Rufa Mae Quinto wants to date Richard Gutierrez, given the chance

"Maganda ang car. Na parang I wanna ride sa wheels niya, di ba? Mahal yung mga relo niya. Gamit niya," says Rufa Mae Quinto on why she chose Richard Gutierrez.


Si Nomer Lasala ang huli bilang guest mentalist sa segment na "Celebrity Secrets Interpreted" ng Showbiz Central noong Linggo, July 17.

Special guest niya ang isa sa female hosts ng Showbiz Central na si Rufa Mae Quinto.

Unang itinanong ng host ng naturang segment na si Pia Guanio kay Rufa Mae kung ano ang pinakamahal na regalong kanyang natanggap sa buong buhay niya.

"Diamond" ring ang isinulat ni Nomer sa kanyang white cartolina, at ito rin ang isinagot ni Rufa Mae.

Ayon kay Rufa Mae, nasa two to three karats daw ang naturang diamond ring at nasa vault daw ng isang bangko ngayon nakatago.

Ang nasabing singsing ay engagement ring na bigay raw sa kanya ni Mr. M, ang misteryosong ex-boyfriend ni Rufa Mae.

Itinanong ni Pia kung may pag-asa pang matuloy ang kanilang engagement.

"Hindi ko pa naisip. Ngayon ko lang kasi naisip dahil yung tanong nga sa kung ano ang mahal [na regalo].

"Kung may chance pa? Ewan ko. Parang waley! Habang may buhay may chance, di ba?" sagot ng aktres.

Ang sumunod na tanong kay Rufa Mae ay kung sinong aktor ang gusto niyang maka-date, given a chance.

Tinitigan ni Nomer ang sexy actress at sinabing, "Ang dami niyan, please narrow down to one. Isa lang."

Sumagot naman ang comedienne.

"Wala talaga akong gustong maka-date. Pero mero’n akong gustong isipin na... Kapuso."

"Richard G." ang isinulat ni Nomer sa cartolina, at "Richard Gutierrez" ang isinagot ni Rufa Mae.

"E, kasi dito sa Channel 7, sa Kapuso, parang siya yung pinaka-heartthrob natin, di ba?

"Na maganda ang car. Na parang I wanna ride sa wheels niya, di ba? Mahal yung mga relo niya. Gamit niya.

"Pero kaibigan ko si Chard. Kumbaga, ano lang naman, yung tanong nag-isip lang ako. Pero wala namang malisya.

"Kung ano yung mga choices, sa tingin ko siya yung pinakapuwede."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang third and last question kay Rufa Mae ay tungkol kay Mr. M na sumikat dahil sa paggamit ni Rufa Mae ng initial nito.

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakakakilala sa tunay nitong pagkatao. Hindi pa raw handa si Rufa Mae na i-reveal ang pagkatao ni Mr. M kaya tinanong na lang siya kung ano ang masasabi niyang best physical feature ng mystery ex-boyfriend niya.

Since visual ang sagot, hiniling na i-drawing ni Rufa Mae ang kanyang sagot.

Bago ito ay hiniling ni Nomer na idikit ni Rufa Mae ang daliri niya sa noo ng mentalist.

Naramdaman daw ni Rufa Mae na may tila kuryente, o static na nanggagaling sa katawan ng mentalist.

Sabay at magkatalikod na nag-drawing sina Nomer at Rufa Mae. Parehong mata ang kanilang iginuhit.

Nangangahulugang ang mga mata ni Mr. M ang pinakagusto ni Rufa Mae at nakabighani sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN