Alden Richards asks Sam Pinto out on a "friendly date"

"Nagpapasalamat nga din po ako sa mga tween stars na established na, kasi kahit na bago pa lang po ako dun sa samahan, winelcome po nila ako, welcome na welcome po ako. Kahit nung storycon po, bago pa magsimula ang pelikula namin, talagang very accommodating po lahat, hindi nila ako trinatong outsider," says Alden Richards about his fellow tween stars.


Ang tween star na si Alden Richards ang guest ni John "Sweet" Lapus sa "Don’t Lie To Me" segment ng Showbiz Central kahapon, July 17.

Bago nagsimula ang kanilang tanungan ay binanggit muna ni Sweet ang impormasyon na si Alden ay nagtangka nang mag-artista dati by auditioning sa StarStruck Batch 5.

Pero hanggang sa Top 60 lamang nakaabot si Alden.

"Yung batch po nina Steven Silva at Sarah Lahbati," banggit ni Alden.

"Mataba po siguro ako nun, e," sabi niya kung bakit sa palagay niya ay hindi siya sinuwerte dati.

PRESSURE. Ang unang tanong kay Alden ay kung nape-pressure ba siya sa mga kasabayan niyang baguhan sa showbiz, tulad na lamang ng Amaya star at modelong si Mikael Daez.

"No" ang sagot ni Alden at sumang-ayon naman sa kanya ang truth verifier machine.

"Kasi ako naman po, naniniwala na lahat naman ng artista ng GMA-7, may kanya-kanya pong potensiyal.

"And I am sure naman po si Kuya Mikael naman, e... Iyon yung forte niya, magaling naman po siyang aktor, kaya po naging blockbuster rin yung movie [Temptation Island].

"Kaya para sa akin po, wala pong pressure," pahayag ng 18-year-old actor.

COMPETITION. Ang sumunod namang tanong kay Alden ay kung totoong may kumpetisyon sa kanila ng mga kapwa niya male tween stars na kasama niya sa pelikulang Tween Academy: Class of 2012 tulad nina Joshua Dionisio, Jake Vargas, Kristoffer Martin, at Derrick Monasterio.

"No" ang sagot ni Alden at truth ang naging resulta nito sa truth verifier machine.

"Wala po, wala po," sabi niya.

"Nagpapasalamat nga din po ako sa mga tween stars na established na, kasi kahit na bago pa lang po ako dun sa samahan, winelcome po nila ako, welcome na welcome po ako.

"Kahit nung storycon po, bago pa magsimula ang pelikula namin, talagang very accommodating po lahat, hindi nila ako trinatong outsider.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Halos lahat po maganda ang pagtanggap sa akin, ang JoshBie [Barbie Forteza], JaBea [Binene], Derrick-Lexi [Fernandez], Kris-Joyce Ching."

Kahit daw ang fans ng ibang tween stars ay mabait sa kanya, wala raw iringan sa pagitan ng fans ng tween stars.

Ang pelikula nila ay ipalalabas na sa August 24, mula sa GMA Films, sa direksiyon ni Mark Reyes.

SAM PINTO. Ang pangatlong tanong kay Alden ay nagmula sa ka-loveteam niyang si Louise delos Reyes.

Totoo ba na kahit wala na siyang eksena at pack-up na ang shooting niya ay tumatambay pa rin siya sa set para bantayan si Sam Pinto na nasa cast rin ng pelikula bilang isang teacher?

"No" ang isinagot ni Alden at "Lie" ang naging resulta nito.

"Aminado naman po ako na crush ko si Ms. Sam Pinto," sabi ni Alden nang hingan siya ng paliwanag ni Sweet.

"Pero tungkol dun sa tumatambay ako sa set para bantayan siya, nangyari po ’yon sa isang location namin sa Quezon City.

"Maaga lang po natapos ang eksena namin ni Louise, nag-decide lang po ako na mag-stay."

Nagkataong si Sam lang daw ang kinukunan during that time.

Given a chance, ikatutuwa raw ni Alden na makasama on a friendly date si Sam.

"Sana po..."

At sa pambubuyo ni Sweet, on national television ay inanyayahan ni Alden si Sam na mag-date.

"Ms. Sam Pinto, I hope you don’t mind po if I ask you out on a friendly date," ang hiyang-hiya at kinikilig na sinabi ni Alden.

Isa rin daw si Alden sa mga bumoto kay Sam sa FHM Sexiest Woman poll na kung saan nag-number one ang sexy actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN