Eula Caballero does not mind playing character roles; hopes her dad will support her showbiz career someday

Eula Caballero’s dad has second thoughts about her showbiz career. Yet the young actress hopes, "[Sana] yung dad ko din, na some time soon, fully ma-understand na niya ako and suportahan."


Ang Star Factor winner na si Eula Caballero ay mapapanood sa bagong dramaserye ng TV5 na The Sisters.

Gaganap siya bilang Shiela, ang apo ni Yaya Maxima (Alicia Alonzo) at love interest ni Warren (Victor Silayan).

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Eula noong Martes, July 12, sa press launch ng The Sisters sa C3 Events Place sa Greenhills, San Juan.

Sinabi niya na hindi niya inaasahan ang pagdating ng project na ito, pero masayang-masaya siya sa oportunidad na ipinagkaloob sa kanya ng Kapatid network.

"I’m super happy po!" bulalas niya.

"Kasi unang-una sa lahat, hindi ko po siya ine-expect to come this year.

"Pinag-iisipan namin ng mom ko, and my mom said, ’You know what, you are fifteen, I don’t think na may primetime ka na dadating and role na suited for you, like a huge role.’

"So, sabi ko, ’Oo nga po, Ma.’ Sabi niya, ’I think you’ll be working for Bagets this entire year.’

"Then, sabi niya, ’Mag-aral ka na lang muna. Pagsabayin mo muna, kasi anyway, you don’t have a show,’ na talagang magpapa-busy sa akin.

"I only do Bagets, which is once a week, and Hey! It’s Saberdey which is once a week din. So, nag-aaral ako ngayon.

"So, when this [The Sisters] came, I told my mom, the prediction was wrong, pero we are happy.

"We are happy that this came, and we’re so thankful with Sir Percy [Intalan], with Sir Manny [Pangilinan], sa lahat sa TV5 because they trusted me to do this.

"I hope I’m not gonna fail them with this."

ON HER CAREER. Bago pa man dumating ang project na ito kay Eula ay may nauna nang show na ibinigay sa kanyang ang TV5—ang youth-oriented show na Bagets: Just Got Lucky.

Ano ba ang ipinag-iba ng role niya sa The Sisters at sa Bagets?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro yung sa Bagets po, actually social climber ako dun, pero todo-todo yung getup ko, to everything, to the things I talk about.

"And then, in here, I haven’t gone taping yet, pero what’s mentioned is that like medyo aloof ako kay Nadine [Samonte], I still don’t know anong character niya, whether sa bad or sa good.

"And then lola ko si Lola Maxima (Alicia Alonzo), and then siguro, the total difference is that, yung sa Bagets ko, it’s kind of playing a dual role also.

"Kasi when in school, I pretend to play somebody else, but when I’m home, I’m the one vulnerable.

"So, like dito, I’m focusing into one role, na this is me, I have this feeling to achieve something, and I’m working in their family, fall in love with a rich guy.

"Pero kung similarity naman yung tatanungin, I’m a poor girl falling in love with a rich guy."

Pero kamakailan nga ay lumabas ang balita na aalis na ang ka-love niya sa Bagets na si Johan Lourens.

Tatapusin lang daw ni Johan ang season one ng palabas atsaka ito aalis. Dahil daw ito sa hindi na niya mapagsabay ang kanyang pag-aaral at showbiz career.

Bilang ka-love team, ano ang nararamdaman ni Eula sa pag-alis na ito ni Johan?

"Actually po we’ve talked about it," wika ng young actress.

"Sabi ko, ’You know what, I don’t feel good that you are leaving.’ Sabi niya, ’I’m sorry Eula!’

"Actually nag-joke pa ako, sabi ko, ’Oy, ang sama mo, iiwan mo na ako! Tapos bibigyan mo pa ako ng malaking trabaho, kasi ipag-a-adjust mo ako sa ibang ka-partner.’"

Sa ngayon, wala pa daw sinasabing kapalit ni Johan sa kanilang show.

Pero pag-amin ni Eula, mahihirapan siya na mag-adjust muli kung sakaling bigyan siya ng bagong ka-loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Honestly po, it’s really hard," sambit niya.

"If you’ll know kapag nasa off-cam kami, we’re really friends with everyone, like we make kulitan, ganun. May mga tampu-tampuhan para magpapansin sa iba.

"Kaya with him leaving us for the second season, I don’t know how it’s gonna feel.

"Siguro sa first taping, it’s gonna feel empty in the house, kasi siya yung isa sa pinaka-makulit, na hyper, na malaki yung boses.

"So, he’s surely gonna be missed by everyone."

ON RITZ AZUL. Hindi maiwasan ng ilan na magtaka kung bakit kahit si Eula ang nanalo sa talent search na Star Factor, hindi pa siya nabibigyan ng malalaking roles.

Bagkus, ang kanyang co-Star Factor top four finalist na si Ritz Azul ang nabigyan ng malaking role sa katatapos lang na drama series ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak.

Ang role ni Ritz doon ay ang bunsong kapatid ni Arci Muñoz na noon ay sumusuporta lamang, ngunit kalaunan ay naging sikat na dancer din.

Pero giit ni Eula, wala naman daw kaso sa kanya kung hindi siya agad mabigyan ng malalaking role, at hindi pa rin daw niya inaasahan ’yon sa ngayon.

Paglilinaw pa niya, wala siyang sama ng loob sa Kapatid network, kahit na hindi pa siya nabibigyan ng malalaking roles sa ngayon.

"I trust also the network, that they will let me grow properly, and in a process that I’ll be better," sabi ni Eula.

THE CONFLICT. Bagamat masaya si Eula sa nagiging takbo ng kanyang career, hindi naging madali para sa kanyang mga magulang na tanggapin ang lahat ng ito.

Mula pa lamang sa pagsali niya sa talent search show ng TV5 na Star Factor, hindi na pabor ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ama.

Katunayan nga raw, noong araw na paalis na siya sa Cebu para lumuwas ng Maynila, ’tsaka niya lang sinabi sa kanyang ama na kasali siya sa talent search show ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually yung mom ko, napilitan na lang kasi there’s no choice na.

"Pero ang kinakatakutan ko talagang sabihan is yung dad ko. I don’t know, kasi he wants me to take something else.

"So, no’ng time na parang magpa-fly na for Manila, that’s the only time na I told my dad na, ’Hey, I’m flying to Manila, I’m gonna quit school.’

"He was so mad about it."

Ang sinasabing maaaring dahilan ng paghihigpit ng ama ni Eula sa kanya ay ang kanyang kuya. Hindi kasi to nakapagtapos ng pag-aaral.

Kaya naman kahit daw may pressure sa kanya, naiintindihan niya ang kanyang mga magulang.

"I understand na yun ang idea nila," sabi ni Eula.

"Kasi we were four kids, and then yung dalawa nakatapos, tapos yung kuya ko hindi. Then ako na lang po yung kasunod."

Sa ngayon, abala ang kanyang kapatid at ama na nasa Cebu sa negosyong itinayo ng kanyang kapatid.

Sinusuportahan din naman daw siya ng kanyang mga magulang, bagamat alam niya na hirap na sila lalo na ang kanyang ina.

"Right now po, happy naman po siya para sa akin, pero sometimes parang nahihirapan na siya [her mom].

"[Kasi] nang mag-Star Factor ako, ayaw nga ng dad ko po.

"Pero sabi niya, ’Okay, I’ll let you join this, kasi there’s no way of backing out naman.’ I already signed the contract na.

"He said promise me na mag-aaral daw ako this year. Sabi ko, ’Yeah, I’ll finish high school na this year.’"

Pero dahil sa biglaang project na ito na dumating sa kanya, kinailangan niyang mag-adjust at lumipat uli ng eskuwelahan.

"My problem nga is with the school," sabi ni Eula.

"So far naman po, nang nag-Bagets ako and Hey! It’s Saberdey!, it’s been okay naman with the school, the absences were understood by them, and they’re giving me something to work on the weekends, or go to school in the weekends for tutorials and special classes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ngayon po na may The Sisters po, my mom has to withdraw me from the school, and find another school.

"Pero for me po, gusto ko po sana magtrabaho."

Hindi ba niya naisipan mag-home study?

"Naisip ko po yun," sabi niya.

"I told my dad magho-home school na lang ako, then sabi niya, ’Wala na ba talagang ibang choice?’

"You know what kasi, may cousin ako na nagho-home studies din. Sabi niya, ’What you get from home studies is not exactly what you get when you go to school regularly.’

"I promised naman to do my best. Sabi niya, ’Okay, if you don’t have anything else na mapagpipilian, it’s okay.’

"They are understanding din naman po, pero yun nga lang po yung parang problem, na sa pressure lang, na I have to do my work, and I really have to finish my studies."

Nakikita rin daw ni Eula na unti-unti ay natatanggap na rin ng kanyang mga magulang ang pagpasok niya sa showbiz.

"My parents, hindi sila in favor of me going in to this. So whatever comes, tinatanggap din nila.

"Parang for me, ang laki-laking importance, kasi minsan lang ako makakuha ng support from them, suporta from them in getting in to showbiz.

"Yung support niya [mom] sa akin from Star Factor and now, ang laki po ng improvement.

"Siguro po nakikita niya din na I’m loving this, kaya siguro nasasabi niya na, ’I have to support my daughter in this.’

"Kaya ito po, nakikita ko yung mom ko na todo-suporta po talaga siya sa akin.

"Tapos pag may problems ako dito, like taping day, tapos wala, hindi ko na magawa yung mga assignments ko, ginagawa na niya."

Pero sa kabila ng nangyayari sa kanyang career, may isa raw hiling si Eula: "[Sana] yung dad ko din, na sometime soon, fully ma-understand na niya ako and suportahan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN