Mark Anthony Fernanadez feels fulfilled even without acting awards; admits he still misses his late father Rudy Fernandez

Though his father passed away three years ago at the age of 56 due to cancer, Mark Anthony Fernnadez admits he still misses him. Yet he said, "Para sa akin, lagi lang siya nandyan."


Halatang masayang-masaya si Mark Anthony Fernandez sa magandang takbo ng kanyang primetime show sa GMA-7, ang Munting Heredera.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Mark sa kanilang set sa lumang bahay ng LVN matriarch na si Doña Narcisa de Leon sa New Manila, Quezon City, noong July 15.

Dito, sinabi ni Mark na kumportable siya sa kanyang mga nakakatrabaho, lalo na sa tatlong child actresses na sina Mona Louise Rey, Kyle Danielle Ocampo, Barbara Miguel; at sa kanyang leading lady na si Camille Prats.

"Yung tatlong bata, talagang mababait sila. Tapos parang naging friends na din kami, so nakakatuwa naman.

"Kaya pagdating sa eksena, parang mas madali yung mga scenes namin dahil meron na kaming rapport.

"Si Camille, way back then nakapagtrabaho na kami, yung time na nag-guest ako sa Okie Doki Dok!

"Siguro mga tatlong beses ’ata yun, tapos acquaintance din kami talaga," kuwento ni Mark.

MUNTING HEREDERA. Mai-extend pa ng limang linggo ang naturang palabas. Ito daw ay dahil sa magagandang feedback na nakukuha ng show mula sa mga tao.

Ano naman ang reaksyon ni Mark tungkol dito?

"Nakakatuwa nga, e!" bulalas niya.

"Parang yung mga tao, masyado nilang na-appreciate yung Munting Heredera, unexpectedly.

"So, talagang nakaka-surprise, nakakataba talaga ng puso."

Pero giit niya, utang daw nila ang magandang feedback na ito mula sa mga writer at direktor ng show.

Aniya, "Kailangan kong batiin yung mga writers namin, dahil kung hindi dahil sa kanila, hindi magiging ganito kaganda yung show, napakagaling nila.

"At siyempre si Maryo J. [de los Reyes], hindi masasadula [yung show] kung wala siya."

Dagdag pa ni Mark, nakakatulong din daw ang good working relationship nila sa kanilang direktor.

"Maganda kasi yung working relationship namin," saad niya.

"Tapos I try to make it a point na hindi ako mapahiya sa kanya, so buti na lang nagpe-pay off."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya naman daw ngayon na malapit na ang pagtatapos ng show, siguradong mami-miss niya ang kanyang mga kasamahan dito.

"Sigurado mami-miss ko ’to," sambit niya.

"Kasi si Tita Glo [Gloria Romero], ang sarap katrabaho ni Tita Glo, sarap niya makita, ’tsaka yung tatlong bata if ever."

ON MOVIES. Matatandaang noong isang taon ay meron sanang gagawing pelikula si Mark katambal ang kanyang ex-girlfriend na si Claudine Barretto.

Pero may mga usap-usapan na kaya raw hindi natuloy ang pelikula ay dahil hindi sumipot si Mark sa production meeting nito.

Ngunit ayon sa pahayag ni Claudine sa "Chika Minute" segment ng 24 Oras noong August 8, 2010, sinabi nitong nagkausap na sila ni Mark, at naayos na nila ang problema.

Pero ano nga ba ang totoong dahilan ng pagkaantala ng paggawa sa nasabing pelikula?

"I think ano, nagkaroon [kami] ng sariling show.

"Tapos yung show ng kasamahan ko, nanganak pa ng isang show, dahil parang okay naman yung chemistry and all.

"So, no time for movie, hindi talaga puwedeng pagsabayin, kaya ganun.

"So siguro after this project, basta malibre lang.

"Basta kailangan hindi puwede sabay," saad niya.

Noon pa man daw ay ayaw na ni Mark na nagsasabay-sabay ang kanyang mga proyekto. Hindi naman daw ito dahil maselan siya, kundi dahil sa health concerns niya.

"Para sa sarili ko lang yun," paglilinaw niya.

"Talagang hindi kaya, hindi na din ako masyadong bata, so hindi rin talaga kaya yung stress.

"Baka himatayin ako or anything, so natatakot ako sa health factor.

"’Tsaka sana ayaw ko din mag-suffer ang kahit anong project. Kailangan one hundred percent kada eksena."

Pero this year, may napag-uusapan na raw sila ng kanyang manager na si Dondon Monteverde na pelikulang gagawin niya.

Ganunpaman, mas gusto muna raw niyang mag-focus sa kanyang current project, bago siya tumanggap ng ibang project.

"Depende, kung matutuloy, meron kaming pinag-uusap-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ang priority talaga namin is this show talaga.

"Pero sa akin talaga, ang importante sa akin ngayon yung show [Munting Heredera].

"Kasi dito lang din ako gumaling.

"Kumbaga, one hundred percent, naniniwala ako as an actor, na talagang gusto kong alagaan [itong show]."

Ngunit kahit na matagal na sa showbiz, hindi pa nakakuha ng acting award si Mark.

Pero kung siya daw ang tatanungin, wala man siyang awards, kakaibang fulfillment daw ang nararamdaman niya sa lagay ng kanyang career ngayon.

"Talking about fulfillments, never pa kong nananalo ng awards, kaya hindi ko alam yung true meaning of fulfillment," pahayag ng aktor.

"Pero yung sa personal speaking ko lang, oo, I find myself smiling a little more kapag inaalala ko yung mga trabahong ginawa ko, kaysa sa pelikula nung araw.

"So, mas naka-catch ko yung sarili ko na naka-smile pag naglu-look back."

ON HIS FAMILY. Nang mapag-usapan na ang kanyang pamilya, hindi maitago ni Mark ang pagiging proud kuya niya.

Pareho kasing nakapagtapos ang dalawa niyang kapatid sa ama na si Rap at Renz Fernandez.

Si Rap ay nakapagtapos ng kursong Filmmaking, samantalang kursong Philosophy naman ang natapos ni Renz.

At kailan lang, pinasok na rin ng kanyang mga kapatid ang mundo ng showbiz nang pumirma sila ng kontrata sa ABS-CBN.

Bagamat may alam sa pagdi-direct, ginawang stepping stone ni Rap sa showbiz ang pag-aartista. Naging kontrabida siya sa weekly action series na Buhawi Jack (2011), na pinagbidahan nina Gerald Anderson at Jewel Mische. (CLICK HERE for related article)

Samantala, matapos tuparin ang pangako sa ama na makapagtapos ng pag-aaral, sinubukan kaagad ni Renz ang mundo ng showbiz. Naging leading man siya ni Kim Chiu sa last episode ng Your Song Presents: Kim (2011). (CLICK HERE for related article)

Ngunit gaano man kasaya ngayon si Mark, hindi maikakaila na sa tuwing mapag-uusapan ang kanyang yumaong ama na si Rudy Fernandez, mababakas pa rin sa kanyang mukha ang kalungkutan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naibahagi kasi noon ng stepmother ni Mark na si Lorna Tolentino sa ilang miyembro ng press, na hanggang ngayon ay nami-miss pa rin ng aktor ang kanyang ama.

Noong 2008 ay pumanaw ang premyadong action star sa edad na 56 dahil sa sakit na periampullary cancer. (CLICK HERE for related article.)

Dagdag pa ni LT (palayaw ni Lorna), mas gusto raw ni Mark na dumalaw sa puntod ng kanyang ama nang mag-isa.

Hindi naman ito ikinaila ng aktor.

"Ayaw kong nagpapakita sa kanila ng weakness," paliwanag niya.

"’Tsaka para sa akin, walang nagbago.

"Kahit mag-isa ako, kung may gagawin akong kasalanan na parang against him, hindi ko gagawin dahil nagi-guilty ako, e."

Anong klaseng "kasalanan" ba ang tinutukoy niya?

"Kunwari tinuruan niya akong huwag magmura.

"Hangga’t maaari ayaw ko nang magmura. Pag napapamura na ako, maaalala ko yung sinabi niya na bawal magmura, parang ganun lang."

Pero kahit pa man daw tatlong taon ng wala ang kanyang ama, wika ni Mark: "Para sa akin, lagi lang siya nandiyan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN