Cristalle and Quark Henares refuse to comment on whether their mom Dra. Vicki Belo is already married civilly to Hayden Kho

Quark Henares (in photo, with Cristalle) on Hayden Kho’s decision to sign a pre-nuptial agreement with Dra. Vicki Belo: "Ah, that’s good, that’s good! I mean, I believe him. I mean, I think, I think feeling ni Hayden, na he wants to atone for a lot of pains. And I mean, for hurting her before in the past. So, parang ito yung parang pagpapakitang-tao niya, so you know, I totally agree and I’m very happy about that."


Matapos umamin nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho Jr. na engaged na sila, hindi na tinantanan ng media ang mga anak ng cosmetic surgeon na sina Quark at Cristalle Henares.

Batid kasi ng press ang disgusto noon ng magkapatid sa mas batang kasintahan ng kanilang ina.

Kumusta ang relasyon ni Quark kay Hayden?

"Okay naman. I mean not, not bad. I’m very direct with him.

"I think that’s how he should be dealt with also," pahayag ni Quark sa taped interview sa magkapatid na ipinalabas sa Startalk TX last Saturday, July 16.

Si Cristalle, kumusta siya with Hayden?

"I’m still at a point, na you know, I’m still a bit protective of my mom. So, we’re not chummy, chummy or anything.

"Pero, when we see each other in public, ano naman may acknowledgement," sagot niya.

Sa tanong kay Quark kung "Hayden" lang ang tawag niya rito, o "Tito," ito ang natatawang sagot niya: "Baka soon enough Papa na, e!"

"Papi," ang mabilis namang reaksyon ni Cristalle sa sinabi ni Quark.

Hiningan naman ng paglilinaw si Quark tungkol sa statement umano niya na "blood will flow" kapag sinaktan muli ni Hayden ang mommy nila.

"There wil be blood. There will be blood!" ang tumatawang sinabi ni Quark.

"That was actually a statement. Yeah, that’s a figure of speech."

Kasi, hindi naman daw violent si Quark.

Bagamat matagal nang itinago sa media noon pa man, alam na ng magkapatid ang planong muling pagharap sa altar ng kanilang ina.

Ano ang masasabi ni Quark sa sinabi raw ni Hayden sa isang interview na siya pa raw ang humihingi ng pre-nuptial agreement kay Dra. Belo?

"Ah, that’s good, that’s good! I mean, I believe him. I mean, I think, I think feeling ni Hayden na he wants to atone for a lot of pains.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I mean, for hurting her before in the past. So, parang ito yung parang pagpapakitang-tao niya, so you know, I totally agree and I’m very happy about that."

Eto naman ang comment ni Cristalle: "Nakikita ko naman yung effort on his part. I mean, you know, he put up a business.

"He’s trying to get his medical license back. So, nakikita ko naman na he’s improving for the better."

Samantala, tumanggi ang magkapatid na mag-comment sa tsismis na civilly married na sina Vicki at Hayden. Ang mahalaga anila ay masaya ngayon ang kanilang ina.

"That’s right. That’s right. Definitely she deserves to be loved. I mean you know, she’s such a princess. She’s been good," sabi ni Cristalle.

"You know, whereas before na very vocal kami about, you know, about being against it.

"Now, it’s more like you know, ’Mommy we love you and we support you. As long as it makes you happy,’" dagdag pa ng dalaga ni Dra. Belo.

Ano naman kaya ang message ni Quark for Hayden?

"Peace na tayo," sagot naman ng bunso ni Dra. Belo, na incidentally ay busy sa kanyang Cinemalaya Film Festival entry as director ng Rakenrol.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN