Ina Feleo on working with mom Laurice Guillen: "Masarap ka-trabaho si mommy, marami kang matutunan sa kanya."

IMAGE 0

"OK naman kami ni mommy, isinantabi naming yung mother and daughter relationship. Meron kaming distansyang professional. Ang mahirap lang, same house kayo. Every time na may maisip siyang bagong idea tatawagin niya agad ako. May mga time na nag-a-argue kami palagi, pero creative arguments naman yun, hindi yung talagang nag-aaway basta basta bilang mag-ina," Ina Feleo describes her working relationship with mom, Laurice Guillen.


Matagal nang pangarap ni Laurice Guillen ang makagawa ng indie film kunsaan siya ang producer at ang anak niyang si Ina Feleo ang scriptwriter.

Ekslusibong nabisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang shooting ng indie film niya na pinamagatang Pahayag ng Isang Artista, (now called Maskara). Inspired ito sa buhay ng kanyang pamilya matapos mamatay ang kanyang asawang si Johnny Delgado.

Sa naturang pelikula, ipapakita rito ang isang biyuda (portrayed by Shamaine Buencamino) na madidiskubre na may naunang anak sa ibang babae ang kanyang yumaong asawa.

Sa totoong buhay, nalaman din ni Direk Laurice na may anak sa ibang babae ang kanyang asawa na si Johnny Delgado bago pa sila ikasal. Sa kasalukuyan, ang anak na babae ni Johnny ay 30 years old na.

Five shooting days ang ginugol ng mga artista para sa pelikulang ito. Ang isa sa mga ginawang location ng pelikula ay ang bahay mismo nina Direk Laurice sa Quezon City.

Bago nagsimula ang shooting ay nagkaroon ang PEP ng pagkakataon na makapanayam si Ina Feleo, ang actress-turned scriptwriter, at ito ang ilan sa kanyang mga pahayag:



Nalungkot ka ba habang ginagawa mo yung script dahil related sa daddy mo yung film?

"Nalungkot ako. Ako kasi I write from real experiences. Kung hindi man siya actual experiences. I'll try to put myself dun sa karakter. Hinuhugot ko rin talaga sa sarili ko yung pagsulat ko, para pati yung lines effective. Ayaw ko kasi ng parang tunog nag e-explain. Marami talaga dun sa scene na nangyari talaga sa tunay na buhay.

"So, habang sinusulat ko yung script umiiyak talaga ako. Hinahayaan ko lang, kasi feeling ko pag umiiyak ako, ibig sabihin na hit ko yung tamang linya. Nung shooting na, I'm always there. Eksena ko kasi isa lang, di naman ako ang nag-play na anak as Ina doon, iba yung nag-play na ako doon. Nung pinapanuod ko nga yung shooting kinikilabutan ako minsan kasi buhay namin yung iba dun, e. Naaalala ko si daddy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang initial reaction mo nung nalaman mong may kapatid ka sa labas?

"Alam na namin ever since, kilala na namin ever since yung isang anak ni daddy (Johnny Delgado) before pa. Saka bago mamatay si Daddy tinawagan ni mommy yun para makapunta sa ospital.



"Yun ang kaibahan dito sa indie film naming na gagawin, kasi dito sa film na ito, nalaman ni Ellen (biyuda na ginampanan ni Shamaine Beuncamino) na may ibang pamilya si Robert nung namatay na yung asawa niya."

Hindi ka ba nagalit nung nalaman mo na may ibang anak si daddy mo sa ibang babae?

 

"Hindi naman, sa akin naman kasi, hindi ako maangas pagdating sa ganyan. Sa akin kasi, kung meron, di meron. Part yun nang buhay ni Daddy e, at tanggap ko yun ng buong-buo. Kung sino ang mga mahal niya, mahal na rin namin."



Tungkol saan ba ang Maskara, na siyang opening film ng 2011 Cinemalaya?

"Ang plot niya tungkol sa 40th day ng yumaong actor, andyan yung mga kaibigan, kamag-anak. In the process, may makikita si Ellen (ang biyuda na ginamapanan ni Shamaine Buencamino) na mga sulat.

"Makikita niya ang mga sulat sa gamit ni Robert (played by Tirso Cruz III), na may anak si Robert sa ibang babae, at nadiscover niya yun nung namatay na si Robert. May eksena run na 'Bakit di niya sinabi sa akin nung nabubuhay pa siya?' At the same time yung grieving process kasi may eksena nga na 40th day, e. Me eksena rin na pupuntahan niya yung anak ni Robert sa labas. Yun ang karakter na I pe-play ko, yung anak sa labas na si Anna."

How was it working with your mother, Direk Laurice, in this film?

"Ngayon lang talaga kami magkatrabaho sa film kasi nagka-trabaho na kami sa TV5 before. Meron kaming na-produce na TV show titled Hush Hush. Ginawa niya akong writer, creative head. Tapos si mommy yung producer pero di siya ang direktor. Eto yung first time na siya yung mag-produce, tapos siya rin ang mag-direk, writer niya rin ako at the same time, actress din.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ok naman kami ni mommy, isinantabi naming yung mother and daughter relationship. Meron kaming distansyang professional. Ang mahirap lang, same house kayo. Every time na may maisip siyang bagong idea tatawagin niya agad ako. May mga time na nag-a-argue kami palagi, pero creative arguments naman yun, hindi yung talagang nag-aaway basta basta bilang mag-ina.

"Kasi natatandaan ko nung buhay pa si daddy pag magka-trabaho sila pareho, parang may arguments din sila na ganyan. Parang kami ngayon, na meron siyang gusto na ayaw ko or may gusto ako na di niya naman gusto. Pero masarap ka-trabaho si mommy, marami kang matutunan sa kanya. Minsan nakaka-tense kasi sobra siyang magtiwala sa kakayanan mo, grabe rin yung tiwala niya sa akin na magagawa ko yung mga bagay na pinagagawa niya. Kasi, para sa kanya, mas fresh yung ideas ko, kaya minsan pinauubaya niya sa akin yung idea."

Ito ba ang unang pagkakataon mo na magsulat ng script?

"For film, yes! First time ko. Dati, I wrote a short film lang. Ngayon, it's a full-length film. Nakaka-tense, nakaka-panic. Si mommy kasi di pa tapos yung script gusto na niyang nang mag-shoot agad. Kasi alam mo yun, pag writer ka, parang ang selan mo sa trabaho, ayaw mo munang ipakita hangga't hindi tapos at di ka pa sure. Dun kami minsan nag-aaway ni mommy. Kasi ipapakita niya na sa iba yung script na di pa tapos, tapos mag pe-feed back na agad sila. Sabi ko, huwag na muna kasi di ko pa nga tapos yung draft, ang dami ng feed back. Pero okay naman. Saka first time niya rin akong na-direk sa film. Pero yun naman, madali lang, masarap maging director si mommy."

Who is the inspiration for the film?

"Kasi tungkol siya kay Daddy, nung una, ang purpose ko lang ay para tumulong kay mommy. Ayaw ko siyang pabayaan kasi first indie film niya nga ito. Saka alam ko matagal niya nang gustong gumawa nang ganitong klaseng film. Yung talagang kanya, yung talagang buong-buo. Gusto ko, yung maganda ang kalabasan ng gawa niya kaya sa abot ng aking makakaya ay susuportahan ko siya. At the same time, istorya nila ni daddy ito. Maipapakita ko yung magandang relationship nila bilang mag-asawa. Saka gusto kong ipakita yung effect ng buhay ni Daddy kay mommy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Originally, patungkol ito dun sa karakter ni Ellen Martinez played by Shamaine Centenera, Ellen na biyuda, pinatern namin kay mommy. Parang yung grieving process niya. Ang istorya dito, after the death nung asawa niya, yung grieving process ni Ellen ay di expressive. Parang everyday she's at home, naglalaro ng games sa computer. Then yung anak niya in and out of the house. Parang di siya maka-move forward. Ang daming naging draft nung script.

"Nung pinakita naming kay Bing Lao yung script, sabi niya very mainstream daw ang dating. Kasi daw masyadong naka-sentro sa emosyon nung karakter, wala siyang context. So, talagang humihingi kami ng advice kay Bing Lao, kasi ang orientation nga lang talaga ni mommy pang mainstream. This is her first time to do an indie film. So, ang nangyari nung humingi kami ng advice kay Bing, marami ang na chop-chop sa script. Parang ang nangyari na-trim down into 3 parts na lang yung film."

Ano ang mensahe ng pelikula?

"Gusto kong makita nila si daddy. A closer look at him as an artist. Kasi yung pagiging artist niya ay buhay niya na. Gusto ko ring ipakita yung pagmamahalan ng mag-asawa at pagmamahal ng anak sa ama."

Yung mga ibang artista na makakapanuod, makaka-relate ba sila sa movie na ito?

"Makaka-relate sila, sobra! Kahit si Tito Pip (Tirso Cruz III) na gaganap na bilang si Daddy, sabi niya, 'Grabe tong interview na ito... Ang hirap i-deliver kasi magmumukha kang mayabang na artista pag na-deliver mo ito.'

"Pero kasi naman si Daddy kahit sabihin niya yun, wala siyang paki kung ano sabihin ng ibang tao, ang importante naipahayag niya yung damdamin nya. At sabi ni Tito Pip, ito rin naman ang gustong sabihin ng mga artista e. Lalo na siguro yung matatagal na, yung mga kasabayan ni Daddy na talagang nagtagal sa industriya. Sabi nga ni daddy, ang good wine, habang tumatagal, lalong sumasarap. Parang yung mga batikang artista na habang tumatagal sa industriya lalong gumagaling."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN