Suzette Ranillo is excited to work again with Nora Aunor in the film El Presidente

"Sabi naman ni Nora, pag merong project, uuwi siya. Actually, last year pa dapat siya uuwi. Nag-usap kami, last year, nung December," says Suzette Ranillo regarding the much-anticipated return of Superstar Nora Aunor.


Nasa cast ng Amok, isa sa mga entry sa ongoing Cinemalaya Filmfest sa CCP ang award-winning actress na si Suzette Ranillo.

Ikalawang pagkasali na ito ni Suzette sa Cinemalaya, bilang aktres at natutuwa siya sa bihirang pagkakataon.

"Ibang klaseng pelikula, may ibang approach si Direk Lawrence (Fajardo). I think it is one of the more interesting film entries dito sa Cinemalaya 2011," masayang banggit ni Suzette nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagbubukas ng annual indie filmfest.

"There are a lot of entries, kaya I’m hoping to be able to bring some of them to the [United] States. Show them theatrically."

Ayon sa aktres, nagtayo siya ng film distribution company para sa mga pelikulang Pinoy na gusto niyang magkaroon ng theatrical exhibition sa Amerika.

"Yeah, just starting. This is the first. We want to support Filipino films.

"Not just the indie [films], but, you know, the Filipino talents, the actors. This is going to be my first [year, in film distribution]."

Last year, kasali rin si Suzette sa Cinemalaya entry na Vox Populi, with Irma Adlawan, sa direksiyon ni Dennis Marasigan. Bakit madalang ang paggawa niya ng pelikula sa Pilipinas?

"The last few years kasi, dumalas ako sa Amerika dahil dinirek ko ’yung Care Home at minarket doon," pagtukoy ni Suzette sa indie film na pinagbidahan ni Nora Aunor.

Ang Care Home ay natapos at naipalabas na rin sa taunang Cine Manila International Filmfest (CIFF), noong 2006. The following year, 2007, nagkaroon din ito ng screening sa 3rd Cinemalaya Filmfest sa CCP.

"Baka magpalabas tayo, pag may dumating na kaibigan. Pag dumating siya [Nora]," nakangiting sabi rin ni Suzette, hinting at the possible return of the Superstar to the Philippines any time this year.

Maging si Suzette Ranillo ay nasasabik sa pagdating ni Nora sa bansa, tulad ng maraming Noranians.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"From what I heard, ilang beses na. ’Oy, darating, darating. Hindi darating. Darating, hindi darating," natawa si Suzette.

Gaganap nga ba si Nora sa El Presidente movie ni Laguna Gov. ER Ejercito?

"Oo. Yup," pag-confirm din ni Suzette.

Ayon din sa reports, si Nora Aunor ang gaganap sa papel ni Maria Agoncillo, ang naging ikalawang kabiyak ng dating Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Emilio Aguinaldo, nagagampanan ni Gov. ER.

"Oo, kasama ako [sa pelikula]. Ako ang first wife. Charing!" sabi ni Suzette, na nagbibiro lang.

"Alam mo, maraming roles. Maraming characters (sa El Presidente). That of Maria Agoncillo is a special role. Cinema Concepts ang producer. ER Ejercito will be portraying Emilio Aguinaldo."

Ang El Presidente ay ididirek ni Tikoy Aguiluz, siya ring Festival Director ng taunang CIFF.

STILL ON NORA. Also at the formal Cinemalaya Filmfest opening ceremonies ay nakatabi namin at muling tinanong ng PEP si Suzette Ranillo about her friendship with Nora Aunor.

"Nora is a good actress and a good friend," sabi ni Suzette. "It’s nice to work with friends, more so if they are good actors."

Isa pang direktor, si Mario O’Hara, ay may nakalaang project para kay Nora Aunor. Naghihintay lang ng pagkakataon si Direk Mario dahil gusto niyang gawin para kay Nora ang pelikulang may titulong Luna Rosa.

Si Mario O’Hara ang nagdirek ng Tatlong Taong Walang Diyos (1976), ang pelikulang unang nagbigay ng parangal kay Ms. Aunor, sa unang Gawad Urian Awards noong 1977. Nanalo rin ng una niyang FAMAS best actress award si Nora para sa nasabing pelikula.

"Sabi naman ni Nora, pag merong project, uuwi siya. Actually, last year pa dapat siya uuwi. Nag-usap kami, last year, nung December," ani Suzette.

"And then, the week after, sabi niya, hindi na muna siya tutuloy, kasi hindi natuloy yung project.

"So ngayon, since may inaayos. I’m not going to say, na, ’Oy, darating siya!’ ’Pag naayos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagsasama nila uli sa pelikula, bilang mga aktres, excited si Suzette.

"Magkikita kami palagi, baka everyday, magkasama kami," sabi pa niya.

Pati ba sa titirhan ni Guy rito, magkasama rin sila?

"A, dito, hindi. She would like to have her own privacy din naman," wika pa ni Suzette.

VISAYAN FILM INDUSTRY. Mula 2006 hanggang sa kasalukuyan, ayon din kay Suzette, ay marami siyang naging kaabalahan, bilang direktor.

"I started doing commercials for television; and documentaries," pag-inform pa niya.

"Hopefully, yung next film ko is going to be soon. We submitted an entry here [Cinemalaya] but it got shortlisted, from the 10 [New Breed entries]. Hopefully, next year, we’ll try again.

"Cebuano film yun, ’titled Taghot," sabi ni Suzette. "It’s about yung mga babaeng sumasayaw na may [hawak na] kandila."

Nais ni Suzette na maipagpatuloy ang legacy ng kanyang mommy, veteran actress Gloria Sevilla, in support of the Visayan film industry.

"Yes, that’s one of my goals," bulalas ni Suzette.

ON KRISTA RANILLO. Kumusta naman ang kanyang pamangking si Krista Ranillo?

"Yeah, she is okay!" masayang wika pa ni Suzette. "May apo na ako [sa pamangkin].His name is Nate Jacob," aniya.

Ang husband ni Krista Ranillo ay isang Filipino-Chinese, named Nino Jeffrey Lim.

"So, alam mo na kung bakit Nate Jacob, NJ," pagtukoy rin ni Tita Suzette, referring to Krista’s husband’s initials.

Ayon din kay Suzette, nasa States pa rin ang kanyang pamangkin. Nag-die down na rin ang mga usap-usapan ng pagkaka-link noon ni Krista sa boxing champ na si Manny Pacquiao.

"Mero’n pa rin. But it’s already an issue in the past," sabi ng Tita Suzette ni Krista.

Gaano nga ba ka-affected noon ang pamilya Ranillo sa naging usap-usapan, involving Krista?

"Alam mo naman, hindi naman tayo bago sa movie industry, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is where we grew up, so everything that has happened, that has transpired, especially dun sa controversy ni Krista, it’s not in our comfort zone, so to speak.

"And it might have been one of the biggest controversies about the family.

"But, siguro, sa tinagal na rin natin, or sa tinagal na ng family [namin] sa industry, dito na rin kasi kami pinalaki.

"Dito na rin nanggaling ang ipinakain sa amin ni mommy. Matigas na rin ’yung mga puso namin.

"Kailangan, you have to be in this field [to understand]," makahulugang pagtatapos ni Suzette.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN