Laurice Guillen says she finds directing more fulfilling than acting

Saan ba mas fulfilled si Direk Laurice Guillen—sa pag-aartista o sa pagiging direktor?

"Masasabi kong mas fullfilled ako as a director," sagot niya. "At mas mahirap ang maging director... I cannot see myself directing a teleserye, dahil ikakamatay ko siguro yun. Dahil sa hirap talaga ng trabaho nila!"


Bihirang lumabas sa isang teleserye ang respetadong actress-director na si Laurice Guillen.

Ayon sa kanya, namimili siya ng magandang proyekto. Gaya ng Reputasyon na panghapong serye ng ABS-CBN at siyang pambato sa "Kapamilya Gold" campaign ng Kapamilya network.

Pasok si Direk Laurice sa cast ng Reputasyon, na tinatampukan nina Cristine Reyes, Aiko Melendez, Rayver Cruz, Jason Abalos, Jaclyn Jose, Emilio Garcia, Celso Ad Castillo, Deborah Sun, Jill Yulo, at John James Uy. Mula ito sa direksiyon nina Jeffrey Jeturian at Mervyn Brondial.

Sa presscon ng bagong soap opera, kung saan nandoon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong July 12 sa 9501 restaurant (ELJ Bldg) ng ABS-CBN, natanong ang cast kung gaano kaimportante sa kanila ng salitang "reputasyon."

Sa kaso ni Laurice, aniya, "Sa public life, meaning to say, not so much of politics, or show business, pero yung reputasyon ko bilang artista at director.

"So, parang sa akin, ang parati kong pinapangalagaan ay yung maganda ang kalidad ng trabaho ko.

"Maganda ang professional behavior ko, and yung ethics ng pagiging director, o artista. Yun lang mahalaga sa akin sa public life ko.

"Kung hindi naman magustuhan ang performance ko, e, siguro sa limitasyon ko na yun, o taste na ’yan ng tao.

"Pero at least, hindi mo masasabing hindi ko binigay ang the best that I can do.

"Iba naman yung sa private life ko," patuloy ng actress-director.

"I’m a very private person. Kahit na ba lagi akong nakikita, pero yung private life ko, yun ang private.

"And siguro, kapag may mga bagay sa private life ko na magiging cause of intrigue, o eskandalo, doon ako masasaktan.

"Kasi, apektado pati mga mahal ko sa buhay. Pero, at least naman, hindi pa naman ako, knock on wood, nagkakaroon ng problema sa pribadong buhay ko."

Kumusta namang katrabaho si Cristine Reyes?

"Hindi pa kami nagkakaeksena ni Cristine," sabi ni Direk Laurice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May isang eksena sila ni Aiko na saksi ako. Nakita ko ang nangyari. I’m looking forward to it.

"I’ve worked kasi with Cristine at the workshop, mula sa una niyang teleserye dito sa ABS-CBN, yung Eva Fonda.

"At that time, I’m very happy with her work, pero sa ngayon, di ko pa siya nakakaeksena.

"If may eksena kami written in the script, I am looking forward to it."

Ang madalas daw kaeksena ni Laurice ay si Aiko Melendez.

Dagdag niya, "And noong panahong active pa siya (Aiko) sa pelikula, sa showbiz, hindi ko masyadong nakikita ang trabaho niya.

"But I know who she is. So I was very, very surprised and very happy to find out na ang husay-husay niyang artista.

"And I really enjoy the times that we have scenes together. Kasi, naglalaro lang kami, at ang bilis namin."

DIRECTING OR ACTING? Ang huling pelikulang idinirek ni Laurice last year na Sa ’Yo Lamang (Star Cinema) ay napansin na ng ilang award-giving bodies.

Saan ba mas fulfilled si Direk Laurice—sa pag-aartista o sa pagiging direktor?

"Masasabi kong mas fullfilled ako as a director," sagot niya.

"At mas mahirap ang maging director. Alam ko ang hirap kaya I appreciate yung pinagdadaanan nina Direk Jeffrey.

"I cannot see myself directing a teleserye, dahil ikakamatay ko siguro yun. Dahil sa hirap talaga ng trabaho nila!

"So, mas mahirap, pero mas fulfillng para sa akin ang pagiging direktor.

"But that is not to say na hindi ako nag-e-enjoy as an actress. Hinihintay ko pa rin ang role, na siguro, hopefully, darating yun within my lifetime.

"Isang role bilang artista where I will really feel that I’m fulfilled with what I did."

FULFILLMENT AS AN ACTRESS. Pagkatapos ng main presscon ng Reputasyon, naka-one-on-one interview ng PEP si Direk Laurice.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dito kami nag-follow up question sa sinabi niyang hindi pa niya masasabing "fulfilled" na siya bilang isang artista. Na may hinihintay pa siyang isang mabigat na role sa pelikula at telebisyon.

Paliwanag niya, "What I meant by fulfillment — ang tanong naman kasi, alin ang mas mahirap, alin ang mas challenging.

"Sabi ko, sa ngayon, yung direction, talagang ano.

"Doon ako mas nahihirapan, at doon din ako mas natsa-challenge. At doon ako mas nagkaroon ng fulfillment, compared to my acting roles.

"So, kumbaga, wala pa akong acting role na nagagawa na magbibigay sa akin ng kapantay na fulfillment as let’s say, yung Tanging Yaman or yung Maskara na kakagawa ko lang.

"Wala pa yung ganoong feeling as actress."

Meron ba siyang dream role na hinihintay?

"Wala naman," sabi niya.

"You see, it’s really the way it is. I don’t know, wala akong...

"Kasi, it’s not so much of the dream role, e. It’s really how it’s written.

"So, kahit na anong role naman ’yan, pero kung ang pagkakasulat at ang pagkaka-direct...

"Siyempre, dapat,’yung pagkakasulat, dapat ay nadi-deliver rin ng direktor nang maayos."

Sa dami ng ginawa niyang mga pelikula in the past, wala siyang naging offer na talagang na-challenge siya?

"Mero’n namang mga offer sa akin. Pero wala pa akong, let’s say a role that really challenged me," sabi niya.

Ano na lang ang "best role" na nagampanan niya sa TV man, o pelikula na medyo malapit sa sinasabi niyang role, o fulfillment?

"Moments in Flordeluna," pagtukoy ng premyadong direktora sa dating soap opera na pinagbidahan ni Janice de Belen.

"Some moments of Flordeluna in TV. Pero, wala pa yung talagang craft ko na parang kailangan, e, I am on my toes sa craft ko... parang gano’n. What I can do na hindi pa na-offer sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN