Wendell Ramos glad to see former fellow Kapuso Nadine Samonte move to TV5; favors artists’ freedom to work in different networks

"Pero siyempre, para sa akin, ikinalungkot ko yun na hindi na ako nakapag-Bubble Gang," says Wendell Ramos after signing up with TV5.


Pagkatapos ng primetime series na Babaeng Hampaslupa, hindi halos nabakante ang aktor na si Wendell Ramos.

Kasama siya bilang isa sa leading men ni Nadine Samonte sa The Sisters na magsisimula nang mapanood sa Lunes ng gabi, July 18.

Simula nang lumipat si Wendell sa Kapatid network o TV5, halos dire-diretso na ang mga show niya. Isang bagay raw ito na nagiging dahilan para maging focused siya sa trabaho niya ngayon.

"Yun ang sinasabi natin na natutuwa ang mga tao. Nagkakaroon ng idea ang network kapag siguro nakikita nilang nagiging maayos ang trabaho mo.

"Hindi sila yung tulad ng binanggit ko kanina. Hindi takot ang TV5.

"In fairness naman sa GMA-7, okay sila, hindi nila ako napabayaan.

"Pero paulit-ulit ko rin sinasabi na marami na’ng mga bata ngayon, pero okay pa rin tayo rito," sabi ni Wendell sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng The Sisters last July 12.

Naka-stipulate ba sa pinirmahan niyang kontrata sa TV5 na hindi siya puwedeng mabakante?

"Hindi naman. Siguro ito lang yung... alam mo na may trabaho ka na agad.

"Iba yung binibigyan ka, hindi ka na hinahanapan. Hinahanap din ang kakayahan ng isang artista.

"Ine-expect ko rin na may trabaho. Kasi siyempre, yun din ang naging alaga sa atin ng TV5. Naging part na rin ako.

"But still, hindi ibig sabihin no’n na hindi mo na aayusin [ang trabaho].

"Kaya tayo nailagay sa another show na pinaghandaan din nang husto at hindi siya balewalang show.

"Para mailagay ka do’n, siguro nakita nilang pinag-igihan naman natin ang trabaho."

WELCOME NADINE. Hindi first time para kay Wendell na makasama si Nadine sa isang serye. Noong pareho pa silang Kapuso, may mga nagawa na rin silang series together.

"May nagawa na rin kaming afternoon series noon with Dennis Trillo. Doon ko nakasama si Nadine at medyo heavy drama rin," banggit ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong malaman niyang isa na ring Kapatid si Nadine, ano ang naging reaction niya?

"Hindi ko ikinagulat, ikinatuwa ko. Pero, hindi ko siya ikinagulat. On my part, ako nagulat na ako, sa sarili ko, na nandito ako sa TV5.

"So, sa mga dumarating na artista rito, hindi ko na ikinagugulat, ikinatutuwa ko na lang.

"Dahil nagiging maganda, maluwag at maayos yung takbo ng pagtanggap ng network."

Ine-expect ba niya na marami pa siyang dating kasamahan na lilipat or makakasama niya sa Kapatid network?

"Ine-expect nga natin, or kasi ako, inabot ko ang panahon na nakakapagtawid-tawid ako sa ABS [CBN].

"Siyempre, gusto pa rin namin ng ganoon para hindi tayo, siyempre, sabihin na nating lahat tayo nagtatrabaho lang.

"Pero sa ating mga artista, gusto rin natin na kahit saang network.

"Kapag nagkita tayo sa labas, nagkakaroon kayo ng parang sa isang mundo lang kayo naggagalawan. Walang ilangan.

"Kasi sa ngayon, kahit sa artista ng kabila, parang hindi kayo masyadong magkabatian.

"So, ako, mas ikatutuwa ko kapag marami na ang artista ang nakakapagtawid-tawid.

"Like yung sinabi ni Direk Zoren [Legaspi], right now, parang si Tita Nova [Villa], kasama ko sa Sugo, pero may show siya sa GMA. So, ikinatutuwa ko yun."

MISSING THE GANG. Hindi naman itinanggi ni Wendell that given the chance, he would love to work pa rin sa pinanggalingang network, ang GMA-7.

"I’d love too. Kasi, as much as possible naman, ayoko talagang umalis sa Bubble Gang.

"Hindi ko alam kung ano ang nagiging conflict. Siguro yun talaga yung hindi ko na inalam. Yun.

"Pero siyempre, para sa akin, ikinalungkot ko yun na hindi na ako nakapag-Bubble Gang."

Paano ang pag-welcome niya kay Nadine?

"Actually, nagkita kami sa storycon. Wala, nagkatinginan lang kami. Sabi ko, ’Uy, kumusta ka na? Nandito ka na pala.’

"The usual na every time na may makikita akong artista, ’Nandito ka na pala.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Happy kami. Si Nadine, naka-smile lang siya. Ako, alam ko na rin, so I’m happy for her."

Pero ayon kay Wendell, ngayon ay masaya siya bilang isang Kapatid sa mga show na nagawa at ginagawa niya sa network.

"Itong halaga na ibinigay ng TV5, hindi ko naman puwedeng sabihing hindi siya established na network, dahil matagal nang may TV5. Pero the fact na ang daming stars diyan, superstar na.

"Pero kami, sa mga ka-batch namin, sa mga ka-age ko, nandito yung buong tiwala pa rin ng network na binigyan kami ng show.

"Tama rin yung sinabi ni Direk Zoren na hindi lang dahil sa money, kung hindi dahil din sa alam mong talento mo at kakayahan mo bilang artista.

"Kaya kami nandirito, yung opportunity na ibinibigay nila. At the same time, you have to pay the dues.

"Kailangan naming ibigay yung tiwala na ibinibigay rin nila sa amin. Ang sarap lang."

ROLE IN THE SISTERS. Sa The Sisters presscon, ipinakilala ang character ni Wendell bilang isang doctor na mauugnay sa kambal na characters ni Nadine bilang sina Bella at Cristina.

Tatlo ba silang leading men dito nina Leandro Muñoz and James Blanco?

"Actually, yun din ang tinanong ko kay Perry Lansigan, sa manager ko ngayon, kung ano ba ang character ko rito. Kung ano ang role ko.

"Kung saan mapupunta ang character ko sa dalawang babae dahil may katuwang na sila. May leading men na sila.

"Ang ano lang, siguro isa ako sa magiging conflict. Hindi siguro puwedeng tatlong lalaki kung isang babae lang.

"Ang alam ko, makikilala ko both yung twins. Sa ngayon, ang alam ko, ang character ko, maayos akong tao, mabait siya. Yun pa lang so far."

Dugtong pa niya, "Tulad nga ng sinabi ko kanina, ako naman, palagi ko lang dine-dare sa isip ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As long as magiging maayos ang trabaho ko, I don’t care kung bit roles or ano.

"Tulad nga ng sinabi ko kanina, para lumipat ako sa ganitong network na binigyan tayo ng magkasunod na show, I don’t think na may napapabayaan siguro silang artista.

"If ever man na mangyari yun, basta ako, gagawin ko lang ang trabaho ko para mas mapansin pa ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN