Glaiza de Castro says she will never stop making indie films: "Love ko ang Cinemalaya, dito ako nakakahinga."

Patikul, a Cinemalaya entry, is Glaiza De Castro’s fourth film with Direk Joel Lamangan, who scolded her for arriving late at the set.

"Actually, first time akong nakagalitan sa movie. Naghahabol sila ng day effect, e, noong time na ’yun, galing ako sa Party Pilipinas. Late ako na-release. Cavite pa ’yung pupuntahan ko. E, alas-tres na yata ako nakaalis sa Manila. Tapos 4


Kilala na sa indie world ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro sa dami ng mga indie films na nagawa niya.

This year, kasama siya sa cast ng Patikul, isang entry sa Cinemalaya Film Festival.

Dumalo si Glaiza sa gala night ng movie sa CCP Main Theater noong Sabado ng gabi, July 16. Kasama niya ang ilang kaibigan tulad ni Rich Asuncion. Obviously, proud si Glaiza sa nagawang movie.

"Nakikita mo ’yung pinagpaguran mo at pinaghirapan mo na maganda ang kinalabasan. Ito rin ang pinagkaiba ng pelikulang ito sa iba kong ginawa kasi very real at the same time, very educational.

"Kasi, hindi tayo aware na merong ganitong nangyayari sa Mindanao. Mga teachers na nagsasakripisyo ng buhay nila. Mapapaisip ka — may mga ganoon palang tao."

Yung kuwento raw mismo ang hindi niya makakalimutan.

"Hindi siya ordinary story at saka ’yung mga eksena, hindi siya diniliber nang sobrang bigat. Pero alam mong tumatagos sa puso.

"Kaya kung passionate ka sa isang bagay at willing kang i-share ang kaalaman mo, ’yung knowledge mo, ’yun ang purpose mo sa buhay — makatulong ka sa kapwa mo.

"Lalung-lalo na at alam mo na walang tutulong na iba kung hindi ikaw lang. Parang magi-guilty ka kapag hindi mo pa tinulungan ’yung mga ganoong klase ng tao, ’di ba?"

Pang-apat na beses na niyang naging director si Direk Joel Lamangan sa pelikula. Pero every time raw na dini-direk siya ay may natutunan siya.

"Actually, first time akong nakagalitan sa movie. Naghahabol sila ng day effect, e, noong time na ’yun, galing ako sa Party Pilipinas. Late ako na-release. Cavite pa ’yung pupuntahan ko.

"E, alas-tres na yata ako nakaalis sa Manila. Tapos 4 o’clock kailangan nandoon na ako. E, day effect, siyempre, nangangarag na sila. So, parang, hindi mo man kasalanan, siyempre, kargo mo ’yun kasi kasama ka sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos ’eto na, ang daming naghihintay, ’yun ang hassle ro’n. Akala ko makakalusot ako. Nakita ko si Direk Joel. Sabi ko, patay, patay.

"Magbibihis na ko kasi nga nagmamadali na. Biglang tawag ako si Direk Joel. Sabi ko, ito na. Tapos, punta ko sa gilid. ’Yun na, sinabihan na niya ko, ’Sino ka, sino ka para paghintayin ako?’

"Although alam natin na ganoon talaga si Direk when it comes to work... nagulat ako kasi first time ko talaga na napagalitan. After ilang years na pag-iingat ko, dahil alam ko nga na may reputasyon siyang ganoon at pinapahalagahan niya ang trabaho nang sobra, nag-iingat ako.

"Kaso, hindi nga maiwasan ’yung mga ganoong pangyayari. Although hindi ko naman ’yun nai-take personally and nagpasalamat ako kasi, after naman ng shooting, sabi ni Direk, sorry, ganyan-ganyan lang talaga."

Kung tutuusin, nagli-lead na si Glaiza sa mga serye at nakakagawa na rin siya ng mainstream films. Pero hindi pa rin daw niya kinakalimutan ang indie films at Cinemalaya.

"Siyempre naman, love ko ang Cinemalaya at dito ako nakakahinga, para balance. Mainstream tapos indie. Para hindi masyadong kulob sa isa lang."

Kasama rin si Glaiza sa epicserye ng GMA-7 na Amaya. So far, tila hindi pa masyadong na-e-expose ang character niya bilang si Biniyaan.

Ayon naman kay Glaiza, "Sa ngayon kasi, ang focus kay Bagani, Marikit, ’yung mga ganoon. E, sa tagal na magra-run nitong show, ang dami pang mangyayari. So ngayon, binabahagian muna namin sila ng pakonti-konting character background ni Binayaan. So, sa mga susunod na weeks, makikita na nila ’yung, ah, ’eto na."

Mabait ba ang character niya rito?

"Mabait kasi hindi naman talaga ako kontrabida rito. Pero ano siya, may twist. Kasi kahit sa akin, mystery pa rin ang role ko. Ang daming nagtatanong, ano ang mangyayari, bakit ka nagpanggap? Pero hindi talaga siya masama."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw siya napu-frustrate na hindi pa masyadong nagagamit ang character niya for the past episodes.

Nakangiti pa niyang sabi, "At least, nandito ako sa Cinemalaya. At saka, ang dami ko rin ginagawa kahit hindi ako nagte-taping. So, balance lang."

Sa huli, kinamusta naman namin ang lovelife niya.

"Ayos lang, wala. Hayaan niyo na siya du’n. Okay na siya ro’n," ang natatawang sagot ni Glaiza.

Biniro namin siya — okay naman siya ro’n, nagsasabi ba sa kanya na okay nga ro’n?

"Hindi ko alam," natatawa niyang sabi. "Basta ’yung lovelife, hayaan niyo na lang. Darating din ’yan. Darating din ang totoo."

Hindi ba siya lumalabas?

"I go out naman. At saka ngayon, ginagawa ko ang talagang passion ko, ’yung music. So, sa I-Libings (another entry for Cinemalaya), may song ako ro’n. Ako ang gumawa. Mapapakinggan niyo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN