(UPDATED) FIRST READ ON PEP: Heart Evangelista claims she was "attacked, shouted at, and threatened" by Marian Rivera

"My client has been portrayed as the assailant. This is false. She was not the assailant but the assailed. She was not the offender, but the victim.... My client and I hope that after this, it will not be necessary to seek recourse in the courts," says Heart Evangelista’s lawyer, Atty. Archimedes Gonzalez.


"Masama lang po ang loob ko dahil nabaligtad na po ang sitwasyon."

Ito ang naging pahayag ni Heart Evangelista sa isinasagawang presscon ngayong tanghali, July 21, sa Barrio Fiesta restaurant sa Greenhills, San Juan.

Ang presscon ay ipinatawag upang ipahayag ang panig ng aktres sa alitan nila ng kanyang co-star na si Marian Rivera sa pelikulang Temptation Island.

Matatandaang nagsalita na si Marian tungkol sa naturang isyu sa presscon ng Temptation Island noong June 23, pero hindi nakunan ng pahayag si Heart dahil nagbabakasyon ito noon sa Brazil kasama ang kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga. (CLICK HERE to read related story.)

Ito ang unang pagkakataon na nagsalita si Heart tungkol sa isyu, bagamat may mga pahiwatig na siya noon sa kanyang Twitter account.

Sa ginaganap na presscon ay inamin ni Heart na may "friction" sa pagitan nila ni Marian sa huling dalawang araw ng shooting nila ng Temptation Island sa Ilocos Norte.

Ayon kay Heart, "sinugod" at "sinigawan" diumano siya ni Marian sa loob ng kuwarto habang nasa shooting sila ng kanilang pelikula.

Ito ay dahil sinabi raw niya sa isang interview na "excited" siyang makatrabaho ang boyfriend ni Marian na si Dingdong Dantes.

"Pinagbantaan" din daw siya ni Marian na "Papatayin ka ng mga fans ko!"

Na-trauma raw siya dahil sa nangyari.

Natakot din daw si Heart sa mga banta ng fans ni Marian sa kanya.

Kasamang humarap ni Heart sa presscon ang kanyang dalawang abugado na sina Archimedes Gonzalez at Camille Sevilla.

Pero nilinaw nila na sa ngayon daw ay wala naman silang balak magsampa ng demanda laban kay Marian.

"Kaya kami nandito siguro is just to air na lang my side," sabi ni Heart.

Ayon naman kay Atty. Gonzalez, "My client has been portrayed as the assailant. This is false. She was not the assailant but the assailed. She was not the offender, but the victim....

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"My client and I hope that after this, it will not be necessary to seek recourse in the courts."

Dahil din daw sa "issue" ay apat na endorsements daw ni Heart ang "on hold" at isa ring TV project ang "na-shelve."

Samantala, pinabulaanan naman ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco ang lumabas na balita noon na diumano’y nagsama siya ng maraming bodyguards nang sunduin niya ang anak sa airport.

Dalawang airport personnel lang daw ang kasama niya, at ito ay para tulungan lamang siyang makapasok sa loob ng airport para sunduin si Heart.

Wala rin daw "interaction" na nangyari sa kanila ni Marian.

Abangan ang full report ng istoryang ito mamaya dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN