Is Nora Aunor really coming home tomorrow or not?

"Kung dumating si Guy sa araw at oras na sinabi nila, panalo sila. Ibig sabihin, hindi nagsasabi sa amin ng totoo si Guy. Pero kung hindi siya dumating, hintayin na lang natin ang pagdating niya," says German Moreno about the reported return of Nora Aunor (in photo) to the country.


Darating nga ba si Nora Aunor bukas, July 21, o hindi?

Ito ang malaking katanungan ngayon ng mga tagasuporta ng Superstar matapos lumabas ang iba’t ibang reports tungkol sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas.

Noong Lunes, July 18, ay lumabas sa column ng batikang kolumnista na si Alfie Lorenzo sa Abante Tonite na darating daw si Nora sa Huwebes sakay ng PAL PR 103.

Pero pinabulaanan naman ito ng malapit na kaibigan ni Nora na si German "Kuya Germs" Moreno sa kanyang radio program sa dzBB noon ding Lunes.

Saad ng Master Showman, hindi raw matutuloy ang pag-uwi ni Nora sa July 21, ayon na rin sa text message sa kanya ng spokesperson at confidante ng aktres na si Albert Sunga. (CLICK HERE to read related story.)

Pero isa namang report ang natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, July 19, na tuloy na raw ang pagbabalik sa Pilipinas ng Superstar.

Kinumpirma rin ito ng isang source na masugid na sumusubaybay sa kaganapan sa buhay ni Nora.

Ngunit naninindigan si Kuya Germs sa kanyang naunang pahayag na hindi matutuloy ang pag-uwi ni Nora bukas.

Dinagsa kasi ng mga tawag ang veteran TV and radio host sa kanyang programa sa radyo na Walang Siesta pagkatapos lumabas ng artikulo rito sa PEP, na nagsasaad na hindi pa sa Huwebes ang dating ng Superstar.

Katulad ng naunang pahayag ni Kuya Germs, muli nitong sinabi na kumpiramadong hindi darating si Ate Guy bukas.

"Sa mga nagsasabing darating si Guy sa July 21 at nagsasabing sakay na siya ng eroplano [PAL PR 103] , hindi ito totoo dahil katulad ng sabi ko kahapon, hindi siya makakauwi.

"Sa lahat ng mga nagti-text sa akin, inuulit ko, hindi uuwi ang nag-iisang Superstar sa Pilipinas sa Thursday katulad ng tinext niya.

"Pero kung gusto n’yo pa ring magbakasakaling darating nga sa Huwebes si Guy, e, wala na akong magagawa. Mauna na kayong sunduin siya sa airport."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa dami ng nangungulit kay Kuya Germs kung totoong nakasakay na ng eroplano si Nora ay tinawagan nito ang isang malapit na kaibigan ng aktres na si Suzette Ranillo.

Si Suzette ang kasamang nakikipag-negotiate kay Kuya Germs sa posibleng projects ni Nora pagdating niya sa bansa.

Kuwento ni Kuya Germs, "At dahil marami talaga ang nagsasabing darating si Guy at ipinakita pa daw yung despidida party nito sa isang palabas... Baka yung ipinakita nila, footage lang yun ng isang party na dinaluhan ni Guy matagal na matagal na.

"At para maliwanagan tayo kung tuloy ngang nakasakay ng eroplano si Ate Guy pauwi dito sa Pilipinas, katulad ng sinasabi nila, tinawagan ko si Suzette para alamin kung nakasakay nga si Guy sa eroplano.

"Pero nakausap ni Suzette si Guy na nasa bahay lang. Kasi kung nakasakay si Guy sa eroplano, di dapat hindi siya makakausap.

"Ang ibig sabihin nun, hindi talaga siya tuloy.

"Pero kung ipipilit pa rin nila na nakasakay ng eroplano si Guy at padating na sa Thursday, e, hintayin na lang natin."

Dagdag niya, "Kung dumating si Guy sa araw at oras na sinabi nila, panalo sila. Ibig sabihin, hindi nagsasabi sa amin ng totoo si Guy.

"Pero kung hindi siya dumating, hintayin na lang natin ang pagdating niya.

"Tapos, pag hindi dumating si Guy, si Guy na naman ang sisisihin, e, ibang tao naman ang nag-a-announce na darating siya, si Guy na naman ang masama.

"Mas maganda kasi na hintayin na lang talaga natin na nasa Pilipinas na siya bago natin sabihing confirmed na nasa bansa na si Guy.

"Katulad ngayon, may ibang date na nababanggit si Guy ng pag-uwi niya na mas maaga sa first week ng August, if ever na hindi niya itutuloy ang natanguang show sa Amerika. Pero hindi pa sure yun dahil marahil kakausapin pa niya yung organizer ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero ayokong sabihin kung kailan, kasi baka marami na naman ang mag-expect na tuloy na tuloy na, na darating si Guy.

"Mahirap magsabi ng date. Mas magandang i-announce sa lahat na darating na siya kung sinabi niya sa aking nakasakay na siya ng eroplano. Yun, sure na sure yun na darating na siya.

"Basta as far as I’m concerned, at katulad ng text sa akin at sa pag-uusap namin ni Suzette, hindi darating si Guy sa Thursday.

"Dahil noong sinasabi nila na nakasakay na ng eroplano si Guy ay nandun pa siya sa bahay niya sa L.A."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN