Laurice Guillen answers "lack of delicadeza" issue hurled against her as competition director of Cinemalaya

"Kasi, I take charge of the [Cinemalaya] competition. But the opening film is not a competition film. So, I don’t see the issue. It’s not even in exhibition," Laurice Guillen argues about her film being the opening movie in the indie filmfest.


Ang bagong pelikula ng actress-director na si Laurice Guillen na Maskara, ang opening film sa 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa CCP Main Theater mamayang gabi, July 15.

Ano ba ang kuwento nito?

"Simple lang ang kuwento. Namatay ang isang artista. Yung biyuda niya, natagpuan ang mga sulat na nanggaling sa isang anak ng kanyang asawa na hindi niya nalalaman. So, pinuntahan niya yun.

"Pagkamatay lang nung asawa, doon lang nalaman na mero’n siyang anak, so pinuntahan niya yun. Yun ang istorya. Yun lang," lahad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Laurice sa presscon ng kinabibilangan niyang soap sa ABS-CBN, ang Reputasyon, noong July 12.

Ang anak ni Direk Laurice sa yumaong mister nitong si Johnny Delgado na si Ina Feleo ang siyang nagsulat ng screenplay ng Maskara.

First time ba ito ni Ina to write a script?

"First time na full length," sagot ni Direk Laurice.

"Kasi, nag-aaral siya sa [film] school ni Marilou [Diaz-Abaya], marami silang projects.

"Nakagawa na rin siya ng 40-minute feature, na siya ang sumulat at nagdirek. Yung Labing-Labing. Kami ni Johnny ang artista."

Nasa cast ng Maskara sina Shamaine Buencamino, Tirso Cruz, III, Ina Feleo, at introducing si Ava Santos.

Gaano maipagmamalaki ni Direk Laurice ang pelikula niyang ito?

"It’s my first indie movie. So, parang ako ang nagdirek, nag-produce, and the idea lahat, gano’n.

"So, parang it’s the same challenge, I guess, o yung excitement or passion na na-experience ng mga Cinemalaya directors, yung mga kabataan.

"So, parang gano’n [ang feeling ko]. Happy naman ako na at this stage in my life, in my career, e, may natututunan akong bago."

DELICADEZA. Sa puntong ito ay nilinaw namin kay Direk Laurice na may nasulat sa isang tabloid na hindi raw kaya mapagbintangan siyang "walang delicadeza."

Naturingan daw siyang Cinemalaya festival director, pero bakit ang movie pa niya ang opening film?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unang-una, I’m not the festival director," paglilinaw ni Direk Laurice na ang tamang posisyon ay "Competition Director" ng nasabing annual Pinoy indie film festival.

"Secondly, if you’re... Yung sinasabing walang delicadeza, ano ang walang delicadeza doon?

"Kasi, I take charge of the [Cinemalaya] competition. But the opening film is not a competition film. So, I don’t see the issue. It’s not even in exhibition.

"They [CCP] invited it to be the opening film."

So, may imbitasyon pala mula sa CCP?

"Well, the festival director decides, and that’s Nestor Jardin. He decides. He looks at all the films to be shown.

"Siyempre, simula ng July, lahat ng mga pelikulang ginawa mula July [of a certain year] hanggang July of the festival, titingnan.

"Tinitingnan kung ano yung mga pelikula.

"Hindi naman ibig sabihin na walang karapat-dapat. Hindi naman sa gano’n. Ang Cinemalaya kasi, ang opening film is supposed to show what Cinemalaya wants to encourage, what is Cinemalaya.

"You know, it’s innovative. Saka yung spirit ng Cinemalaya. Hindi ibig sabihin noon na walang ibang magandang pelikula.

"Pero maaaring, you know, all the new films, iniimbita naman, e. In the exhibition and even in the Netpac [Network for the Promotion of Asian Cinema] category.

"Pero ang opening film is what to the festival director encompasses the Cinemalaya spirit," paliwanag niya.

So, maaaring may nakita si Mr, Jardin sa kanyang pelikula?

"Well, he decides. He’s the one that should be asked," sagot ni Laurice.

Sa palagay ba niya ay "unfair" na nasa diyaryo na at nasulat na maaaring mapagbintangan ngang wala siyang delicadeza?

"In the papers?" nagulat na reaksiyon ni Direk, na halatang hindi narinig ang nasabi naming kanina na nasulat nga sa diyaryo that day (July 12).

Binanggit namin ang pangalan ng sumulat ng tabloid item na yun, si Danny Vibas, at hiningan namin ng reaksiyon ang dekalibreng actress-director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Opening line ni Vibas sa kanyang Hataw tabloid column: "Hindi kaya mapagbintangan si Laurice Guillen na walang delicadeza dahil siya ang festival director ng Cinemalaya, pero ang opening film ng indie film festival ng Cultural Center of the Philippines this year ay ang pelikula niyang Maskara?"

Nagagalit ba si Direk Laurice sa isyung ito?

"Hindi ako nagagalit, pero nagtataka ako kung bakit niya sinasabing wala akong delicadeza?

"Bakit, ano ba ang nilabag ko? Ano ba ang ginawa ko na unfair?

"Ang sa akin lang naman, kung ano ang sa akin na sakop ng responsibilidad ko sa Cinemalaya ay ang pagpili ng mga finalists.

"Ang pag-supervise sa kanila from the time that they are semi-finalists sila, hanggang sa matapos ang mga pelikula nila.

"Yun ang ano [scope] ng trabaho ko. Hindi naman ako sumasali sa competition. Yun ang walang delicadeza.

"Kung ako ang head ng competition, at ako mismo ang magku-compete! Yun, Danny Vibas, ang ibig sabihin ng walang delicadeza!

"Ngayon, ipaliwanag mo sa akin kung ano ang nilabag ko para karapat-dapat mo sabihin sa akin na ako ay walang delicadeza.

"Ipaliwanag mo ’yan!" matapang na pahayag ni Direk na halatang naapektuhan sa balita.

Maaaring hindi kaya alam ng sumulat ang facts?

"Dapat, hindi siya magsasabi ng mga ganyang salita tungkol sa akin na wala naman akong ginagawa sa kanyang unfair.

"Dapat, hindi siya magtatapon ng ganyang mga salita nang hindi niya alam ang mga sinasabi niya’!" may tonong galit na dagdag niya.

INA’S BEST ACTRESS TROPHIES. Pinuna rin ng kolumnista ang pagkakapanalo ng anak niyang si Ina Feleo, bilang best actress, sa Cinemalaya 2007 sa pelikula nitong Endo (with Jason Abalos), samantalang si Laurice ang competition director.

Part ng column ni Vibas, sinulat nito: "Si Ina man, o hindi ang pinakamahusay na aktres sa mga kalahok na pelikula noong taon na iyon, asiwa, na siya ang pinanalo. Kasi nga, anak siya ng festival director..."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nanalo rin si Ina ng kanyang second best actress sa Cinemalaya 2009 para naman sa Sanglaan, pero hindi ito nabanggit ng kolumnista sa kanyang column, kundi ang Endo lamang noong 2007.

Ano ng reaction niya dito na hanggang ngayong 2011 ay inuungkat pa rin ang isyung ito sa anak niyang si Ina?

"Ewan ko kung sino ang nang-uungkat [ng isyu]. Baka siya lang?" mataray na reaksiyon nito.

"’Saka, how dare him insult me by questioning my credibility!

"Why don’t you [Vibas] go to the festival director, the chairman of Cinemalaya, and ask them that question, instead of throwing intrigues left and right irresponsibly!

"You don’t even know what you’re talking about!" seryoso at mukhang galit na pahayag ni Direk sa kolumnista.

First time naming nakapanayam ang isang Direk Laurice Guillen at napatunayan naming diretso ito kausap at prangka sa nararamdaman at gusto niyang sabihin.

ON THE LIGHTER SIDE. Ngayong nasa ika-pitong taon na ang sikat na Pinoy indie film festival sa bansa, ano ba ang bagong makikita ng mga tao sa Cinemalaya ngayong taon?

"Marami," malumanay na siya.

"Every year naman, we strive to look for more variety. We try to discover new filmmakers from the regions [in the Philippines].

"This year, mas maraming ganyan. Atsaka, itong taong ito, siguro masasabi nating matsa-challenge talaga ang freedom of expression sa Cinemalaya.

"May extension ring Greenbelt 3 cinemas [kung saan i-screen ang mga pelikulang kalahok]. Dahil kasi, mero’n nang binubuksan na Documentary Section which is non-competitive, but it’s a whole new section.

"Another new section is the Asian Films. So, kulang na kulang na talaga ang venues sa CCP. So, yun, sinusubukan lang namin for the first time.

"So, we have opened the Documentary and Asian sections. If you really look at that, we always will make the changes gradually.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Aside from that, we are moving towards regional competition."

Ano ang aabangan ng publiko sa Asian Films section?

"There are five films, from Indonesia, Thailand, et cetera. And yung Midnight Specials, sinimulan nila ’yan. And for this year, meron kaming dalawang closing films, yung Rakenrol (of Direk Quark Henares) and Zombadings:Patayin sa Shokot si Remington (of Direk Jade Castro)."

Bakit kailangang dalawa ang closing films sa July 23?

"Kasi, parehong qualified," sagot ni Laurice.

"Ewan ko sa kanila [CCP]. In-announce lang sa amin. Ang namimili nga talaga ay si Nestor Jardin, the festival director.

"Basta ako, ang inaasikaso ko lang ay ang competition. At sinisiguro ko, matatapos ang mga pelikula at maipapalabas kami sa Cinemalaya."

Kausap na rin lang namin ang isa sa bigwigs ng taunang Cinemalaya filmfest, natanong namin ang dahilan ng pag-backout ni Ralston Jover sa New Breed Filmmakers section para sa pelikula nitong The Dog Show.

"Well, his letter said it was based on artistic differences yata," sagot niya,

At si Direk Mario O’Hara naman sa Directors’ Showcase section. Bakit naman nag-quit din para sa movie nito on Gabriela Silang na pinamagatang Henerala?

"I think because his co-producers or co-financiers did not push through with the support.

"But we really tried to find him someone to ano [finance the film]. But at that time, we found out that it was too late."

RAFA SANTOS ISSUE. Lastly, ano ba ang masasabi ni Direk Laurice sa issue ni Rafa Santos, isang Cinemalaya short film new filmmaker this year, na lumikha ng kontrobersiya sa kanyang "Sky Flakes and catfood" remarks tungkol sa theater actors?

Matatandaang ang pahayag na ito ni Rafa ay napanood sa ANC interview nito at na-post sa Internet, dahilan upang "magwala" ang theater community dahil nainsulto sila umano. (CLICK HERE to read related story.)

"Sarado na ’yan, di ba?" hirit muna niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi namin, kahit na maiksing reaction lamang bilang Cinemalaya competition director.

"Reaction ko lang? Oh, well, you know, si Rafa is like that in private. And his friends know that, you know, he’s one of those people who jokes with a deadpan face.

"It’s just that, siyempre, pag nasa TV ka, di ka naman kilala ng publiko. So, akala nila, nagseseryoso ka. Yung kanyang intended compliment became an insult in the perception of the public.

"It’s just unfortunate. But I’m glad that he learned his lesson fast. That he immediately apologized.

"I think he has learned!" tawa ni Direk.

May mga nagpapa-boycott pa sa short film nito sa Cinemalaya, o tanggalin na lang totally ang nasabing pelikula ni Rafa sa lineup.

Ano ang nangyari noong mga oras na yun?

"Pinatawag siya ng festival director. I wasn’t there, but I was asked my opinion also regarding that. And I said that as competition director, I cannot pull him out because he has not violated any rules and regulations.

"He was very professional in the conduct ng pelikula niya. Mula sa pagsa-submit, at wala siyang nilabag, kaya hindi ko siya puwedeng tanggalin."

Naiintindihan din naman daw ni Direk Laurice na maaaring "burst of anger" lang ng mga theater people ang kanilang naramdaman laban kay Rafa.

"Well, I can understand kung nainsulto ang ibang mga taga-teatro. Pero yung iba naman siguro ay naintindihan yung konteksto.

"But still, he has to be careful next time, not only that. Don’t joke about these things in public."

Kinausap ba niya si Rafa personally?

"No," aniya. "E, kasi, nag-apologize naman agad, e. I got a copy furnished in the email," pagtatapos ni Direk Laurice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN