PART 2: Amanda Coling admits plan to sue, but answers, "Hindi ako lawyer, so pag-uusapan pa lang namin ’yan..." when asked what type of complaint

When asked how she feels about her involvement in this controversy, Amanda Coling answered, "Everything has its ups and down."


Marami ang kumukuwestiyon sa pagpapa-interbyu ni Amanda Coling, ang modelong sangkot sa Azkals controversy, gayong puro "no comment" naman ang isinagot nito.

Sa halip na maging malinaw ang isyu, mas naging palaisipan sa lahat kung may panggagahasa bang nangyari o wala?

"Because hindi naman ako stupid," ang sagot niya sa one-on-one interview niya with PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng live guesting niya sa Paparazzi noong July 17.

Dugtong niya, "I don’t wanna say anything libelous. And dapat before agreeing to come here [Paparazzi] nag-decide na ako, na you know, to give some of what I know.

"But then, prior in coming here, binasa ko na yung Article 353 under the Revised Penal Code of the Philippines."

(The article listed the following as elements of libel: "(a) imputation of a discreditable act or condition to another; (b) publication of the imputation; (c) identity of the person defamed; and, (d) existence of malice.")

Dugtong ni Amanda, "So, like one of it, identity of the defamed. Pagka what you say is calculated to, di ba?

"Everything you say, kahit hindi directly, if it’s calculated to malign someone, libelous din yun."

May plano ba siyang idaan ito sa legal na proseso?

"Yeah, I actually hired a lawyer," saad niya.

"He’s Atty. Paul Sangalang. I’m not paying him, ha? Wala akong pambayad sa kanya.

"He’s been through it with me all along. And he’s just on an honor pre-scheduled vacation now. He’s coming back tomorrow [July 18]."

Ano bang kaso ang puwede niyang isampa?

"A, hindi ako lawyer, so pag-uusapan pa lang namin ’yan. May naiisip na siya [lawyer], pero hindi pa talaga final."

Malakas ang puwersa ng Azkals. Marami ang handang sumuporta sa kanila kung sakaling matuloy ang laban na ito ni Amanda. Hindi kaya sa gitna ng kanyang laban ay itigil niya ang kanyang mga plano?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, basta, sa palagay ko hindi naman ako pababayaan ng Diyos. Kung anuman ang mangyari diyan, I trust in karma, in God, and in the universe."

May mga tumutulong na ba sa kanyang cause-oriented women’s group gaya ng Gabriela?

"A, from Gabriela wala pa. Pero I spoke with Gabriela na more than a month ago na... Yes, I’m open to that."

SHOWBIZ PLANS? Inamin ni Amanda na noon pa niya balak mag-showbiz.

"Model ako, di ba? So, it would hypocritical to say na wala," ang sabi niya.

"Kasi ever since na bata ako, may aspiration na ako to get into showbiz.

"Pero, I never wished na yung entry ko is something like this, na alam ko yun, na papasok sa ganitong controversies."

WHO IS AMANDA COLING? Mula sa umpisa ng interview at sa katapusan, kapansin-pansin ang pag-i-Ingles ni Amanda. Dahil dito, inusisa ng PEP ang kanyang background.

"I went to UP [University of the Philippines] Diliman. I was under the Department of Science and Technology scholarship. I took up Applied Physics," panimula niya.

Dagdag pa ng modelo, "Hindi mayaman ang family ko, and I grew up without a dad. And I’m so strong. I know how to take care of me and I know how to protect me."

Natapos ba niya ang kursong pinag-aralan?

"No, I haven’t. Third [year level] lang," sagot ni Amanda.

"I was working and studying and sobrang hirap. And I had scholarship. Sobrang hirap no’ng physics."

Paano siya napasok sa modeling?

"Tiga-Makati ako. If you live in Makati and you go out a lot, it’s so easy to be a part, or to model. Marami rin naman diyang modelo din."

Nag-aral siya sa UP at sinasabi niyang matapang siya. Ibig bang sabihin nito ay hindi siya basta-basta uurong sa kanyang laban?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Matapang din talaga ako," sabi niya habang pinipili ang susunod na sasabihin.

"And at the same time, understanding din ako and forgiving. So, yun..." pagwawakas niya.

Sa ngayon, abala ang mga sangkot na miyembro ng Azkals—na sina Simon Greatwich, Anton del Rosario, Jason Sabio, at Neil Etheridge—sa pagte-train para sa napipintong labang ng team sa Kuwait.

Bukas ang PEP.ph sa anumang paglilinaw o pahayag ng Azkals kaugnay sa mga sinabi ni Amanda Coling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN