Ruffa Gutierrez anticipates "incoming storm" with estranged husband Yilmaz Bektas

"I knew that this will gonna happen one day and I just have to face everything that comes. And I know naman that the truth will set me free and with God, nothing is impossible," says Ruffa Gutierrez.


It’s obvious that something’s really bothering Ruffa Gutierrez.

Ito ang kaagad na napansin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya bago pa man umere ang showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi kahapon, July 17.

Ang ganda niya with her makeup and nice outfit that afternoon. But looking into her eyes, mararamdaman ang pangamba sa panibagong usapin sa kanila ng estranged husband niyang si Yilmaz Bektas.

At nang sumalang na siya sa segment na "Presscon Xpress," kaagad-agad ay isiniwalat ni Ruffa ang kanyang saloobin.

"Around last week, I received a really long email from Yilmaz. And sa sobrang haba, nakaka-shock ’yong mga content.

"I told my mom and dad [Annabelle Rama and Eddie Gutierrez] to keep quiet.

"And hindi ko na sinagot ang email niya. But I sent it over to my attorney para at least may kopya sila.

"Hindi ko na pinansin ’yon. I just went on with my day...with my evening.

"And about two... three days ago, I got a phone call from Tito Ricky Lo and sinabi niya na si Yilmaz daw was trying to get in touch with him. He received an email from Yilmaz.

"And he [Yilmaz] is trying to contact GMA News.

"So, siyempre, na-stress ako and I called Tito Ricky Lo right away. Binasa sa akin ni Tito Ricky ’yong laman ng email.

"And sinabi sa kanya ni Yilmaz that, ’There are 10 points that I wanna clarify with you, let me know if you’d like to talk to me kasi marami akong sasabihin sa ’yo.’

"So, ’yon. I was just really devastated. And gusto ni Yilmaz sa kanya ’yong custody ng dalawang bata [Venice and Lorin]."

CUSTODY BATTLE. Nagtataka raw si Ruffa kung bakit biglang gano’n ang gustong mangyari ng kanyang estranged husband, the fact na before ay may lumabas nang desisyon ang korte hinggil sa usaping ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ruffa has "full custody" of the children and Yilmaz has "visitation rights" here in the Philippines.

Ayon sa TV host-actress, "You know, it’s been four years since naghiwalay kami, since I came back in the Philippines to start a new life.

"And since then, ako ang sumusuporta sa mga bata. Alam ng mga tao ’yan," bulalas ni Ruffa, na hindi na napigilang maiyak.

"For one year, humihingi ako ng tulong sa kanya. Hindi dahil kailangan ko ’yong pera niya. Pero dahil tatay siya ng mga anak ko and it’s his responsibility to at least pay for the school.

"Hindi na sa akin. Dahil maraming salamat at maraming kumukuha sa akin para makapagtrabaho ako. So that I can send my kids to international school.

"He said in the email na... marami siyang kasiraan sa akin. Inuubos ko raw ’yong pera ng mga bata.

"First of all, hindi naman sila nagtatrabaho. Akala niya siguro, tuwing may pictorial sa mga magazines, milyon-milyon ang ibinabayad sa mga bata, e, libre lang naman ’yon, di ba? And marami siyang mga sinasabi.

"So, tinawagan ko siya at sinabi ko, ’You know, Yilmaz, please stop this. Kung meron tayong dapat pag-usapan, let’s just talk about it between us. Bakit kailangang umabot pa kay Ricky Lo, umabot pa sa mga news?’

"My kids are six and seven years old already. Hindi na katulad ng dati na puwede tayong mag-away sa TV dahil mga bata pa sila noon.

"And I even regret that. Because one day, mababasa nila ’yon sa Internet.

"But now they go to school. They can read.

"And ipinakausap ko ’yong mga bata kay Yilmaz. Nag-calm down siya. Sabi niya, ’Okay.’

"Basta we were trying to come up with an agreement. Na we can meet halfway. Na maging masaya siya at maging masaya rin ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT IN TURKEY. Payag daw si Ruffa na makasama ni Yilmaz ang mga anak nila kahit saan, huwag lang sa Istanbul.

Aniya, "Ang gusto kasi ni Yilmaz, ipadala ko ang mga bata sa Istanbul.

"Sana kung normal siyang tao... Hindi ko sinasabing abnormal siya.

"Pero sana kung may trust ako sa kanya... Ang dami namang divorced families na... Every summer puwede mong ipahiram ang mga bata sa kanya. Pag winter sa akin naman.

"Wala namang problema. We can come up with a solution.

"Pero in four years, lahat naman ng promise niya, hindi naman niya tinutupad.

"Every time sinasabi niya pupunta siya rito. Ang mga bata naghahanda. Umiiyak. Kasi siyempre, nami-miss siya.

"And for me, I think, you know... I would like to believe I raised my kids well.

"Mahal na mahal siya ng dalawang bata. Mahal na mahal nila ’yong tatay nila.

"And siguro sa sobrang pagmamahal nga nila, I have to tell them the truth.

"Dahil baka mamaya, ako ang sisihin nila one day kung bakit ayaw ko silang ipadala sa Istanbul.

"Siyempre, bilang nanay, natatakot naman ako.

"Sabi ni Yilmaz, ’I won’t do anything to you.’ Hindi mo puwedeng maialis sa akin ang matakot.

"Sabi ko, ’Anytime you wanna come to the Philippines, please come. You can stay here six months if you want. ’Kung gusto mo sa Amerika, okey lang din. Please, huwag lang naman sa Turkey.’"

Bakit nga ba gano’n si Yilmaz? May panahong mabait ito sa kanya, meron ding time na hindi, gaya nga lately.

"’Yon din ang hindi ko masagot," sabi ni Ruffa.

"I just wish and pray all the time na sana magkaroon kami ng magandang usapan ni Yilmaz. Kahit na bilang magkaibigan na lang para sa mga anak ko.

"Kasi ayoko namang lumaki sina Lorin at Venice hating their father."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INCOMING STORM. Isang parating na matinding bagyo para kay Ruffa ang kasalukuyang nangyayaring problema at usapin sa pagitan nila ni Yilmaz.

Paano niya hinaharap ito? And what are her plans?

"Siyempre may mga days na malungkot ako. Hindi naman lagi na masaya ako and bubbly.

"Siyempre, all independent... self-sufficient women, they still go through a phase.

"I’m just so happy na nandiyan ang mga friends ko, ang pamilya ko, most of all, nandiyan pa rin ang mga nagtitiwala sa akin para bigyan ako ng trabaho.

"I look at my job now as a career. Not only because I love what I’m doing but because also I have to support Lorin and Venice.

"And, you know, I really love what my mom told me the other day. Umiyak ako sa kanila ng daddy ko. Siyempre ang daddy ko, nasaktan.

"Sabi ni Mommy, ’Huwag mo na siyang siraan, Ruffa. Huwag ka nang magsalita ng masasakit laban kay Yilmaz. Kasi si Lorin at si Venice, mahal na mahal nila si Yilmaz.’

"So, I would just like to try to move forward with grace. And huwag ko na siyang siraan.

"Tuwing nagti-text sa akin si Yilmaz, na minsan hindi ko na nga pinapansin, especially kung masasama, kasi I don’t want it to ruin my day.

"For four years... naiintindihan ko naman ’yong family niya.

"Hindi naman maiiwasan, siyempre I’m in show business. As much as I would like to keep my life quiet, you know, I have to move on with my life.

"Especially, kahit na nandiyan pa rin ang takot niya sa akin, feeling ko, wala naman akong ginagawang masama.

"Hiwalay na kami. I’m just waiting for the annulment.

"And my mom and dad said na anytime Yilmaz would like to visit the kids, he’s free to come here.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon, if the kids wanna go to Istanbul, kapag malalaki na sila, they can go ahead and do whatever they want kasi adult na sila.

"But right now, I have a responsibility to protect them," saad niya.

Ayon pa kay Ruffa, pupunta raw sa Pilipinas ang kapatid na babae ni Ylmaz para kunin ang mga bata.

"Sinabi nga niya na ’yong kapatid niya pupunta rito next week.

"Hindi ko ikinuwento sa mga bata ’yong mga ganitong bagay dahil para sa akin, hindi na nila kailangang malaman ang mga ganito.

"But, I mean, para sa akin kasi, I don’t feel this is the right time for the kids para ipaalam sa kanila ang nangyayari.

"Well, my lawyers know everything that’s happening. Para lang maging klaro.

"And I’m happy na nag-usap kami ni Ylmaz the other day. And I was able to calm him down. And nag-usap sila ng mga bata after a long, long time.

"And he gave a short interview kay Tito Ricky Lo, so sana hanggang do’n na lang ’yon," sabi pa ni Ruffa at the end of her live interview.

MUTUAL DECISION. After the show, nilapitan ng PEP si Ruffa para sa ilan pang mga katanungan.

Gaya halimbawa ng tungkol sa diumano’y "two million dollars" na inialok sa kanya ni Yilmaz para sa isang linggo na pagkakataong makasama ang mga bata.

Ani Ruffa, "Ngayon napatunayan na hindi ako mukhang pera dahil hindi ko tinanggap ’yong offer niya.

"Para sa akin, no amount of money can be given to me. Kailangang nasa maayos tayo.

"I work. I make my own living.

"If he wants to visit the kids, he can come here."

Basta hindi puwede sa ibang lugar? Dito sa Pilipinas lang hangga’t maaari?

"Puwede naming pag-usapan ’yon. I mean, sinabi ko naman kay Yilmaz that we have to come with the decision.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman puwedeng gusto niya na next week, ipadala ko na. At kung ayaw kong ipadala ’yong mga bata, manggugulo siya. Di ba?

"So, kailangan naman, meron kaming desisyon pareho with the court and everything. Para maging safe naman kami.

"And you can’t blame me naman for being nervous," saad niya.

Bakit nga ba hindi niya ipinahiram ang mga bata na makasama ni Yilmaz sa States for one week? Natakot siya?

"Hindi naman sa natakot. I just think if he’s serious, then, you know, invite me properly.

"Kailangan sigurong makausap ko ’yong korte about that... Lahat naman nadadaan sa maayos na usapan.

"Nagulat lang talaga ako na biglang tumatawag siya sa press at nagpa-interview. Puwede naman niya akong kausapin."

FINANCIAL SUIPPORT. Sinabi rin ni Ylmaz na nagbibigay naman daw siya ng financial support sa kanilang dalawang anak. Si Ruffa lang daw ang tumatanggi.

Bakit nga ba siya tumatanggi?

"E, kasi ang gusto niya, ipadala ko ang mga bata sa Istanbul. And then he will give me millions.

"Sabi ko, ’Ano ito?’ Parang exchange deal, di ba?

"Kapag dumating siya, haharapin naman natin. Iwi-welcome natin siya dito sa Pilipinas.

"At kakausapin natin siya with my lawyers."

Kapag nag-usap ba sila ng kapatid ni Yilmaz na parating dito sa Pilipinas, isasama ba niya ang mga bata o sila munang dalawa?

"Hindi ko pa masasagot ’yan. I don’t know," sabi ni Ruffa.

BECAUSE OF JEALOUSY? Sa palagay ba niya, puwedeng selos din ang dahilan kung bakit gano’n si Ylmaz ngayon? Dahil nababalitang may boyfriend ngayon si Ruffa na nagngangalang Eduardo Puertas?

"Kaya nga siguro next time, I’ll try to be more quiet," sabi ni Ruffa.

Pero hindi ba may ibang girls ding napapabalitang karelasyon ni Yilmaz? Ang pinakahuli ngang naugnay sa kanya ay ang former Miss Universe na si Zuleyka Rivera, na napabalita pa ngang pakakasalan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo nga, e. Ipagdasal na lang natin na na matigil na ’yong ganito," sabi ni Ruffa.

"At saka, wala naman akong sinasabi na may boyfriend na ako. Ang sinasabi ko lang, meron akong mga suitors.

"And hindi naman maiiwasan na may mga magpalipad-hangin."

Muli, idiniin ni Ruffa na she’s thankful na laging nandiyan ang kanyang buong pamilya para sa kanya.

"Of course, they’re behind me one hundred percent. They’re supporting me.

"And sabi lang ni Mommy, ’Ingatan mo lang ang pagsasalita mo.’

"She’s more actually worried with the kids than with me. Kasi alam niyang I can handle any battle in my life.

"I knew that this will gonna happen one day and I just have to face everything that comes.

"And I know naman that the truth will set me free and with God, nothing is impossible."

Plano ba niyang mag-hire ng bodyguard dahil sa nangyayari sa kanila ni Yilmaz ngayon?

"Siyempre, hindi ko naman ikukuwento sa ’yo ang mga plano ko, di ba?" medyo natawang sabi ni Ruffa.

"Basta I’ll talk to my lawyers regarding that."

Paano na ’yong nakaplanong trip nila sana ng mga anak niya sa Amerika?

"Hindi ko pa puwedeng sagutin ’yan. Kasi medyo delikado pa ngayon."

Sinabi niyang nagkausap nga sila nang maayos ni Yilmaz recently. Paano sila nag-usap?

"Okey naman, naging maayos naman ’yong paghihiwalay namin sa telepono. Ang sinabi niya, ’Good luck, God bless’.

"Alam mo si Yilmaz naman, kapag kausap mo, pag mabait, sobrang bait. Kapag medyo may sumpong, nakakatakot talaga.

"Hindi ko alam kung bakit siya gano’n," saad ni Ruffa.

May mga nagpaparating kaya kay Yilmaz ng mga bagay-bagay tungkol sa kanya?

"I’m sure," sagot niya.

"Di ba nga? Sini-search-search daw niya ako sa Yahoo atsaka sa Google!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN