Character actress Deborah Sun calls cousin Maja Salvador "plastic, fake"

"Ako, hindi ko sinasabing sikat ako, pero ako, diresto kong sasabihin, ang ganda ng binibigay na projects sa kanya ng Dos, ayaw tumuloy. Why? Nagagalit siguro si Lord because of her A [attitude]," says Deborah Sun (main photo) about her cousin, Maja Salvador (inset).


Noon pa issue ang sinasabing sama ng loob ng character actress na si Deborah Sun sa pinsan nitong si Maja Salvador.

May ilang interviews dati ang aktres kung saan nagbukas ito ng saloobin na pakiramdam niya ay nabastos siya ng young actress nang hindi siya batiin nito nang minsang magkasalubong sila sa hallway ng ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Deborah sa presscon ng Reputasyon last Tuesday, July 12, tinanong namin siya kung tapos na ba ang sama ng loob niya kay Maja at kung nagkaayos na sila.

Ayon sa aktres, "Wala naman akong sama ng loob sa kanya, kaya lang matuto lang siyang gumalang kahit hindi niya kamag-anak.

"Basta ang nakasalubong mo ay matanda sa iyo, bigyan mo ng respeto.

"Kelan ulit nakasalubong ko siya, kumukuha ako ng suweldo, nung nakaraang abeinte-singko.

"Naglalakad kami, nauna si Yayo [Aguila], tinawag niya [Maja], ’Mommy Yayo!’ Binati niya, pero ako hindi.

"Siguro hindi niya pa rin ako kilala kaya ganun."

Hindi pa ba sila personal na naipakilala ni Maja sa isa’t isa kung kaya’t hindi siya namumukhaan nito?

"Nag-meet na kami sa [burol] ng Papa niya, pinakilala kami ni Tito Ramon [Salvador]," banggit ni Deborah.

Ang ama ni Maja ay ang dating aktor na si Ross Rival, na kapatid ng dating aktor at direktor na si Leroy Salvador, na ama naman ni Deborah. Kaya magpinsang-buo sina Deborah at Maja.

Kuwento pa ni Deborah, "Dumating ako, tinawag ko ang anak ko... Di ba, may mga kuwarto-kuwarto sa patay?

"’Gigi, halika, ipapakilala kita sa pinsan mo. O kayo, ito ang Ate Gigi ninyo, si Ate Deborah ninyo, pinsan ninyo.’

"Nandun sila Maja, Yeng Constantino... ’Maja, ito ang anak ng Tito Leroy mo, panganay namin. Dun siya lumalabas sa kabilang network [GMA-7], siya si Deborah Sun.’

"So, umalis na, lahat hinalikan niya, ako hindi niya ako hinalikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"You cannot blame me kung galit ako."

Sa isang show ng ABS-CBN ay natanong si Maja tungkol sa sama ng loob sa kanya Deborah. Humingi naman ng dispensa ang young actress, kung kaya’t inakala ng iba na natuldukan na ang nasabing tampo ni Deborah.

Pero ayon sa character actress, "Like I said, kahit hindi ako, pero kumbaga bilang senior sa iyo, kahit di mo kilala, bigyan mo ng respeto, di ba?

"Ang daming artista nga diyan... Ako nga, pag walang makeup, ibang-iba ang hitsura ko, pero nagbibigay sila ng respeto."

Ano ba ang sa palagay niya ang rason kung bakit ganito sa kanya si Maja?

"Plastic, fake!" diretso niyang sagot.

Ayon pa kay Deborah, hindi raw maganda ang relasyon ni Maja sa iba nilang mga kamag-anak at marami siyang naririnig na mga reklamo tungkol dito.

"Ang dami, sa mga kamag-anak namin," sabi niya.

"Tandaan ninyo, artista ako. Sa harap ninyo, puwede akong magpa-fake na mabait ako, lalo na kayo press. Sa lahat, puwede akong, ’Hi BFF!’

"Pero sa kamag-anak, makikita ninyo ang lahat. Sa kanila mo malalaman ang katotohanan ng ugali ng isang tao."

May payo ba siya kay Maja lalo’t magkadugo sila?

"Ako, hindi ko sinasabing sikat ako, pero ako, diresto kong sasabihin, ang ganda ng binibigay na projects sa kanya ng Dos, ayaw tumuloy.

"Why? Nagagalit siguro si Lord because of her A," sabi ni Deborah, na ang tinutukoy ay "attitude" ni Maja.

"Ako, never akong nagsalita ng anything against sa kanilang mga intriga.

"Sabi ko nga, tanggalin mo na yung akin... sa mga beterano, magbigay ka ng respeto."

Bukas ang PEP kung may nais ipahayag si Maja tungkol sa mga pahayag ni Deborah.

EX-CONVICT. Hindi naman kaila sa marami na nakulong noon si Deborah dahil sa estafa. Sa pamamalagi niya ng matagal na panahon sa loob ng piitan ay marami raw siyang natutuhan na pilit niyang ina-apply ngayon sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Paglabas mo, ang tingin sa iyo ng tao ay ex-convict ka. Nakatatak na sa pagkatao mo ’yan.

"Pero napatunayan ko, hangga’t nabubuhay ang tao, may pag-asa.

"Hanggang nabubuhay ang isang tao, may pag-asang magbago, ayusin ang buhay niya."

Pag-amin pa niya, "I used to take drugs, alam naman ng lahat yun.

"Pero sabi ko nga, kaya siguro ako pinasok dun para hindi na ako makapag-drugs.

"Habang nasa loob ako, I prayed na kung may problema sa pamilya ko, sa Mama ko, ibigay na lang ang lahat ng parusa dito kahit tumagal ako.

"Isasakripisyo ko ang lahat basta para sa pamilya ko.

"Choose you friends, totoo ’yan," patuloy niya.

"Like ako, siguro kung lalabas ako, baka may makasama ako, honestly baka makabalik ako, pero nilalabanan ko.

"Kaya ako, pamilya ko ang nasa isip ko ngayon."

Sa kabila ng lahat ng mga pinagdaanang pagsubok sa buhay, nandun pa rin ang positibong pananaw ni Deborah.

"Kailangan, kasi kung hindi, baka nasa squatter na ako, baka nasa ilalim na ako ng tulay nakatira.

"Kailangan maging strong ako para sa pamilya ko, lalo I have a 10-year-old ngayon."

KONTRABIDA ROLE. Sa Reputasyon ay gumaganap na kontrabida si Deborah, at masayang-masaya siya na isa na rin siyang Kapamilya ngayon.

"Happy dahil sabi ko nga, matagal ko na talagang gustong makapasok sa ABS.

"Happy din naman ako sa kahit na anong network ako makapasok kasi trabaho, which everybody knows na kailangan ko ’yan, kailangan kong maghanapbuhay.

"Pero talaga, pag nanood ako ng TV, sinasabi ko, ’Kailan kaya ako makakapsok sa ABS?’

"Siyempre may TFC. Nung nag-guest ako sa The Buzz, tinawagan ako nung isang relative namin [sa abroad], ’Ate, napanood kita sa The Buzz.’

"Si Cristine naman, dati ko pang napapanood, and to be honest, nagagalingan talaga ako sa kanya, nagagalingan ako sa kanya bilang artista."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin ni Deborah sa Reputasyon ang stepdaughter niyang si Aiko Melendez, na anak ng dating partner niya na si Jimi Melendez.

"Hindi ko alam kung may eksena kami dito, ang nakakaeksena ko lagi dito ay yung pamilya ni Cristine, si Jaclyn [Jose], si Jason [Abalos]...

"Pinsan ako ni Jaclyn dito na isinangla nila yung kanilang bukid. Ako yung kontrabida, ako yung salbahe sa kanila," sabi pa ni Deborah tungkol sa kanyang role.

Marami sa mga gumaganap na kontrabida ang nakakaranas minsan na magalit sa kanila ang fans ng mga inaapi nilang mga artista.

Pero ayon kay Deborah, "Kung walang kontrabida, walang bida, walang soap, walang pelikula... Kailangan kaming mga maldita.

"Pag natangay sa iyo ang mga manonood, ibig sabihin nun effective ka sa ginagawa mo kaya okay yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN