Ynez Veneracion remains friends with Gov. Esmael Mangudadatu after their breakup

"Ang gusto niya, sa bahay lang ako, ibibigay niya lahat ng kailangan ko. Pero hindi iyon ang buhay na gusto ko. Ayaw din niyang ituloy ko ang pag-aartista ko, ayaw din niyang magsuot ako ng seksing damit. Hindi naman pera lang ang magpapasaya sa tao, hindi puwedeng parang nasa isang box lang ako," says Ynez Veneracion about Gov. Esmael Mangudadatu’s terms.


Ayon kay Ynez Veneracion, two months na raw silang walang relasyon ni Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu, pero nananatili pa daw rin silang magkaibigan

Sa katunayan, dumaan pa si Gov. Mangudadatu sa taping nila ng Munting Heredera sa dating bahay ng LVN matriarch na si Doña Narcisa de Leon sa New Manila, Quezon City noong Biyernes, July 15.

Nasa Manila ang governor para sa hearing ng Maguindanao Massacre.

Paano ba sila nagkakilala ni Gov. Mangudadatu?

"Ipinangampanya ko siya noong 2010 elections," banggit ni Ynez sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Dahil malayo at sunud-sunod ang kampanya, doon na ako nag-stay.

"Two weeks pa lang ako doon, nanligaw na siya, sinagot ko siya noong June 2010.

"Pero hindi ko kaya yung gusto niya na doon na ako tumira sa Davao. Gusto niya akong magpa-convert sa Islam.

"Nag-offer siya ng kasal at ang alam ko, wala naman siyang ibang asawa kundi ’yong napatay noon sa Maguindanao massacre.

"Walo ang anak nila. Mabait siya, responsible father. Naging close din naman ako sa mga anak niya.

"Pero ang gusto niya, sa bahay lang ako, ibibigay niya lahat ng kailangan ko. Pero hindi iyon ang buhay na gusto ko.

"Ayaw din niyang ituloy ko ang pag-aartista ko, ayaw din niyang magsuot ako ng seksing damit.

"Hindi naman pera lang ang magpapasaya sa tao, hindi puwedeng parang nasa isang box lang ako.

"Kung gusto ko ng pera, puwede naman akong magtrabaho."

Iyon ba ang reason kung bakit sila nag-break?

"Hindi lang ’yon. Time management din," sagot niya.

"Nasa Manila ako, nasa Maguindanao siya. Once a month lang kami nagkikita.

"Kaya nang papiliin niya ako, sabi ko, maging friends na lang kami.

"Kaya naman hanggang ngayon, kapag nasa Manila siya, hindi siya nakakalimot na dumalaw.

"Tulad ngayon, dahil may taping ako, nagpaalam siya kung puwede siyang dumaan kasi pabalik na sila ng Maguindanao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bakit siya nagkaila noon sa tunay nilang relasyon ni Gov. Mangudadatu?

"Sorry po kung hindi ako nagsalita noon for security reasons," sagot ng aktres.

MON CONFIADO. Kumusta naman sila ng dati niyang boyfriend na si Mon Confiado?

"Friends pa rin kami ni Mon at eleven years na kami... lagi pa rin kaming nag-uusap.

"Hindi ko pa rin naman isinasara kung anuman ang relasyon namin, pero hindi ko lang alam kung saan mapupunta," saad ni Ynez.

MUNTING HEREDERA. Matagal ding walang ginawang show o pelikula si Ynez. Bakit tinanggap niya ang Munting Heredera, kunsaan mayroon na siyang teenager na anak, na ginagampanan ni Joyce Ching?

"Okey lang si Joyce na anak na namin ni Gabby [Eigenmann]," sabi niya.

"Nagpapasalamat ako kay Direk Maryo J. de los Reyes na after three years na wala akong ginagawa, nag-offer siya sa akin na makasama sa Sisid.

"Pero hindi siya natuloy doon kaya sabi niya, isasama na lang niya ako sa Munting Heredera."

Kuwento pa niya, "Medyo humingi nga ako ng tulong sa kanya nung una kong eksena.

"Sabi ko sa kanya, para akong nanganganay. Feeling ko, namamantal ako sa nerbiyos.

"Pero sabi ni Direk Maryo, okey lang ’yon. Nakakanerbiyos talaga lalo na nang makaeksena ko si Tita Gloria [Romero], ang husay-husay niya kasi.

"After a week of taping, naka-adjust na rin ako."

Ano naman ang feeling ni Ynez sa magandang feedback ng kanilang drama series?

"Thankful ako na hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ang role, plus ang huhusay talaga ng mga kasama ko rito, lalo na ’yong tatlong bata—sina Mona Louise Rey, Kyle Ocampo, at Barbara Miguel.

"Kaya nagpapasalamat din kami sa lahat ng mga sumusubaybay sa drama series namin.

"At maganda nga ang balitang natanggap namin, extended daw kami ng five weeks kaya hanggang sa September 2011 pa kami mapapanood.

"Maraming salamat po!" sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN