Heart Evangelista airs side on rift with Marian Rivera; lawyer says they’re keeping their legal options open

Heart Evangelista says that it was Marian Rivera who first initiated the conflict during their stay in Ilocos Norte for the shooting of Temptation Island. Heart, according to her lawyers, "was not the offender, but the victim."


Humarap ang aktres na si Heart Evangelista sa press conference na ipinatawag ng kanyang kampo kaninang tanghali, July 21, sa Barrio Fiesta sa Rochester Street, Greenhills, East Mandaluyong City.

Kasama ni Heart sina Atty. Archimedes Gonzalez at Atty. Camille Sevilla, na sa kasalukuyan ay tumatayong legal counsels ng aktres kaugnay sa isyu ng alitan nito sa Temptation Island co-star na si Marian Rivera.

Malinaw ang pakay ng press conference. Ito ay para ihayag ni Heart ang kanyang panig sa kontrobersiya na naging maugong kasabay ng promotion ng nabanggit na pelikula na magkatulong na pinondohan ng Regal Entertainment at GMA Films.

Hindi nagkaroon si Heart ng pagkakataon na sagutin ang isyu sa dahilang tumulak ito papuntang Brazil kasama ang kasintahan na si Daniel Matsunaga para magbakasyon ng tatlong linggo.

"SHE WAS NOT THE ASSAILANT." Bago tuluyang magsimula ang Q&A ng press conference ay minarapat muna ni Atty. Archimedes Gonzalez na basahin ang inihanda nilang statement bilang depensa sa isyu na ibinabato laban kay Heart.

Narito ang kanilang statement:

"As counsel for Ms. Heart Evangelista, I wish to correct certain disinformation that has been spread to the detriment of my client.

"First, my client has been portrayed as the assailant. This is false. She was not the assailant but the assailed. She was not the offender, but the victim.

"Second, her mother was portrayed as committing acts of intimidation in that she met her daughter at the airport in the presence of 15 policemen. This is false. My client’s mother was accompanied by two NAIA employees whom she asked for assistance to pick up her daughter from the arrival area.

"Third, my client’s mother is said to have in effect committed threatening acts against the other actress. This is false. No such threats were made by my client’s mother.

"As a result of all these false and exaggerated accusations, four of my client’s endorsement projects were put on hold. More damage was suffered by my client, because a TV project was also shelved because of the false insinuations against her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In short, my client’s adversaries, may not only have committed the crimes of libel and grave threats against my client, but have also caused my client to incur damages in an amount that we will specify in a civil case that our law firm is still studying.

"We appeal to the media to hear both sides. My client has remained silent until now in obedience to the request of her home network not to speak publicly about the issue.

"However, the other actress spoke about the issue in an earlier press conference for a movie.

"Therefore, in self-defense, my client is forced to hold this press conference to air her side. Please help us to obtain justice in this forum.

"My client and I hope that after this, it will not be necessary to seek recourse in the courts."

Ang tinutukoy na "other actress" sa statement ay walang iba kundi si Marian Rivera.

Samantalang ang "movie" na nabanggit ay ang remake ng pelikulang Temptation Island, na nagdaos ng grand press conference noong June 23 sa Imperial Palace Suites, Tomas Morato Ave., Quezon City. (CLICK HERE to read related article.)

HEART’S SIDE OF THE STORY. "I want to settle this issue privately, pero kailangan kong i-defend ang sarili ko. The false and mean things that have been reported about me in the media and online have damaged my reputation," saad naman ni Heart sa sarili niyang statement.

"I have even received death threats from the fans of Marian Rivera. I am traumatized and very scared. Once and for all, I want to share the truth about what happened in Ilocos."

Sinabi ni Heart na noong umpisa ay maganda naman ang samahan nila ni Marian habang ginagawa ang Temptation Island.

Subalit tila nag-iba raw ang ihip ng hangin matapos na sabihin ni Heart kay Marian na "excited" siyang makatrabaho ang boyfriend ng huli na si Dingdong Dantes sa isang upcoming television project sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagulat daw si Heart nang bigla siyang sugurin ni Marian sa kanyang hotel room sa Ilocos Norte, kung saan sila nagsu-shooting ng Temptation Island noon.

"Sinigawan" daw siya ni Marian at nagbanta na "Papatayin ka ng mga fans ko!"

Dalawang beses daw siyang "sinugod" ni Marian sa kanyang kuwarto para pagbantaan.

"At this point, I had no intention to call my parents kasi nasa Ilocos po kami nun. Ayaw ko naman mag-worry sila," kuwento ni Heart.

"So, nakakita po ako ng isa sa head ng production. I secretly went to the room and sinabi ko po sa kanya kung ano yung nangyari.

"Ang naging advice niya po sa akin is it’s important na kausapin ko po ang magulang ko and sabihin ko rin kung ano ang nangyayari.

"Kasi in the future, in case baka po mabaliktad po ang sitwasyon—which is actually happening now."

Dagdag pa ng aktres, "At this point, while I was going back to my room, natawagan na po ng dalawa kong kasama yung parents ko dahil narinig po nila kung ano ang nangyayari sa loob ng kuwarto the first time that Marian came in."

DEFENDING HER MOM. Ipinagtanggol din ni Heart ang kanyang ina na si Mrs. Cecile Ongpauco sa naunang balita na diumano ay sinigawan nito si Marian nang magkaharap ang dalawa sa airport.

Nagbitaw raw si Mrs. Ongpauco ng mga salitang "Stay away from my daughter!" at iba pang masasakit na salita dahilan para mapaiyak si Marian.

"Gusto ko rin po linawin na wala pong confrontation na naganap," diin ni Heart.

"Hindi po totoo na nagdala kami ng napakaraming pulis. It was airport security po.

"Actually, in-assist lang po ang mommy ko ng dalawang security dahil bawal na po kasi magsundo ng pasahero doon sa loob.

"So, dun na po siya sa labas naghintay, sa may baggage area.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And nung lumabas na po ako, binati ng mommy ko yung ibang artista na bumati sa kanya, and we left na po right away."

Saad pa ni Heart, "The reason why we called this presscon is to clarify things, sabihin lang po kung ano talaga ang totoong nangyari.

"Again, hindi po namin ginusto magsalita kasi we were given instructions by the two networks [GMA-7 and Regal], but hindi po yun ang nangyari dun sa presscon ng Temptation Island."

THREATS FROM MARIAN FANS. Nagpahayag din ng pangamba si Heart sa mga pagbabanta na diumano ay natatanggap niya galing sa mga tagahanga at tagasuporta ni Marian.

"I believe the situation is talagang nagkakagulo na po.

"Ang dami ko na pong death threats sa fans ni Marian, na siyempre tao lang po at natatakot po ako kasi may mga threats na bubuhusan daw ako ng asido, hinihintay daw nila ako, ganyan.

"At hindi naman po biro yung ganun—medyo nakakabulabog na po.

"Naiintindihan ko naman po ang fans ni Marian. Siyempre idolo nila ’yan and pinuprotektahan nila ang idol nila—I understand.

"Pero sana po sa presscon na ito, malinawan po ang lahat ng tao kung ano po ang nangyari."

KEEPING LEGAL OPTIONS OPEN. Tinanong si Heart kung may galit ba siyang nararamdaman kay Marian matapos ang hindi nila pagkakaunawaan sa Ilocos.

"Hindi ko naman sasabihin na hindi ako galit, pero masama lang po ang loob ko," sagot niya.

"Siyempre kasi, medyo masakit na po. Masakit lang siyempre pati ang pamilya ko nadamay, and mahal na mahal ko po ang trabaho ko from the day I started.

"All I wanted to do was be professional and work.

"Wala naman po akong pinipili na leading man. Kung sino man po ang ibigay sa akin, okay na po yun sa akin basta nakakapagtrabaho po.

"I respect Marian, and I told her that. Tinaas ko yung dalawa kong kamay nung nangyayari po ang lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi ko, ’Marian, ayoko makipag-away because I respect you. I look up to you.’"

May plano ba silang magsampa ng demanda laban kay Marian dahil sa nangyari?

"Siguro wala naman akong iniisip na ganito, ganyan. Nandito lang po kami for one reason—sabihin ang totoo, yun lang.

"Wala na po sa akin yung gagawa kami ng something—wala na po.

"I just want it to be normal [at] hindi ako nag-aalala na may magbubuhos ng asido sa akin," pahayag ni Heart.

Sinabi naman ni Atty. Gonzalez na bagamat wala sa plano nila sa ngayon ang pormal na magsampa ng reklamo, ay pinag-aaralan pa rin nila ang posibilidad na dalhin sa korte ang usapin.

"Like I mentioned earlier, we’re still studying the extent of the damages that our client has received because of the incident, and we’re getting ready to file the appropriate cases if this doesn’t get resolved the soonest possible time," sambit ng abogado.

Tumanggi naman ito na pangalanan ang mga endorsements na diumano ay nawala sa kanilang kliyente matapos pumutok ang kontrobersiya.

"We’d rather not talk about the details of these endorsements," banggit ni Atty. Gonzalez.

"Primarily, this press conference was held just so there will be a sense of fairness to everything that happened because the other side has already talked about the issue, and we just want our client to be able to air her side.

"Apart from this, we want of course the things that were put on hold to continue again, to get results.

"Another thing is we feel that our client’s credibility has been damaged over those bad press in the past couple of weeks, or the bad publicity rather, so we hope that we’ll be able to rebuild on that and move forward.

"Of course, we want peace, but what we’re saying is considering all the damage that’s been done to our client, I think it will be prudent to keep everything on the table to have these [legal] options available."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukas naman ang PEP sa panig ng kampo ni Marian kung may nais silang sabihin sa mga naging pahayag ni Heart at ng legal counsel niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN