Elmo Magalona does his first screen kiss with FHM Sexiest Woman 2011 Sam Pinto

"I was very nervous. Kasi first time ko lang talaga for a movie, tapos my first onscreen kiss pa. It’s very exciting!" relates Elmo Magalona about kissing FHM Philippines Sexiest Woman in the World 2011 Sam Pinto.


Puro kantiyaw ang inabot ng Tween Academy Class of 2012 star na si Elmo Magalona mula sa mga co-star niyang sina Joshua Dionisio at Derrick Monasterio.

Katatapos lang kasi ng first onscreen kiss ni Elmo, at ang dahilan ng pangangantiyaw nina Joshua at Derrick—naka-walong takes si Elmo sa kissing scene nila ng gumaganap na teacher sa school, ang FHM Philippines’ Sexiest Woman in the World 2011 na si Sam Pinto.

Ngingiti-ngiti lang ang binatilyong anak nina Pia Arroyo-Magalona at ng yumaong master rapper na si Francis Magalona, habang eksklusibong kinakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa nasabing first onscreen kiss niya.

"I was very nervous. Kasi first time ko lang talaga for a movie, tapos my first on-screen kiss pa. It’s very exciting!" banggit ng 17-year-old na aktor.

Nakausap ng PEP si Elmo sa shooting ng Tween Academy sa Republiq sa Resorts World Manila kahapon, July 19.

Nakikantiyaw na rin ang direktor ng Tween Academy na si Mark Reyes nang banggitin pa ng PEP na hindi lang basta first onscreen kiss ang ginawa niya dahil ang FHM’s Sexiest Woman for 2011 nga ang kahalikan niya.

"Elmo’s my hero!" biro ni Direk Mark.

Natawa si Elmo sa biro ng direktor.

"Yeah, mas nakakakaba pa. Kasi, you know, she’s the number one [sexiest woman] for this year and I am so nervous and excited at the same time," paglalahad pa ni Elmo.

Pero pasabi agad ng binatilyo, hindi dahil sa kung ano pa mang nagawa niya, kaya naka-walong beses silang nag-kiss ni Sam. Kinukuha raw kasi ni Direk Mark kung ano ang magandang anggulo ng eksena nila.

"May mga sinasabi sa akin si Direk na, parang hindi masyadong maganda yung first one... So up to the last one, mas napamukha siyang mas natural."

Tinapatan niya rin daw ang pagiging professional ni Sam sa kanilang eksena. Hindi raw siya nailang sa dalaga pagkatapos ng eksena nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That’s how I should be, too. Yung very professional," deklara ni Elmo.

Kuwento naman ni Elmo tungkol sa character niya sa pelikula, mami-misunderstood daw niya ang attention na ibinibigay sa kanya ng teacher niya, played by Sam.

"Magkakagusto ako sa teacher kasi sa family ko, hindi ako nabibigyan ng love, gano’n. So, sa teacher ko nakita yung attention... So, I felt that she loves me.

"It was just a misunderstanding lang pala."

At ano naman ang masasabi niya sa pangangantiyaw at biro nina Joshua at Derrick na mas pinapaboran daw siya ng direktor nilang si Direk Mark?

"Ang kulit nga!" tawa niya.

"Kinukulit nila ako, bakit ako pa raw ang nakakuha ng chance na ito. Wala lang, nakakatawa lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN