Filipino-Canadian YouTube sensation Maria Aragon arrives in Manila

"I love what I’m doing and it’s a dream of any kid to have this kind of opportunity. But it makes me miss my family a lot," says Maria Aragon.


Nasa Pilipinas na ang Filipino-Canadian YouTube sensation na si Maria Aragon.

Dumating siya kagabi, July 20, bandang 10:30 p.m. lulan ng Japan Airlines.

Hanggang September ng taong ito mag-stay si Maria sa Pilipinas dahil marami siyang magiging trabaho rito.

Nakilala si Maria Aragon dahil sa kanyang pag-awit ng "Born This Way" ni Lady Gaga, na na-release sa YouTube noong February 16, 2011.

Pipirma ng recording contract si Maria sa Star Records at this Sunday, July 24, ay guest siya sa ASAP Rocks.

Inamin ni Maria na gusto niyang makilala at makasama sa isang production number sila Piolo Pascual, Martin Nievera, at Gary Valenciano.

"I really like to work with Piolo Pascual. I find him so talented. I also like Martin Nievera. I love his songs and he’s a very good singer.

"And it’s a dream for me to meet and work with Gary Valenciano. He is such a performer and it would be a dream come true if I get to sing a song with him," sabi ng 11-year old singer nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa NAIA.

STILL PINOY. First time makarating ng Pilipinas si Maria, pero nakakaintindi at nakakapagsalita siya ng konting Tagalog.

"Back in Canada, especially in our home, people speak Tagalog and I grew up understanding a few words. Kaya naiintindihan ko ang ibang words. I can speak konting Tagalog," sabi niya.

Kahit nga raw sa pagkain ay alam ni Maria ang Filipino foods.

"I eat Filipino foods. I’m like Jollibee. Favorite ko yung Chickenjoy!" sabay tawa niya.

Gusto raw puntahan ni Maria ang Boracay dahil marami ang nagsasabi sa kanya na ito ang isa sa pinakamagandang tourist spot sa Pilipinas.

"Many are telling me that Boracay is one of the best beaches in the world. I like to see that for myself.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to go around and be familiar with the country. I will be staying here until September and I want to make the most of my stay here."

LADY GAGA. Napaluha ni Maria si Lady Gaga nang mapanood nito ang YouTube video ni Maria kunsaan kinakanta nito ang "Born This Way."

Sobra raw na-touch ang international singer dahil ramdam na ramdam niya ang mensahe ng kanyang kanta sa pag-awit ni Maria.

Dahil sobrang natuwa si Lady Gaga sa Fil-Canadian na ito, ginawa niya itong special guest sa isang show niya sa Toronto, Canada. Nag-duet sila ng "Born This Way" na pinalakpalan nang husto ng fans ni Lady Gaga.

Umabot na sa 33.5 million hits ang video na iyon ni Maria as of July 12, 2011.

INSTANT CELEBRITY. Ipinanganak sa Winnipeg, Manitoba, Canada si Maria Lourdes Aragon noong July 17, 2000. She just turned 11 at simple lang daw ang naging celebration ng birthday niya.

"We had a simple gathering for my birthday. It was very emotional because that was the last time I will see my family because I have to fly here in Manila.

"Before this trip, I haven’t been spending enough time with them because of all that has happened ever since the video became a hit.

"I have been traveling all over Canada to perform and be a guest on different shows.

"I love what I’m doing and it’s a dream of any kid to have this kind of opportunity. But it makes me miss my family a lot," pahayag niya.

Dahil sa biglang pagsikat ni Maria, naimbitahan siya na mag-guest sa iba’t ibang talks shows including Ellen DeGeneres Show kunsaan nakatanggap siya ng standing ovation mula sa audience nang awitin niya ang "Born This Way."

Nakapag-guest din siya sa Good Morning America at The Today Show.

Nakapag-perform din si Maria sa iba’t ibang venues sa Canada, kasama na roon ang pag-awit niya sa harapan ng Canadian Prime Minister na si Stephen Harper.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa katuwaan nga ni Prime Minister Harper kay Maria, nag-request ito na mag-duet sila ng song na "Imagine" ni John Lennon.

Kabilang din si Maria na nag-perform sa 2011 Canada Day concert kunsaan umawit siya sa harapan nina Prince William at Duchess Catherine.

Sobra raw na-starstruck si Maria nang makaharap na niya sina Prince William at Duchess Catherine.

Si Maria ang pinaawit ng national anthem ng Canada na "O Canada" sa naturang event na ginanap sa Parliament Hill in Ottawa na dinaluhan nga ng British royal couple.

"I was overwhelmed! I couldn’t say a word when they were right in front of me," pag-alala ni Maria.

"For a kid like me to be in front of royalty is such an awesome experience. It’s like a dream coming true.

"And Princess Kate is so beautiful. I can’t find enough words to describe how beautiful she is inside and out," ngiti ni Maria.

CHARICE. Hindi pa raw nakikilala ni Maria ang isa ring naging YouTube sensation na si Charice. Gusto raw niya itong makilala balang araw at makatrabaho.

"I heard that she’s such a nice person. Hopefully, it will happen soon," sambit niya.

THANKFUL. Sobra ang pasasalamat ni Maria sa kanyang idol na si Lady Gaga dahil kung hindi raw dahil sa kanya ay hindi niya mararanasan ang lahat ng atensyon mula sa media.

"I always thank Lady Gaga for what she did for me," sabi niya.

"She is such a wonderful person and I can never forget her.

"She always reminds me to follow my dreams and always believe in myself no matter what other people say.

"Ang bait po niya talaga."

Nagpasalamat din si Maria sa mga Pinoy na nakapanood ng kanyang video sa YouTube. Nakaka-inspire daw ang mga magagandang comments nila sa kanya.

"I like to thank my fellow Filipinos who said nice and encouraging words when they view my video on YouTube.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"They helped me believed in my dreams more. And because of them, I am here and I like to extend my appreciation to everyone.

"Never give up on your dreams and always believe in what you could do," sabi pa ni Maria.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN