PAL employee in LAX says Nora Aunor cancelled her trip back to the Philippines

Sorry die-hard Noranians, superstar Nora Aunor will not arrive tomorrow, July 21, contrary to earlier reports. A PAL employee of Tom Bradley International Airport in Los Angeles told PEP that the actress cancelled her flight back to the Philippines.


Kinumpirma ng isang PAL employee sa Tom Bradley International Airport (Los Angeles International Airport, California) na hindi matutuloy bukas, July 21, ang pag-uwi sa Pilipinas ni Nora Aunor.

Ayon sa PAL employee na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ipina-cancel ni Nora ang booking nito sa flight PR 730 ng PAL.

Ngayon, July 20 (July 19 sa U.S.), dapat ang alis ni Nora sa Los Angeles kaya inaabangan siya ng kanyang mga tagahanga sa departure area ng LAX.

Hindi rin natuloy ang pagkuha ng local media ng permit sa Centennial Terminal 2 Airport dahil sa advice ng PAL management na hindi darating bukas ang pagdating ng aktres.

Ikinalungkot ng fans ni Nora ang balita dahil excited na sila na makita nang personal ang kanilang idolo.

Naniwala sila na magbabalik-bayan na ang aktres dahil ito mismo ang nagkumpirma sa mga interbyu na tuloy na ang pag-uwi niya sa Pilipinas para gawin ang pelikula na pagsasamahan nila ni Laguna Governor ER Ejercito, ang El Presidente.

Hindi naman ikinagulat ng iba ang biglaang desisyon ni Nora na huwag ituloy ang kanyang plano dahil sanay na sila sa mabilis na pagbabago ng isip ng award-winning actress.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN