FHM presents Burlesque-themed victory party; a model cries "harassment" and an ex-boyfriend shows up backstage

"Si Sam Pinto, very refined, very elegant, very classy," says FHM Philippines editor-in-chief Allan Madrilejos about FHM Sexiest Woman in the World winner Sam Pinto.

Sam and other celebrities and models who made it to the sexiest list performed in the burlesque-themed FHM 100 Sexiest Women in the World Victory Party last night, July 14, at the Wo


"Burlesque" ang theme ng FHM 100 Sexiest Women sa World Victory Party na matagumpay na idinaos sa World Trade Center, Pasay City, kagabi, July 14.

Mahigit-kumulang 6,500 katao ang pumuno ng pinagsanib na dalawang trading hall ng World Trade Center. Lahat ay sabik na mapanood ang presentation ng performers ng gabing iyon.

Unang rumampa ang iba’t ibang modelo ng mga sponsor ng show na mainit na tinanggap ng mga manonood at iba’t ibang representatives ng media organizations na inimbita para i-cover ng event.

Pagkatapos niyon ay sinimulan na ng July 2011 FHM cover girl na si Eula Valdes ang celebrity performances sa kanyang Cabaret-inspired dance number kasama ang ilang nagseseksihan ding back-up dancers.

Sumunod ang makapigil-hiningang paglabas sa stage at pagsayaw ni Michelle Madrigal na ibinaba sa stage habang nakasakay sa isang harness. Chair dance naman ang ginawa ng FHM sexiest No. 25 at ng mga kasama niyang back-up dancers.

Nagpalakpakan ang mga tao nang magkasamang rumampa sa stage at nagsayaw sa kanilang pole dancing number, kasama ang ilan pang dancers, ang FHM sexiest No. 44 na si Daiana Menezes at ang No. 8 namang si Iwa Moto.

Cage and tango naman ang tipo ng burlesque dance number nina Jef Gaitan (No. 48), Wendy Valdez (No. 53), Stef Prescott (No. 62), at Paw Diaz (No. 73) at back-up dancers.

Habang nag-S&M (sado-masochist) theme naman sa kanyang production number ang FHM sexiest No. 19 na si Regine Angeles.

Huli nang nag-perform ang FHM Philippines’ Sexiest Woman in the World na si Sam Pinto na rumampa suot ang isang sexy red corset-type dress.

Winakasan ang victory party sa pagrampa ng ilang kasama sa 100 sexiest list ng FHM at ni Sam.

FHM’S SEXIEST. Nang makausap na ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sam sa backstage pagkatapos ng show, umamin itong nakadama siya ng nerbiyos nang rumampa na siya sa stage para sa finale.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hope I might not fall kasi nakakatakot yung stairs, and I hope I don’t forget my dances. I hope everyone enjoys the show," ang ilan lang daw sa mga iniisip niya nung mga oras ng pagrampa niya.

Tinanong si Sam kung mag-a-aspire ba siyang maging number one uli next year.

"Why not? If they [the readers] want to. It’s in their hands.

"If not, I’m happy also. At least give chance to others," sagot ni Sam.

FHM DOING A GOOD JOB. Masaya naman ang FHM Philippines editor-in-chief na si Allan Madrilejos sa tagumpay ng victory party para sa taong ito.

Utang daw nila ang patuloy na pananagumpay ng kanilang 100 Sexiest Poll at victory party sa kanilang fans at readers.

Masaya rin daw siya sa mga naging choices ng readers nila para sa sexiest list sa taong ito. Karamihan kasi ng nasa listahan ay mga first-timers sa FHM.

Ayon kay Allan, "Sobra akong masaya dahil na-affirm yung choices ng grupo.

"Kami, nung pumasok kami sa bagong dekada ng FHM 2011, gusto talaga namin na mag-feature nang mag-feature ng mga bagong mukha, ng mga sariwang faces.

"The fact na niyakap sila, they were embraced by the readers, sobrang affirmation an we’re doing a great job."

A NEW KIND OF SEXY. Masaya rin daw siya para sa number one sexiest nila na si Sam.

"Si Sam, katulad ng iba nang nanalo, she’s very deserving sa accolades. Kasi she represents a new kind of sexy na hindi pa natin nakikita sa iba.

"Kasi may konsepto tayo na pag sexy, ganito, voluptuous, kailangang magpakita.

"Si Sam Pinto, very refined, very elegant, very classy."

Hindi naman daw big deal sa kanya kung hindi man nakarating sa show ang mga dating nag-number one na sina Angel Locsin (2005 and 2010 FHM sexiest) at Marian Rivera (2008 FHM sexiest).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung dumating sila, salamat. Kung hindi, meron silang rason, iginagalang ko iyon, walang problema sa akin," pahayag ni Allan.

A MODEL GETS PULLED OUT. Samantala, nagkaroon ng konting tensyon kahapunan nang araw na iyon sa rehearsal ng show sa World Trade Center, nang magpa-interview sa ilang miyembro ng media ang modelong isinasabit sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng apat na miyembro ng national football team na Philippine Azkals (CLICK HERE to read related article).

Pahayag ng modelo sa mga umi-interview sa kanya, pina-pull out daw siya sa show dahil nasangkot nga ang kanyang pangalan sa kontrobersiya ng football team.

Pakiramdam daw niya ay "hina-harass" siya sa isang bagay na wala naman daw siyang kasalanan.

Nilinaw naman ng FHM na hindi sila ang nagpa-pull out sa modelo kundi ang brand na iniendorso ng modelo.

Karapatan naman daw ng brand ang gawin iyon dahil binili ng brand ang segment kunsaan magpe-perform sana ang modelo.

SEEN BACKSTAGE. Pagkatapos naman ng show, namataan sa backstage si Mickey Ablan, ang ex-boyfriend ng rumampa sa show na si Iwa Moto.

Naiuugnay kasi ngayon si Mickey sa Kapuso sexy comedienne na si Janna Dominguez na nasa No. 47 spot naman ng FHM sexiest list sa taong ito.

Kinausap ng PEP at iba pang miyembro ng media si Janna tungkol sa kanila ni Mickey at kung okey ba sila ni Iwa, dahil nauugnay nga siya sa ex-boyfriend nito.

"Si Mickey, we’re friends," sagot ni Janna tungkol sa kanila ni Mickey. "We go out, pero kasama naman namin ang friends ko, ang friends niya."

Tungkol sa kanila naman ni Iwa, hindi pa raw sila nagkakausap at hindi rin sila nagkausap nung gabing iyon, kahit na magkasama sila sa stage at sa backstage.

Hindi naman daw niya iniiwasan si Iwa, pero mas maganda raw na tahimik muna ang lahat.

"For now, maganda yung tahimik muna tayo. Huwag nating dagdagan yung apoy sa silab, gano’n," patalinhaga pa nitong banggit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung magkakaroon daw ng pagkakataon na magkakausap sila ni Iwa, okey lang naman daw sa kanya.

"Okey lang sa akin. Mas maganda kung mag-uusap lang kami," ani Janna.

"Magkita kami na maayos ang usapan. Iyon ang importante dun."

Hinanap ng PEP si Iwa para sa pahayag naman nito ngunit wala na raw ito sa venue.

Samantalang mailap naman si Mickey sa media at kitang umiiwas ito na makunan ng camera.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN