Nora Aunor’s reported return on July 21 is false alarm, according to Kuya Germs

It was reported that Nora Aunor will arrive on July 21, but the Superstar herself denied the report through a text message she sent to a confidante and was announced by German "Kuya Germs" on his radio program yesterday.


Taliwas sa kumalat na balita, hindi raw tuloy ang uwi ni Nora Aunor sa Huwebes, July 21.

Ito ang naging pahayag ng malapit na kaibigan ni Nora na si German "Kuya Germs" Moreno sa kanyang radio program sa dzBB na Walang Siesta kahapon, July 18.

"Inuulit ko, isang text ang ipinadala ni Ate Guy kay Albert Sunga na naglalaman na hindi siya matutuloy ng July 21, Thursday," anunsiyo ni Kuya Germs.

Si Albert Sunga ay malapit ding kaibigan ng Superstar at tumatayong spokesperson nito.

Ayon kay Kuya Germs, nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), may nauna raw natanguan na event si Nora sa Amerika kaya naman daw naantala ang kanyang pag-uwi.

Sabi ni Kuya Germs, "Ang alam ko rin kasi, July 21 ang talagang uwi ni Ate Guy nung last na nakausap siya. Pero ayoko ngang ianunsiyo dito sa radio program ko, kasi baka hindi na naman siya matuloy.

"Mas maganda kasi na makikita mo na siya in flesh, yung harap-harapan, para masabi mo na nandito na nga siya talaga sa Pilipinas.

"Mahirap kasi na mag-announce na darating na siya, katulad ng mga naunang sinasabi ko na darating na si Ate Guy, pero hindi naman pala.

"Mahirap kasi pangunahan, na kesyo sure na tuloy na tuloy nang uuwi si Guy, pero ang ending, hindi pala.

"Katulad ng nangyari ngayon, hindi na naman siya tuloy sa pag-uwi."

Dagdag pa ni Kuya Germs, "Sino ba naman kasi na ayaw na makauwi na ng Pilipinas si Ate Guy?

"Marami na rin ang nami-miss siyang nakikitang umaarte, lalo na ang kanyang solid Noranians.

"Pero katulad ng sabi, hangga’t hindi mo siya nakikita nang harap-harapan, as in sa harap mo mismo, doon mo puwedeng sabihing nasa Pilipinas na nga siya."

Sabi ni Kuya Germs, baka first week na ng August makabalik ng Pilipinas si Nora.

"Pero wala pang kasiguraduhan yun, mas magandang hintayin na lang natin yung sinabi niyang date kung darating talaga siya," diin ng Master Showman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, ang unang apektado sa balitang hindi na naman matutuloy sa pag-uwi si Ate Guy ay ang kanyang loyal fans.

"Kasi marami na silang binabalak gawin, yung iba nga humihingi na raw sa airport ng VIP pass para masundo si Ate Guy sa kanyang pagdating.

"Kaya nga nang makarating sa akin yung text ni Ate Guy na hindi siya matutuloy ng uwi, in-announce ko agad sa radio program para malaman ng lahat."

Ang nakatakdang pagbabalik ni Nora sa Pilipinas ay kaugnay ng napabalitang pelikula na gagawin niya, ang El Presidente, kung saan gaganap daw siya bilang si Maria Agoncillo, ang ikalawang asawa ng bayani at unang Pangulo ng Pilipinas na si Emilio Aguinaldo.

Si Laguna governor ER Ejercito ang gaganap bilang Aguinaldo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN