James Blanco’s wife is not affected by husband’s gay benefactor issue

James Blanco reacts to rumor about rich gay backer: "Ako, after ilang years bago naman ako nakabili ng bahay. After five years. Katulad ng sinabi ko, ayoko namang i-compare ang sarili ko sa ibang tao."


Marami ang nagsasabi na mayaman na si James Blanco. Marami rin naman ang natutuwa sa pagiging masinop niya dahil nakikita ng karamihan na nakapagpundar na siya ng sariling bahay, mga sasakyan at negosyo para sa kanyang pamilya.

Yun nga lang, dahil di masyadong visible si James sa showbiz, hindi rin maiiwasan ng ilan na tila kumukuwestiyon ang pagiging maalwan daw ng buhay ng aktor.

Natatawa na lang si James nang makausap namin sa press conference ng The Sisters tungkol sa sinasabing, "mayaman na raw siya."

"Wow, hindi naman! Sana. Sana magdilang-anghel nga kayo. Sana magkatotoo!" natatawa niyang sabi.

Pero paano nga ba niya nagawa ’yon?

"Kung pagbabasehan n’yo talaga, ayoko namang i-compare ang sarili ko sa iba.

"Pero maraming artista riyan talaga, wala pang isang taon, meron na silang magagandang bahay.

"Ako, after ilang years bago naman ako nakabili ng bahay. After five years. Katulad ng sinabi ko, ayoko namang i-compare ang sarili ko sa ibang tao.

"Marami diyan, may mga mansion na nag-i-start pa lang mag-artista.

"Ako naman, after five years. Siguro naman, wala na silang masasabi na sa ilang taong pagtatrabaho ko sa showbiz."

RICH BENEFACTOR. Hindi rin exempted si James sa ilang actors na naiintriga na diumano’y may gay benefactor. Tahasan na ngang itinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isyung ito na matagal na ring nauugnay sa kanya.

"Sana nga meron... Biro lang!" bawi niya.

"Alam n’yo yung mga ganyang bagay naman, kakambal na sa isang artista ’yan.

"Once na merong nakikitang konting biyaya na binibigay ang Diyos sa ’yo, palagi naman nilang kinakambal na meron kang benefactor.

"E, tayo naman, naghihirap tayo sa pagtatrabaho para masunod natin ang dream natin na magkaroon talaga ng sariling bahay.

"Siguro hindi ko naman ikinagagalit at alam kong kakambal ang mga ganoong intriga."

"Aware naman ako. Naririnig ko naman yun. Marami namang taong ganyan, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But like my wife, tinatawanan lang niya. Alam naman niya. Kilala naman niya ako.

"Kapag wala naman akong trabaho, nasa bahay lang ako. Alam naman niya ang trabaho ko at alam niya kung paano ako magtrabaho.

"Hindi naman siya nagwu-worry sa mga ganoong isyu, kasi sobrang kilala ako ng wife ko."

AT HOME WITH TV5. On the other hand, isa rin si James sa hindi napapabayaan ng TV5 na mabakante. After ng Nagbabagang Bulaklak, isa siya sa leading men ni Nadine Samonte sa bagong primetime series ng Kapatid network na The Sisters.

"Alam n’yo, nagpapasalamat ako sa TV5 sa mga opportunities na ibinibigay nila. Unang-una na, kay Sir Perci Intalan, sa tiwala.

"Kahit hindi nila ko contract artist. Hindi ako nakakontrata, pero binibigyan nila ng tsansa ang isang katulad ko na bigyan ng trabaho.

"Marami kasi riyan na yung iba, limitado lang ang ibibigay sa ’yo. Bibigyan ka nila ng trabaho, pero hindi as leading man.

"So, dito, ang laki ng chance na bininigay nila sa katulad ko nga na makabalik talaga ng industriya."

Hindi naman ito ang unang pagsasama nila ni Nadine sa isang proyekto dahil nagkasama na sila noong pareho pa silang nasa GMA-7.

"Yung Ikaw Sa Puso Ko noon sa amin nila Oyo Boy Sotto. Tapos yung Ganti at Now and Forever. Kaya konting adjustment na lang.

"Iba ang role, iba ang character, pero konting adjustment na lang."

Dugtong pa niya, "Ang ganda nga, e. Ang ganda ng istorya. Kakaiba. Pati yung character ko, dual personality rin ang ginagampanan ko rito."

James had the chance to work with different networks. Hindi lamang sa GMA-7 at TV5, kahit daw sa ABS-CBN.

So, we asked him kung ano ang difference naman working in Kapatid network.

"Halos lahat din naman ng nakakasama ko rito, nakasama ko sa GMA. Pero dito, new, e. New lahat. Fresh lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang pakikisama ng Kapuso at Kapatid, halos may similarity naman. Halos lahat din naman sa Kapuso, mababait na tao.

"Dito, mababait din lahat. Halos wala naman din malaking pinagkaibahan."

If there’s one thing he learned in showbiz, ito raw yung matutong makisama nang tama.

"Unang-una, na-realize ko yung pakikisama. Yung pakikisama mo sa tao.

"Yung pakikipagtrabaho mo nang tama hindi lang sa artista kung hindi sa buong staff and crew. Yun ang natutunan ko dahil sila ang mag-aangat sa ’yo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN