Derek Ramsay will stay as Kapamilya in the midst of issues being hurled against him

"I haven’t entertained moving to another network or anything like that. I’m concentrating on my work and the movies that I’m doing, wala akong iniisip na ganun," says Derek Ramsay.


Pagkatapos pukulin ng sunud-sunod na mga intriga, pinili na lang ni Derek Ramsay na mag-focus sa kanyang trabaho.

Sabay niyang tinatapos ngayon ang dalawang pelikula—ang isa ay pinagsasamahan nila nina Anne Curtis at Cristine Reyes, at ang pangalawa ay pinagtatambalan nila ni Vice Ganda.

Abala rin ang hunky actor sa taping ng reality show ng ABS-CBN na The Biggest Loser Pinoy Edition, kung saan siya ang tumatayong Game Master. Hindi rin nawawala ang product endorsements na dumarating kay Derek.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor sa shooting ng movie niya with Anne and Cristine last Monday, July 18, sa The Fort, tinanong namin siya if he is now relieved na mukhang tahimik na ang issues sa kanya.

"Yeah, but let’s wait for the next one," nakangiti niyang sagot.

"I guess it’s part of my life, it’s part of my relationship with Angel [Angelica Panganiban].

"We’re gonna receive more and more intrigues. We’ll both cross that bridge when we get there.

"Ang importante, hindi kami nagpapaapekto and we both move forward after every issue.

"Ayokong umasa na magkakaroon pa, sana hindi, but I’ve been on a roll.

"I’ve been bombarded with one intrigue after the next.

"Nakakapagod, pero ang importante, you move forward."

STAYING WITH ABS-CBN. Nabalita noon na masama raw ang loob ni Derek sa Kapamilya network nang ilabas ng TV Patrol ang balita tungkol sa pagkakaroon na diumano ng pananagutan sa buhay ng aktor.

Kasunod nito ang balita na naapektuhan daw nang husto ang pamilya ng aktor.

Pero ayon kay Derek, "No, everyone is just doing their job, I guess.

"My family won’t be affected because we stand by each other’s side all the time.

"We got affected by the cancer issue because I got scared. I thought that maybe one of my family members was ill.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But as for the last issue, not at all," pagtukoy ni Derek sa balitang nagpakasal na raw siya noon sa isang Filipino-Indian na nagngangalang Mary Christine Jolly. (CLICK HERE to read related story.)

Agad ding naglabasan ang mga balita na may balak daw lumipat ng ibang istasyon si Derek.

"Not, it’s not also true," pagtutuwid niya.

"People know me, I’m a man of my word. Pinalaki ako na may pagpapahalaga sa kontrata.

"I’m thankful for the projects and the trust that they [ABS-CBN] give, and I’m not going to transfer if I have commitments and projects with my network.

"I haven’t entertained moving to another network or anything like that.

"I’m concentrating on my work and the movies that I’m doing, wala akong iniisip na ganun.

"Right now, I have a contract in ABS every two years... I think I’m on my last year.

"ABS has been good to me, so, you know, we’ll see. I don’t wanna say that I’m gonna sign, they might not want me!" tawa niya.

"Definitely, we’ll sit down and talk about that. We have to be professional about things.

"That’s another bridge I’d cross when I get there. But for now, I have responsibilities."

PHIL YOUNGHUSBAND. Si Derek ang dating partner ni Angel Locsin sa Centrury Tuna ad, pero pinalitan siya ngayon ni Phil Younghusband.

Inisip tuloy ng iba na baka nakaapekto ang huling lumabas na isyu sa aktor kaya hindi na ni-renew ang contract niya ng nasabing canned tuna brand.

"I hope not," sambit naman ni Derek nang tanungin ang kanyang reaksiyon tungkol dito.

"That will be upsetting for me if they think that way, but I highly doubt it."

Nagkaroon ng issue noon ang fans ng Azkals player sa girlfriend ni Derek na si Angelica Panganiban dahil sa opinion ng aktres na mas maganda kung mag-concentrate na lang si Phil sa football kaysa sa mag-artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami naman ang natuwa nang magpalitan ng tweets sina Derek at Phil na patunay lang na tapos na kung anuman ang nangyaring gulo sa pagitan ng football player at ng girlfriend ng Frisbee player.

Ani Derek, "Never naman kami hindi naging okay ni Phil, they were just insisting na may issue sa amin.

"Before that issue, we’ve never met. So how can I judge somebody I’ve never met?

"Hindi rin naman inaaway ni Phil si Angelica, so wala.

"We met at the concert of Kylie [Minogue], weird place to meet, but that’s where we met.

"I congratulated him for their well-deserved victory. Sabi ko nga, maglaro kami ng football sometime, we can have a kick around.

"He’s an Englishman just like me," banggit pa niya.

ALL FOR THE SHOW. Sa nakaraang concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum, naintriga ang pagyakap na ginawa ni Cristine kay Derek, na pinagselosan daw ng kasintahan ng sexy actress na si Rayver Cruz.

Agad namang pinaliwang ni Derek na parte lang ng script ang nangyari.

"That was all for the show, for Vice," sabi niya.

"Yung nasa script kasi is mag-aagawan sila, yun lang ang ginawa namin sa stage.

"Kami nila Rayver, we’re all getting along and lumalabas kami—ako, si Angel, Cristine, and Rayver.

"Walang issue yun, walang malice, at walang meaning in it.

"We were just having fun on stage, hindi magseselos dun si Rayver."

MOVIE WITH ANNE AND CRISTINE. Kinumusta rin ng PEP kay Derek ang pelikula niya with Anne and Cristine.

"Dumarating na kami sa mga eksenang mabibigat ang tension, heavy drama, so naiintindihan ko na talaga yung character ko.

"Nung umpisa, hindi pa masyado. Pero ngayong nagsama yung tatlong characters, naramdaman ko na talaga.

"Si Anne, nakatrabaho ko na siya before, it’s my first time to work with Cristine and masaya din siyang katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailangan ko talaga gawin my very best para masabayan ko sila dahil master na master nila ang mga characters nila."

Hindi kaya maging issue sa mga respective partners nila ang balitang sexy scenes niya sa kanyang dalawang leading ladies?

"The other day, Anne and I shot a very intense bed scene. Tapos this week, kami ni Cristine. So, it’s very heavy.

"On my end, alam ko na artista kami," sabi ni Derek.

"Si Angel, hindi nagpapaalam sa akin. Ako, hindi ako nagpapaalam. Parte ng trabaho namin yun.

"She trusts me and I trust her na hindi kami gagawa ng eksena na ganun, na hindi naman kailangan.

"I dunno with Anne and Cristine kung nagpaalam sila, but Rayver’s my bro and Erwan’s my ex-gf’s brother, so I don’t think kailangang magpaalam."

Si Erwan Heussaff ang boyfriend ni Anne at kapatid ng ex-girlfriend ni Derek na si Solenn Heussaff.

DEFENDING VICE. Kasabay ng ginagawang pelikula ni Derek with Anne and Cristine ang pelikulang pagtatambalan nila ni Vice Ganda.

Ipinagtanggol naman ni Derek si Vice sa matagal nang pinupukol na issue na may attitude problem at mahirap daw pakisamahan ang TV host-comedian.

"Vice is an exceptional comedian," sabi ni Derek.

"Nakaka-two shooting days pa lang ako, pero ang saya sa set.

"He’s so talented! On the spot, he’s so witty, ang bilis ng pick-up, tapos backup pa by Direk Wenn Deramas.

"We share tents, ang liit ng tent namin ni Vice, pero walang problema.

"Ang bait ng pamilya ni Vice, dinalhan ako ng Spanish bread kasi favorite ko yun.

"Prima donna... wala akong nakikitang ganyan, ang bait-bait ni Vice sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN