Director GB Sampedro reacts to issue involving Vice Ganda; will go to Brazil with girlfriend Daiana Menezes in December

"Wala naman akong inaasahang mangyayari pagpunta ko doon. Siyempre, gusto ko lang talagang makilala nang personal ang pamilya niya," says director GB Sampedro about his scheduled trip to Brazil in December with Daiana Menezes.


Ang tungkol sa hindi pagpunta ng TV and concert director na si GB Sampedro sa FHM 100 Sexiest Women in the World victory party last Thursday, July 14, ang isa sa isyung tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang makausap namin siya last Sunday, July 17, pagkatapos ng live airing ng Paparazzi sa TV5.

Nabigyan ng malisya ang hindi pagsuporta ni Direk GB sa kasintahang si Daiana Menezes nang rumampa ito sa World Trade Center. Inakalang matinding selos ang rason kung bakit hindi pinanood ni Direk ang show.

"Hindi, a! Ako pa nga ang naghatid sa kanya," paglilinaw naman ng direktor.

Pero bakit hindi siya nanood sa loob ng venue? Bawal ba?

"Hindi naman bawal," sambit niya.

"May gagawin pa kasi ako kaya hindi na ako nag-stay. Saka hindi ako mahilig sa gano’n, never pa akong nakapanood ng FHM.

"May mga kaibigan akong nandoon. Hindi kasi mahilig sa gano’ng show."

Marami ang nakapunang hindi gaanong sexy ang suot ni Daiana sa kanyang dance number at sa runway walk niya. Dahil ba ito ang bilin ni Direk GB?

"Hindi naman," tanggi niya uli.

"Si Daiana may pagka-conservative din ’yan.

"Sexy lang ang image, pero may pagka-conservative din ’yan.

"Hindi ko siya pinagbabawalan."

A few weeks ago ay nagpunta ng Hong Kong sina Direk GB at Daiana. Biro namin, nagkaroon na sila ng "honeymoon" doon.

"Hindi honeymoon yun," nangingiti niyang tanggi.

"Trabaho rin yun. Actually, meron siyang final casting for a project in HK.

"Kasi doon siya nagsimula, e. Sa HK siya nagsimula noong nagmo-model siya.

"Meron siyang final casting doon. So, no’ng sinabi niyang pupunta siya ng HK, sabi ko, ako ang puwedeng mag-day off.

"Puwede kong ayusin yung schedules ko. Kaya sumama ako."

Kuwento pa niya, "May agency kasi siya doon, ’Salute’ ’ata ang pangalan no’ng agency niya

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tatlong araw silang nanatili sa Hong Kong, ayon kay Direk GB. Nakapasyal din naman daw sila ni Daiana.

Biro uli namin kay Direk GB kung ipinag-shopping ba niya ang kasintahan. Balita kasi, isa siyang generous boyfriend.

"Hindi. Ako ang pinag-shopping niya!" natatawa niyang biro.

Napangiti si Direk GB nang sabihin namin sa kanya ang pahayag ni Daiana sa amin na ang sikreto raw ng kaseksihan niya ay "walang diet, live happy, at lovelife." (CLICK HERE to read related story.)

"Oo nga, e. Hindi nga nagda-diet yun, e. Naiinggit nga ako doon, hindi siya nagdyi-gym, e.

"Yung sa lovelife... mabuti naman at nakakapagpa-sexy tayo," nangingiti niyang sabi.

Hindi ba nila inisip na magpakasal sa Hong Kong tutal nandoon naman na sila?

"Ay, hindi, hindi... Siyempre, gusto rin namin na may consent ng pamilya namin.

"Ayaw naman naming kaming dalawa lang ang magpapakasal," sabi niya.

CHRISTMAS IN BRAZIL. Ayaw pa ring sabihin ni Direk GB kung gaano na sila katagal ni Daiana. Pero ang ibinalita lang niya ay ang posibilidad na samahan niya ang kasintahan sa pagbabalik nito sa Brazil sa December.

"Doon kami magki-Christmas," sabi niya.

"Inaayos lang namin yung schedule. Ako naman, tinitingnan ko, parang puwede naman.

"Ako kasi may mga time naman na pag Christmas, hindi naman nagla-live ang mga show. Puwedeng umalis ng December.

"Kasi medyo mahaba ang biyahe."

Nakilala na raw ni Direk GB ang parents ni Daiana sa Skype.

"Wala naman akong inaasahang mangyayari pagpunta ko doon. Siyempre, gusto ko lang talagang makilala nang personal ang pamilya niya," saad niya.

Hindi isinasara ni Direk GB na posibleng mauwi sa pamamanhikan kapag nakilala na niya ang pamilya ni Daiana.

"Puwedeng mauwi ’yon sa gano’n. Malay natin," nakangiti niyang sabi.

ISSUE WITH VICE GANDA. Nang mabanggit naman ang tungkol sa isyu sa kanila ng komedyanteng si Vice Ganda, at pati ang lumabas sa column ng manager nitong si Ogie Diaz, na siya’y isang "tsismosong director," nag-comment tungkol dito si Direk GB.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Direk GB ang nagdirek ng huling concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum, ang Eto Na... Vice Ganda Todong Sampol Sa Araneta! noong July 1.

Aniya, "Actually, yung lumabas nga sa E Live [last Saturday], para kasing ang dating no’ng ano ni Ogie, na wala namang problema, na normal namang nangyayari yung gano’n sa produksiyon, na nag-sorry naman daw sa akin si Vice.

"Actually, lahat naman ng lumabas is masasabi kong totoo naman. Pero yung nag-sorry nga sa akin si Vice, para sa akin, tapos na.

"Medyo nasaktan lang ako doon sa diyaryo na ’direktor, tsismoso.’

"Siyempre, kahit paano nagbabasa na rin ng diyaryo ang mga anak ko at yung diyaryo nila, diyaryo yun sa bahay ng mga anak ko.

"Siyempre, doon ako unang na-offend. Kasi kung gano’n nga yung sinasabi ni Ogie, na parang wala namang problema, e, di sana hindi na siya nagpaparatang ng kung anu-ano.

"Kasi for the record, kung ako ang maglalabas ng tsismis, nangyari yung mga lumabas sa diyaryo, nangyari ’yan noong Huwebes at Biyernes.

"So, kung ako ang naglabas niyan, ipa-plugging ko na siguro sa Paparazzi ’yan ng Sabado, para Linggo may malaki kaming balita.

"Pero hindi ko ginawa kasi parang respeto ko sa Viva, respeto ko sa isa pang trabaho ko, hindi ko ilalagay sa alanganin yung isa kong project para sa isang project ko.

"Nagtaka ako na parang no’ng lumabas yung blind item, lumabas yung mga tsismis, ako yung tinuturo ni Ogie na ako na parang source.

"Although, doon sa diyaryo, sa sulat naman niya na parang ang nakalagay naman sa kanya, na parang sana hindi totoo.

"Ang sa akin, sana hindi n’yo na lang minention na ako, kung hindi ninyo iniisip na ako ’yan.

"Saka parang masyado nang lumiliko, e. May istorya pa tungkol kay Candy [Pangilinan, his ex-girlfriend]. Parang ang labo na ng ano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang sa akin kasi, kung may problema sila sa akin, puwede nila akong i-text, puwede ko silang tawagan."

Ano ba ang direktang sinasabing tsismis na natuturong siya ang naglabas?

"Ang parang inaano nila, yung lumalabas raw kay Nanay [Cristy Fermin], according raw sa source nila, na ako ang source nila.

"In fairness naman kay Nanay... dahil kung ako ang maglalabas niyan, ilalabas ko ’yan noong araw ring yun.

"Itatawag ko ’yan sa lahat ng staff, itatawag ko ’yan kina Nanay, itatawag ko ’yan kina Mo [Twister] para lumabas ’yan no’ng Linggo.

"Pero hindi lumabas ’yan pagkatapos ng concert. Ibig sabihin, ayaw ko lang kasi na madamay yung huli kong project doon sa isang project ko.

"So, parang ang masakit doon, parang pinagbibintangan nila akong parang tsismoso. Hindi ko ugali yun.

"Nakaka-offend talaga yung salitang tsismoso. Unang-una, diretso akong magsalita. Pag may gusto akong sabihin, hindi na ako magpapaliguy-ligoy."

May mga nasasabi raw sa kampo nina Ogie at Vice na ipinaglaban daw diumano ng mga ito si Direk GB para magdirek ng concert ni Vice sa Araneta Coliseum.

"Ang sa akin, kung ipinaglaban ako para dito, maraming salamat," sabi niya.

"Pero sa akin naman, unang concert niya [Vice], producer sina Joed Serrano at ako rin naman ang director doon.

"Kung sila ang nakipaglaban para sa akin, para kunin ako ni Joed uli at ng Viva na matagal ko nang pinagtatrabahuhan, e, maraming salamat.

"Pero matagal na po akong nagdidirek ng concert ng Viva, " paglilinaw niya.

"So, lahat ng mga concert performers ng Viva, dumaan na sa akin."

May mga isyung lumabas na ipinapangalandakan daw umano ng kampo ni Vice na sa kanya ang concept na lumabas sa concert niya.

Ano ang masasabi ni Direk GB dito?

"E, ang sa akin naman, pagdating diyan sa mga konsepto, kapag ang isang konsepto nanggaling sa artist at sinuggest sa akin, ina-acknowledge ko ’yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sasabihin ko, etong konseptong ito, etong part na ito ng produksyon, galing ito sa kanya.

"Pero pag galing sa akin, sana naman ibigay ang kredito sa akin dahil ako naman, nakikipagtrabaho ako bilang team at hindi bilang ako lang."

Hindi itinanggi ni Direk GB ang kumalat na isyung muntik na niyang iwan ang concert nang mag-walkout siya sa rehearsal dito.

May sinabi raw si Vice sa kanya na nakasakit ng kanyang damdamin dahilan para muntik nang iwanan niya ang rehearsal ng show at huwag nang ituloy ang pagdidirek nito.

Pero naayos naman nang lapitan niya at kausapin si Vice sa binitiwan nitong salita sa kanya at nag-sorry naman ang komedyante sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN