Sam Pinto laughs off comments that she doesn’t deserve No. 1 slot in FHM 100 Sexiest

"Well, I guess that’s their opinion. I will never comment on that. It’s up to them," says Sam Pinto to those who say she doesn’t deserve to win the top slot in FHM 100 Sexiest.


Dumagsa ang mga kalalakihan, maging ang mga kababaihan sa ginanap na FHM 100 Sexiest Women in the World 2011 victory party sa World Trade Center, Pasay City kagabi, July 14.

Rumampa sa napakataas at mahabang runway ang mga nagseseksihang models at mga artistang napabilang sa list. "Burlesque" ang theme ng kanilang party ngayong taon.

Kitang-kita ang kasiyahan at pagiging blooming ng ex-PBB housemate na si Sam Pinto na siyang tinanghal na No. 1 habang rumarampa sa stage kagabi.

Matapos ang nasabing blowout party ay nagkaroon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)ng chance na maka-one-on-one interview si Sam.

"Sobrang happy ako. Yung you can see how many people voted for you. Grabe yung support nila. Thank you! Thank you! Thank you very much!" sambit niya.

Ano ang feeling niya na siya yung pinaka-star?

"Oh, my God! Kanina, before mag-start, super nervous ako. Pressured at the same time. Pero I’m enjoying the show. Enjoy walking the runway."

Anong perks ang nagawa at magagawa kaya ng FHM sa career niya?

"I guess people will know you more. And right now, everywhere I go, they always call my name.

"One more thing, I hope there will be more projects and endorsements to come," sagot niya.

Some say na masyado raw siyang pumayat? Baka raw mauwi sa anorexia, comment ng ilan.

"Hindi naman! Feeling ko naman, sakto lang ako sa TV. Sakto lang yung katawan ko sa TV.

"Sikreto ko, proper diet, fruits, vegetable and exercise."

Pasaring ng ibang kasama niya sa list ng FHM this year, hindi raw siya deserving mag-No. 1. Ano ang masasabi niya rito?

"Well, I guess that’s their opinion. I will never comment on that. It’s up to them," maikli niyang tugon.

Maraming nagsasabi na lumaki na raw kasi ang ulo niya matapos ma-proclaim na top winner sa FHM. Ano ang reaksiyon niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, e! Hindi naman totoo, yun. Nung presscon ng FHM, I was just having fun. Everybody was so serious, so nagbiro lang ako nun," sabi niya.

Balitang todo-suporta ang tita niyang si Claire dela Fuente para manalo siya. Anong suporta kaya ang ibinigay ng Tita Claire niya?

"Naku, hindi mo mai-imagine kung anong ginawa niyang support para sa akin!" sambit niya.

Ano ang message niya sa mga nakalaban niya sa botohan?

"I know you’re all super sexy, and I know your fans really love you."

Message naman niya sa fans mo na sumuporta sa kanya?

"I really won’t be here kung wala kayo, grabe! Hindi ako naglakad sa runway kung hindi ninyo ako ibinoto. Maraming-maraming salamat."

Gusto pa ba niyang mag-number one ulit next year?

"Why not? If they want to. It’s in their hands. Pero if not, I’d still happy. Give chance to others naman."

CLAIRE’S SUPPORT. Incidentally, nakausap din ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tita ni Sam na si Claire dela Fuente, who is said to be her biggest supporter.

Ang veteran singer na si Claire daw ang reason kung bakit nanalo si Sam as No. 1.

Aniya, "Siyempre lahat ng klaseng advice, tulong, pangangampanya, ako campaign manager nya.

"She’s really a natural way winner. We were able to rationalize kung anong mas magandang gawin namin para lumayo yung boto.

"Ang nangyari kasi dyan, kasi yang si Sam, nagulat na lang kami na bigla na lang siyang tumaas.

"Ang taas-taas ng kanyang boto. So we sustained it na lang. Siyempre yung dasal din namin para sa kanya.

"Now, we can say na she’s really, really somebody na in show business kasi nakita na natin yung boto na tumapat siya doon sa mga superstars natin.

"Kahit anong effort namin kung hindi natural way pagkapanalo niya, hindi siya mananalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ibig sabihin lang na gusto siya ng mga tao. She’s really a star," pagmamalaki pa ni Claire tungkol sa kanyang pamangkin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN