Ruffa Gutierrez faces the "biggest battle" of her life; Yilmaz Bektas fights for the custody of their children

Ipinaglalaban ngayon ng dating asawa ni Ruffa na si Yilmaz Bektas ang kanyang karapatan sa custody ng kanyang mga anak. Wika ni Yilmaz, "I need my rights to see my children with the law."


"Just received a shocking phone call. The storm I was anticipating is coming, SOON. Please pray for me as I fight the biggest battle of my life."

Ito ang nakakaintrigang post ni Ruffa Gutierrez sa kanyang Twitter account noong Miyerkules ng gabi, July 13.

Ayon sa report ni Rosetti Rivera sa Saksi kagabi, July 14, ang tweet na ito ni Ruffa ay nasundan pa.

Sinabi raw ng dating beauty queen na ipaglalaban niya ang kanyang mga anak hanggang sa huli, at gagawin niya ang lahat para matigil na ang issue na ito.

Ngunit makalipas ang ilang oras ay burado na ang nasabing tweet.

YILMAZ’ SIDE. Sa mga pangyayaring ito, hindi naman nanatiling tahimik ang dating asawa ni Ruffa, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas.

Ang diumano’y pambubugbog ni Yilmaz kay Ruffa ang naging dahilan ng kanilang paghihwalay. (CLICK HERE for related article.)

Ayons sa report, nagpadala raw ng isang e-mail sa GMA News si Yilmaz, kung saan sinabi nito ang kanyang mga hinaing patungkol sa kanilang anak ni Ruffa.

Una raw sa mga mga isinaad sa e-mail ni Yilmaz ay ang kuwestiyonableng pagbibigay ng kustodiya ng kanilang mga anak kay Ruffa, bagamat hindi siya binigyan ng pagkakataon na magsalita.

Batay sa nakasulat sa e-mail, sinabi ni Yilmaz na: "How does the court made a decree in favor of Ruffa without giving me the right to defense myself and gave the guardianship right of my children to her?" [sic]

Bukod pa dito, iginiit ni Yilmaz na binibigyan niya ng sustento ang kanyang mga anak.

May isang pangyayari pa nga raw na nag-offer siya ng dalawang milyon dolyar kay Ruffa para lang makasama ang kanyang mga anak sa loob ng isang linggo.

Saad niya sa e-mail: "I always gave my money to my children.

"I would not have offered 2 millions dollars to Ruffa in order to see my children for 1 week.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She requested some time and, after talking to her father and mother, she did not accept this proposal."

Kaya naman ang mariing pahayag ni Yilmaz: "I need my rights to see my children with the law."

Sa ngayon,wala pang pahayag ang kampo ni Ruffa tungkol sa naturang issue. Pero mananatiling bukas ang PEP sa anumang reaksyon mula kay Ruffa o sa kanyang mga kamag-anak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN