inom ng alak at paninigarilyo. Ganun din, iniwasan na rin daw ng kanyang ama ang late-night gimmicks.

Pero giit ni Patrizha, nakabuti naman daw ang mga pagbabagong ito sa kanyang ama. Naging mas mabilis daw ang recovery nito, at naging mas maganda ang kalusugan.

"I’m glad nakakapag-work na siya ulit, nakakapag-taping na ulit, which is a good thing.

"Nakaka-drive na ulit. He just came from Bangkok. He just had a vacation with his friends and pagbalik niya, energized lalo."

ON BARON GEISLER. Sa kabilang banda, matatandaan na noong 2008, nagsampa ng kasong acts of lasciviousness and unjust vexation si Patrizha laban sa aktor na si Baron Geisler.

Ito ay matapos daw hawakan ng aktor ang dibdib ng dalaga at ayain itong makipagtalik sa kanya, na mariin namang itinanggi ng aktor. (CLICK HERE for related article)

Ayon kay Patrizha, napatawad naman na niya ang aktor, ngunit gusto pa rin daw niyang isulong ang kaso at makamit ang hustisya.

"Siyempre, di ba, who doesn’t want that? Para fair lang," pahayag niya.

Sa kasalukuyan, balik-trabaho si Baron habang binubuno pa ang natitirang dalawang buwan niya sa rehabilitation program ng Penuel House. (CLICK HERE for related article.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON ENTERNG SHOWBIZ. Bagamat parehong artista ang kanyang mga magulang, wala raw balak si Patrizha na pumasok ng showbiz.

"Reality show, okay lang, pero mag-act, di ko kaya," sabi ng dalaga.

"I haven’t tried it. Siguro I may have gotten a little talent from my parents, pero hindi ko alam.

"Never ko pa na-explore ’yon."

Sa ngayon, abala si Patrizha sa kanyang lifestyle magazine, at sa kanyang advocacy sa pagko-conserve ng energy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN