Dayanara Torres "will not make any statement" about the split of ex-husband Marc Anthony and Jennifer Lopez

Former Miss Universe Dayanara Torres refuses to comment on the breakup of former husband Marc Anthony and Jennifer Lopez.


Hindi magsasalita si 1993 Miss Universe Dayanara Torres tungkol sa paghihiwalay nina Marc Anthony at Jennifer Lopez. (CLICK HERE to read related story.)

Sinabi ng publicist ng dating Miss Universe sa official statement na kanyang inilabas na "with all due respect, will not make any statement."

Ang reaksiyon ni Dayanara ang hinihintay ng lahat dahil siya ang ex-wife ni Marc Anthony.

Ikinasal ang dalawa noong 2000. Nagkaroon sila ng dalawang anak. Dalawang beses na naghiwalay at tuluyang nag-divorce noong 2004.

Si Jennifer ang sinasabing "third party" sa paghihiwalay nina Dayanara at Marc Anthony, dahil apat na araw matapos maaprubahan ang kanilang divorce ay pinakasalan ni Marc Anthony si J.Lo.

Noong 2008, naglabas si Dayanara ng biography at self-help book na may pamagat na Married To Me: How Committing to Myself Led to Triumph After Divorce.

Ikinuwento ni Dayanara sa libro ang depression na pinagdaanan niya nang maghiwalay sila ng kanyang ex-husband.

Ang kapatid ni Dayanara na si Jeannette Torres-Alvarez, isang mental health counselor, ang co-author ng libro.

Sa introduction, sinabi agad ni Daya­nara na hindi isang tell-all book ang Married To Me.

Totoo ang kanyang sinabi dahil hindi nagkuwento ang dating Miss Universe ng juicy details tungkol sa pagsasama at paghihiwalay nila ni Marc Anthony.

Hindi binanggit ni Dayanara ang pangalan ng dating asawa.

Imbes na sabihin ang pangalan ni Marc Anthony, maraming beses na ginamit ni Dayanara ang salitang "ex-husband."

Mga tips sa recovery mula sa depression dahil sa diborsyo ang nilalaman ng Married To Me, pero nabanggit ni Dayanara ang limang taon na paninirahan niya sa Pilipinas:

"After my one year as Miss Universe, I moved to the Philippines, where I hosted two weekly shows, starred in twelve movies, and created a charitable foundation for poor children. I stayed there for almost five years before I returned to Puerto Rico to record an album.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"During my five years as a talk show host in the Philippines, I always had dance routines to learn for both of my TV shows. Dancing was my favorite part of work as a TV host because it was when I felt most free, most like myself. The people in the Philippines even starting calling me ’the Dancing Queen,’ a nickname that I am quite proud of, being a girl from Puerto Rico."

Nakalagay sa Married To Me ang 12 movies na ginawa ni Dayanara sa limang taon na paninirahan niya sa Pilipinas.

Sa filmography ni Dayanara, tatlong pelikula lang ang ginawa niya sa Star Cinema—Basta’t Kasama Kita noong 1995, Hataw Na (1996), at Type Kita, Walang Kokontra (1999).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN